CHAPTER THIRTY TWO
LUXRINENanatili akong nakatulala habang iniisip pa rin ang mga sinabi ni Fix sa akin. He told me everything, about Kuya Luxrae's plans, vampire hunters, what happened to my parents and kuya Luxer. Kuya Luxrill don't know about me being his sister. Sila Kuya, Daddy, Tito Reor, Tita Scarlett at Rant lang ang may alam. They intend to keep it hanggang sa matapos na ang lahat.
Pagkatapos kong malaman ang lahat, hindi ko alam kung gugustuhin ko pang maging prinsesa. It just felt so wrong. Para akong may inaangkin na hindi naman sa akin. Nalulungkot ako dahil hindi ko totoong ama si Daddy Vhax but he will always be my Daddy. Pinalaki niya pa rin ako at minahal na parang anak niya.
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Kuya Lixrae kasama si Ate Zeiah. Nagulat sila nang makita akong narito. Hindi ko matingnan si Ate Zei dahil sa ginawa ko dati. I used to hate her dahil akala ko niloko niya lang ako.
"What are you doing here, Princess?" tanong ni Kuya.
Imbes na sagutin siya ay tumakbo lang ako papunta sa kaniya at niyakap siya. I can't still believe that he is my brother! Pero katulad nang sinabi ni Fix, I need to keep it a secret, na alam ko na. Ang sabi niya may plano raw siya.
He told me that the real vampire princess is alive at kailangan namin siyang hanapin. I don't know if he's telling the truth but there's something about him kaya nagtitiwala ako sa kaniya.
"Is there a problem, Princess?" Kuya asked. Umiling ako.
"I just missed you, Kuya," I said. I am happy na malaman kong kuya ko siya. Sila ni Kuya Luxrill. I used to dream to have a brother at mayroon naman pala talaga ako.
Hindi ko maiwasan malungkot sa nangyari kay Kuya Luxer. Mas masaya sana kung narito siya. Sabi ni Fix, sinisisi raw ni Kuya Luxrae ang sarili niya dahil sa nangyari kay Kuya Luxer. Pero alam ko naman na hindi niya kasalanan, I know he is a good brother. Then, I remember about Kuya Law, he asked me about Kuya Luxer the last time I saw him.
Bakit naman niya itatanong ang tungkol kay Kuya Luxer? Did he know him?
Bigla akong napatingin kay Ate Zeiah. Ngumiti siya sa akin at nahihiya naman akong ngumiti sa kaniya pabalik. Kumawala ako kay kuya at siya naman ang niyakap. I'm guilty dahil sa mga pinagsasabi ko sa kaniya.
"I'm sorry for everything, Ate Zei," I whispered.
"Okay lang. Ano ka ba," she said at niyakap ako pabalik. Napangiti naman ako. Alam kong hindi magtatanim ng sama ng loob si Ate Zei. She's just too nice. That's why she captured Kuya's heart.
Biglang may tumawag kay Kuya na sinagod naman nito agad. Pagkatapos ay bumaling sa amin.
"Emergency. I need to go somewhere, take care of yourselves. I love you both," Kuya Luxrae said. He gave us a kiss at nagmamadaling umalis.
Binigyan ko nang mapang-asar na tingin si Ate Zei nang makaalis na si Kuya.
"Kayo na pala ni Kuya, ate?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
Paranormal[COMPLETED] Former: School Of Vampires: Vhaxeinus Academy "Hi! Im Zeiah. And guess what? I entered this Acadamy. A not ordinary school. Full of secrets. Full of mystery. And a school where I belong..." 💌: First ever story that I wrote so don't expe...