CHAPTER EIGHT

638 36 11
                                    

CHAPTER EIGHT

ZEIAH

Napaangat ako nang tingin nang bumukas ang pintuan. Pumasok roon ang isang babae na mukhang kagalang-galang, at may dalawang lalaki sa likod niya na may bitbit na lamesa at upuan; at ang isa ay laptop.




Nilagay nang dalawa ang lamesa sa gitna at ang upuan sa magkabilang gilid nang lamesa. Inilapag naman nubg isa ang laptop bago sila umalis.





Tiningnan ko ang babae na nakatingin din sa akin. Kilala ko siya. Siya ang babaeng nagsasalita sa stage noong unang araw ko rito sa V.A. Walang emosyon siyang nakatingin sa akin. Wala akong mabasa sa mga mata niya kaya mas lalo akong kinabahan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang ginawa kong kasalanan. Kung ano ang ninakaw ko. Kung bakit ako naririto.




"Are you miss Zeiah Quizon?" she asked. Tumango naman ako.




"I'm Madame Scarlett Mcqueen." she smiled at me slightly. "Why don't you take a seat?"




Tumayo ako mula sa pwesto ko at umupo sa upuan. Nasa harapan ko ang lamesa, at umupo si Madame Scarlett sa upuan sa harap ko. Bale, nasa gitna namin ang lamesa.




"Heto na po ba ang time na sasabihin niyong wow mali lang ang lahat nang ito?" pagbibiro ko kahit na alam kong sobrang seryoso namin dito. Ayoko nang ganito eh, masyadong nakakakaba. Kahit na alam ko sa sarili ko na inosente ako at walang kasalanan.




Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. Hindi niya yata naintindihan ang sinabi ko. Very no fun.




"This is not a joke, Ms. Quizon," sabi niya nang sobrang seryoso.



"Zeiah na lang po."



She sighed. "Okay Zeiah, why did you do that? Hindi mo ba alam kung gaano kaimportante iyon? Maaari iyong gamitin laban sa atin!" Napaigtad ako sa pagsigaw niya at napayuko.




"Pasensya na po pero hindi ko po alam ang sinasabi niyo." Pinipigilan ko ang luhang bumabadyang tumulo. Ayokong umiyak. Hindi ako iiyak. Wala naman akong kasalanan eh.





Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. Iniharap niya ang sa akin ang laptop. May naka-pause na video roon. "Tingnan mo 'to saka mo sabihin sa akin na wala kang alam sa sinasabi ko."




Plinay niya ang video at pinanood ko iyon. Tumulo ang luha ko nang mapanood ko ang kamukha ko kung paano magnakaw. Hindi ako yan. Imposibleng ako yan.





Umiling-iling ako habang umiiyak. Nakakaiyak kasi eh. Sa lahat nang pagbibintangan bakit ako? Sa lahat nang mukhang pwedeng gayahin ba't sa akin pa? Hindi naman ako peymus.



"Sasabihin mo pa bang wala kang alam?" tanong niya nang matapos na ang video.




Pinunasan ko ang luha ko saka tinitigan nang mabuti si Madame Scarlett.




"Pasensya na po. Pero wala po talaga akong alam. Hindi ko alam kung paano ako napunta diyan o kung bakit kamukha ko siya pero malinis ang konsensya ko. Wala. Akong. Kasalanan."




Nakatitig lang siya sa akin habang tumaas nang kaunti ang gilid ng labi niya saka tumango-tango.





"Matapang ka. May paninindigan. Hindi nga kami nagkamali sayo." Tumango-tango pa rin siya. "Pero, hanggat hindi mo napapatunayan na wala kang kasalanan, ikaw ay mapaparusahan ng kamatayan."




Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon