CHAPTER FIFTEEN

612 25 4
                                    

CHAPTER FIFTEEN

ARCHELLE

"Tahan na, Arch. Kilala mo naman si Arthur, ganun talaga 'yun." Pagtatahan sa akin ni Heylil. Humagulhol pa ako lalo. Ang sakit kasi eh.



"Hindi eh. Iba kasi yung galit niya kanina," sabi ko habang umiiyak. Patuloy pa rin akong pinapatahan ni Heyl pero hindi 'yun nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.



Ang sakit pala talaga. Kapag pinagsalitaan ka ng masasama ng taong mahal mo. Kapag pinagdiinan na wala kang mapapala. Kapag sinasampal sayo na hindi ka niya gusto. Hindi niya ako gusto.




Wala naman akong ginagawang masama. Masaya pa ako kaninang umaga paggising ko at good mood ako. Okay lang kami ni Arthur at sabay pa kaming nag-breakfast at hinatid niya pa ako sa classroom ko.




Pagkatapos ng klase, tumambay lang ako sa canteen dahil may class pa si Arthur at maya-maya pa ang labas no'n. Habang tumitingin sa menu ay biglang umupo may umupo sa harap ko. Si Zeid.




May malaking ngiti sa labi niya kaya napangiti rin ako. Maslalo siyang gumagwapo kapag nakangiti siya. Kahit may salamin siya, ang gwapo niya paano pa kaya kapag wala na, 'di ba? Hindi ko alam sa iba kung bakit malaki ang problema nila sa mga lalaking nakasalamin, eh sa malabo ang mata nila eh, paki niyo ba?




"Ang laki ng ngiti natin ngayon, ah? Anong balita?" tanong ko. Namula naman ang pisngi niya at napakamot sa buhok. Gwapo nga mahiyain naman. Isa 'yon sa mga katangian niyang gusto kong bawasan. Masyado siyang mahiyain, naiinis ako.




"May good news ako, Chelle." sabi niya. I rolled my eyes at him.




"Obvious naman eh. Go na! Ichika mo na sa akin!"



Bigla niyang kinuha ang menu at tumawag ng waiter.
"Maya na. Order muna tayo. Kanina pa ako nagugutom."




"Sige ba! At dahil good mood ka, ikaw ang magbabayad!" He laughed pero hindi naman nagreklamo. Isa pa 'yan, masyadong mabaitm Hindi nga yata 'yan marunong magalit eh. Palagi siyang may dahilan para hindi magalit.




Umorder na kaming dalawa. Syempre dahil libre 'to, nilubos-lubos ko na. I ordered Cheesy Crostini and Espinacas Con Garbanzos for apperizer. Baked-Teriyaki Chicken and Tuna Lasagna for main dish. Coffee pannacotta for my dessert and Strawberry smoothie for my drink. Tapos kapag nagutom pa ako, oorder na lang ako ulit.




Napakunot naman siya sa akin. "Hey! Ang dami mong order!" reklamo niya. I just winked at him.




"Libre mo eh."




Hinintay muna namin ang order namin bago siya magkwento. Nang dumating yung pagkain ay kumain na lang kami pagkatapos ay pumunta sa may terrace ng main building dahil gusto niya raw pag-usapan ito ng private.




Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon