CHAPTER THIRTY FIVE

253 9 1
                                    

CHAPTER THIRTY FIVE

YACINTH

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Madilim at may kokonting ilaw galing sa mga butas sa labas. Inilibot ko ang tingin ko, hindi ako makabangon dahil nakagapos ang buo kong katawan. Nasa isa akong puting kwarto na puno ng mga aparato at kung ano-ano pa.

Nakaramdam ako nang kung anong kaba lalo na't alam kong nasa mga hunters ako. Pero mas ramdam ko ang sakit sa loob ko kapag naaalala ko kung ano ang huling nangyari. Niligtas ko si Von habang nililigtas niya si Rain. Kamusta na kaya siya ngayon? Kamusta na sila? Iniisip niya ba ako?

Siguro okay lang kahit patayin na nila ako rito. Wala rin namang mawawalan, walang maghahanap sa'kin dahil ang iisang itinuturing kong pamilya, wala ring pakialam sa akin. Hinayaan kong tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong gising at umiiyak pero ramdam ko ang panghihina ng katawan ko.

Sa tuwing pumupikit ang mata ko, si Von lang ang naiisip ko. Parang ipinapahiwatig na lumaban pa ako, huwag akong susuko at makakaalis rin ako rito. Napangiti ako ng mapait. Siya pa rin ang dahilan ko para mabuhay.

Nakaramdam ako ng kirot sa braso ko at nakita kong may kung anong nakalagay sa katawan ko na nakakonekta sa isang aparato, may mga nakalagay roon na hindi ko maintindihan. Sinubukan kong makawala pero masyadong mahigpit ang bakal sa akin. Hindi ko rin magamit ang kapangyarihan ko dahil sa panghihina.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong hindi nakakainom ng dugo, dahilan para mawalan ako ng lakas ar enerhiya. Idagdag pa ang gamot na itinurok nila sa akin. Kumalabog ang dibdib ko nang bumukas ang pintuan. Pumasok ang limang hunters na parang mga scientist.

"Gising ka na pala. Pwede na namin masimulan ang plano," ngumisi ang nasa gitnang hindi masyadong katandaang lalaki at lumapit sa akin at hinawakan ako. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Alam mo, dapat hindi ka muna nagising para humaba pa lalo ang buhay mo kaya lang. . ." umiling-iling siya at nagtawanan sila ng mga kasamahan niya.

Hindi ako makasalita dahil may takip sa bibig ko. Masama ang tingin ko sa kanila habang nagsimula na sila sa kanilang iba't ibang gawain. Ang isa ay abala sa pagpipindot sa computer habang inaayos naman ng iba ang machine na may mga cylinder na mayroong lamang mga likido.

Lumapit sa akin ang isang babaeng kasamahan nila at may kinabit na iba't ibang karayom sa katawan ko. Pagkatapos, napasigaw ako sa sakit nang buksan nila ang makina. Parang may hinuhukay sa loob ko na kung ano at hindi ko maipaliwanag.

Tatlong araw. Tatlong araw nila iyong ginagawa. Hindi ko alam kung hanggang saan ang makakaya ko dahil sobra na akong nanghihina. Kailangan kong makainom nang dugo kung hindi ay baka katapusan ko na.

Inisip ko si Von. Iniisip niya ba ako? Nag-aalala ba siya sa akin? Paano kung hindi? Paano naman kung oo? Paano kung hindi na ako makawala rito at mawala na lang ng tuluyan ng hindi man lang nakakapagpaalam sa kaniya? May kumurot sa puso ko. Kahit papaano ay naging pamilya ko rin siya.

Dumating ulit ang mga doctor. Bumabalik sila rito tuwing hapon at ramdam ko na hindi ko na kakayanin ang gagawin ulit nila. Laking pasalamat ko na lang nang maantala sila dahil biglang may sumabog na kung ano sa labas kaya nataranta ang dalawa. Napakunot din ang noo ko, naisip kong baka may tutulong sa akin dito pero parang ang impossible naman iyon.

Hindi ko maidilat ang mga mata ko pero nakarinig ako nang mga daing ng kung sino. Agad akong kinabahan sa kung sino iyon at pilit na idinilat ang mga mata. Isang babaeng nakaitim at isa-isang pinatumba ang mga doctor. Nalatalikod siya sa akin hanggang sa unti-unti siyang humarap.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon