CHAPTER THIRTY FOUR
HEYLIL
Nakatitig lang ako sa natutulog na si Lucifer. Nasa maayos na siyang lagay ngayon at kailangan na lang magpahinga dahil iba ang epekto ng lason na napunta sa katawan niya. Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagigising.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung nawala siya. Sobrang takot ang nararamdaman ko. Despite of pushing him away everyday, I can't still afford to lose him. That time, he wasn't my weakness, he was my strength.
Lucifer. . . he was my weakness and strength at the same time. Siya lang.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako kung napatunayan kong may karapatan kaming mga wizard vampire na magmahal nang lubusan. Na ang pagmamahal na iyon ay hindi namin ikakasira, kun'di lakas namin para lumaban.
Naramdaman kong gumalaw ang daliri ni Luci mula sa pagkakahawak ko kaya na patingin ako sa kaniya. Unti-unti niyang idinilat ang mga mata niya at agad itong dumapo sa akin. Napangiti ako at maslalong hinigpitan ang hawak sa kamay niya.
"How are you feeling?" I asked. Tinitigan niya ako na parang hindi makapaniwalang nandito ako ngayon sa harap niya.
"F-fine," he whispered. Sinubukan niyang tumayo kaya inalalayan ko siya. Nakatitig pa rin siya sa akin pagkatapos.
"Ikaw? A-ayos ka lang ba?" tanong niya at nag-aalalang tumingin sa akin.
"Ayos lang ako. Mas ayos ako kaysa sa'yo," sabi ko.
Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilang hindi mapaisip kung kailan nga ba noong huling nakita ko siya nang ganito kalapit? Iyong walang galit at pangamba na nadarama? Hindi ko na matandaan.
I know. Alam kong iyong pangbababae niya ay paraan niya lang para makalimutan ako. It's my fault though. Ako ang nagsabi sa kaniya na maghanap nang iba. Kasalanan ko dahil naduwag ako. Kasalanan ko kung bakit nawala siya sa akin. Kasalanan ko kung bakit nasaktan siya noon.
Unti-unting namasa ang mata ko. Gusto ko ulit siyang ipaglaban pero paano kung wala na siyang nararamdaman para sa akin? Simula noong nangyari na muntikan na siyang mamatay para sa akin, ayoko nang maging duwag. Ipaglalaban ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya.
"Don't cry," he whispered and wiped my tears with his thumb.
"I'm sorry for everything," bulong ko at umiyak. Sa kauna-unahang pagkakataon, naging mahina ako. Inilabas ko ang kahinaan ko sa ibang tao. Hindi ko napigilang yakapin siya at hinagod niya ang likod ko.
"N-naging duwag ako sa pagmamahal ko sa'yo."
"Heyl, ayos lang na masaktan ako basta ikaw. Simula noong mahalin kita, ikaw lang ang binigyan ko ng karapatan na saktan ako. Ayos lang, Heyl," pumiyok siya tanda na papaiyak na rin. Maslalo lang akong naiiyak dahil sa kaniya. Ang dami naming nasayang na panahon. Sobrang dami.
"Mahal na mahal kita, Lucifer. Kahit noong hindi mo pa ako mahal, mahal na kita," bulong ko sa kaniya at humigpit ang yakap ko.
Naalala ko iyong panahon na nakita ko siyang umiiyak noon dahil nabasted siya ng babaeng gusto niya.
"Bakit? Ano bang alam mo ha! Nagmahal ka na ba? Nasaktan ka na ba?" sigaw niya sakin habang papalapit sa akin.
Alam ko ang nararamdaman niya dahil nagmahal din ako. Nagmahal nang isang katulad niya. Nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. Hindi niya lang alam kung gaano kasakit makita na ang taong mahal mo nasasaktan dahil sa iba.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
Paranormale[COMPLETED] Former: School Of Vampires: Vhaxeinus Academy "Hi! Im Zeiah. And guess what? I entered this Acadamy. A not ordinary school. Full of secrets. Full of mystery. And a school where I belong..." 💌: First ever story that I wrote so don't expe...