CHAPTER SEVEN

654 37 14
                                    

CHAPTER SEVEN

ZEIAH

Days have passed at nagkakagulo ngayon sa loob ng V.A Namomroblema ang mga may matataas na posisyon dahil sa paghahanap sa nawawalang golden bag. Importante raw iyon sabi nila eh.



Tatlong araw na rin ang lumipas ang training namin ni Luxrill at masasabi kong may improvement naman. Natuto akong makipaglaban gamit ang sarili kong lakas at determinasyon. Nasanay na rin ang katawan ko sa pagod at sakit sa katawan kaya hindi ko na rin masyadong iniinda.





"Zeiah! Are you ready?!" sigaw ni Luxrill habang diretsong nakatingin sa akin. Medyo naiilang ako sa mga titig niya pero sinalubong ko pa rin ang mga tingin niya. Duh. Bat naman kasi ako maiilang sa kaniya? Pero bilib din ako rito eh, seryoso talaga siya sa pag-eensayo sa akin.




May kakaiba sa kaniya eh. Oo, seryoso siya palagi pero ibang pagkaseryoso nitong mga nakaraang araw. Tapos medyo mailap siya sa akin ngayon, di tulad dati na feeling close.




"Yes! I am ready!" sigaw ko.




"Let the fight begin!" anunsyo niya. Agad kong inihanda ang sarili saka sinugod siya.






Inatake ko siya ng suntok at sipa pero lahat ng mga tira ko ay naiilagan niya. Bakit ganun? Madaya!




Sa gitna ng pag-atake ko, bigla niyang nakablot ang kamay at inikot ito. Napasigaw ako sa sakit.




"Nakakainsulto naman. Ipinaaalala ko lang Zeiah, ang kompetisyon ay sa friday na. Ayan lang ba ang binatbat mo?" Itinulak niya ako kaya napasubsob ako sa damo. Bwisit. Ang sakit non ah.




"If I rate you from one to ten, you'll get four." Lumapit siya sa akin at inilahad ang kamay para tulungan ako, pero nang abutin ko iyon ay bigla na lang niya binawi ang kamay niya. He smirked. "Hindi ka pa rin natututo."




Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. "Anong hindi natututo? Alam ko ang kakahayan ko at kung ano dapat kong gawin!"




"Alam mo nga ba?" Natigilan ako sa sinabi niya. Parang hindi ako makasagot bigla sa kaniya.



"Sino ako?" Tanong niya. Napakunot naman ang noo ko. Ano bang pinagsasabi nito.





"Syempre, ikaw si Luxrill." Umupo siya damuhan kaya umupo rin ako.




"See? Hindi ka talaga nakikinig. Sinabi ko sayo na kapag nagsimula na tayo, ituturing nating hindi kilala ang isa't isa. Magkaaway tayo 'di ba?"



"Eh pero 'di ba sabi mo kilalanin ko ang kalaban ko?"



"Pero 'wag mo naman ipahalata na marami kang alam tungkol sa akin! Sinabi ko na sayo 'di ba?, na wag magtitiwala kahit kanino sa oras nang labanan. Well okay lang naman magtiwala, pero mas pagkatiwalaan mo ang sarili mo. Isa pa, hindi lahat nang pinapakita ng kalaban ay totoo. Katulad na lang kanina noong tinulungan kita. Tangeks ka ba? May kalaban bang tutulungan ang kalaban niya?" mahabang paliwanag niya. "Hindi rin sapat ang alam mo kung paano makipaglaban. Mahalaga rin ang timing at bilis. Wag kang padalos-dalos. Tumayo ka riyan, ulitin natin."



Sumunod naman ako sa kaniya at pumwesto kung saan dapat ako at inihanda ang sarili.




"At isa pa pala, dapat alam mo rin ang kahinaan ng kalaban mo," dagdag niya at naghanda na. Kahinaan ng kalaban? Ano bang kahinaan niya?



Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon