CHAPTER FORTY FIVE
ZEIAH
Hindi ako makapaniwala na nakikita ko ngayon ang kapatid ko. Kamukhang-kamuha ko. Kanina pa ako nakatingin sa kaniya. May kapatid ako. Tunay na kapatid. Kakambal ko pa.
"Focus, Zei," bulong sa akin ni Luxrae na busy sa pakikipaglaban. Nakalimutan kong nasa labanan pala kami. Ginawa ko ang gusto niya at tumulong sa pakikipaglaban.
Dumako ulit ang mata ko kay ate Leiah, at nakita ko kung gaano siya kagaling sa pakikipaglaban. Halatang bihasa siya sa pakikipaglaban. Matapos niyang patumbahin ang tatlong venom vampire ay humarap siya sa akin at kinindatan ako. Ang astig ng kapatid ko!
Nagpatuloy kami sa pakikipaglaban. Nasa likod lang ako ni Luxrae habang nasa harap ko siya. Ang mga vampire hunters ay patuloy ang pagpapaulan sa amin ng bala na siyang patuloy naming iniiwasan.
Hindi ko aakalain na ganito sila karami. Mas marami sila sa inaakala namin.
Maya-maya ay biglang yumanig ang lupa at bumuka. Agad akong hinawakan ni Luxrae para mailayo roon. Ang ilan sa kasamahan naman at mga kalaban ay nahulog sa bumukang lupa. Nagsitumbahan ang mga puno kasabay ng pagdating ng iba pang vampire hunters.
"Are you okay?" tanong ni Luxrae. Kinakabahang tumango ako sa kaniya.
Dumako ang tingin ko sa isang nilalang na mula sa kung saan. Nanaas ang balahibo ko sa nakita. Isang malaking nilalang na ang katawan ay kalahating bampira sa itaas at ang pang-ibaba ay werewolf. Saan nanggaling ang nilalang na ito?
"No. . ." usal ni Luxrae. "Pinalabas na ni Magnus. Your mother's father's invention, before he died, that could also destroy us. The Vicrus."
Kunot-noong napahawak ako sa kwintas na ibinigay sa akin ni Daddy. Napatingin din siya roon.
"If you're going to use that, please think about me. Don't ever think to leave me, Zei."
Hindi ko na naproseso ang sinabi niya nang biglang pinalibutan ng vicrus ng apoy ang buong kagubatan.
"Aquapires! Weapires!" Sigaw ni Luxrae.
Agad na umalerto si Rain at Yacinth. Tumaas si Yacinth kasama ang mga kasamahan nito pata paulanan ng ng tubig ang apoy. Habang si Rain naman ay itinaas ang kamay, unti-unting dumilim hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan.
Ang malaking kamay ng vicrus ay sinubukan kuhanin si Yacinth pero napigilan ito ni Von. Kaya si Rain ang tinira nito na abala sa pagfocus kaya hindi nito napansin ang pagtira ng vicrus. Nakuha ng vicrus at inihagis kaya tumama ito sa may puno.
"Rain!" sigaw ni Jacob, at sinubukan puntahan si Rain pero sa isang kurap ay napatalapon din siya dahil sa vicrus.
Pinagmasadan ko ang bawat isa sa amin. Talaga ngang mas malakas ang vicrus sa amin. Unti-unti kaming nauubos, idagdag pa ang mga hunters na may mga armas na ikamamatay namin. I felt hopeless. Wala akong magawa. Kung tutunganga lang ako rito ay unti-unti kaming matatalo.
Tiningnan ko ang kwintas na suot ko. Para akong nabuhayan. May pag-asa pa kami. I am the princess of all vampires. It's my duty to protect my clan. At gagawin ko iyon ngayon.
Napatingin ako sa ate Lei na nakatingin din sa akin. Tinanguan ko siya kaya ngumiti siya sa akin. Alam kong may hula na siya. I have this feeling that we have this invisible connection.
"I will fight. We will fight," I told Luxrae na seryosong nakatingin sa akin.
"Susuportahan mo ba ako?"
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
Paranormal[COMPLETED] Former: School Of Vampires: Vhaxeinus Academy "Hi! Im Zeiah. And guess what? I entered this Acadamy. A not ordinary school. Full of secrets. Full of mystery. And a school where I belong..." 💌: First ever story that I wrote so don't expe...