CHAPTER FOURTEEN

601 28 2
                                    

CHAPTER FOURTEEN

ZEIAH


Isang buong araw kong iniwasan si Luxrill. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya iniiwasan. Basta feel ko lang na iwasan siya.



Isa pa yung si Law! Isang buong araw na rin akong hindi pinapansin. Iniisip ko kung may nagawa ba akong mali at hindi niya nagustuhan, o sadyang may topak lang siya kaya ganun? Hay nako! Ewan ko.


"Aray!"




Napahinto ako sa paglalakad nang bumunggo ako sa isang matigas na bagay, pero tao pala na nakatayo sa harapan ko.




"Zeiah."




Oh. Shit. Yung boses na yun. Akala ko hindi na kami magkikita eh. Akala ko lang pala.





Dahan-dahan sana akong tatalikod at tatakbo palayo nang hawakan niya ako sa braso.





"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya.



Ay, tol. Hindi ba halata?



"Hindi ah! May naiwan lang ako sa classroom," palusot ko.




"Can we talk?" seryosong tanong niya. Shems. Pagseryoso siya mas lalo niyang nakakahawig ang kuya niya. Tumango lang ako sa kaniya. Wala na akong magagawa eh, andito na tayo. Tsaka, alam ko naman na darating ang oras na kakausapin niya ako pero bakit ang aga naman yata?




Sinamahan niya ako papuntang classroom. Ang totoo niyan, wala talaga akong naiwan. Hayaan na, magpapalusot na lang ako.





"Ay! Wala yata rito, hindi ko na alam kung nasaan," sabi ko habang kunwari naghahanap.




Jusko, patawarin niyo ako sa mga kasinungalingan ko.




Humarap ako sa kaniya. Nakatayo lang siya sa may pintuan at seryoso pa rin. Siguro kinakabahan 'to mag-confess, tapos ako naman kinakabahan mang-reject.





"Hayaan mo na 'yun, ballpen lang naman 'yun--Ay!" Nagulat ako nang bigla niyang sinara ang pintuan nang malakas.




"Mag-usap tayo, Zei."




Napalunok ako ng wala sa oras. Jusko po, bakit kailangan nakasara ang pinto?




"Upo ka," sabi niya. Dali-dali naman akong umupo. Kinakabahan talaga ako.





Lumuhod siya sa harapan ko saka huminga ng malalim. Eto na!




"Zeiah... gusto kita." Napasinghap ako sa sinabi niya kahit na ineexpect ko na talaga. Paano ba naman kasi, wala man lang paligoy-ligoy? Straight to the point agad?




"I when did I start liking you. I just find you different from other girls, you're extraordinary. I really really like you. So please, give me a chance. Can I court you?" Sunod-sunod na sabi niya habang nakatitig sa mata ko.







Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon