CHAPTER TWENTY TWO

307 19 0
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

ZEIAH

Sinamahan ako ni Luxrae at nang dalawang bampira na hindi ko kilala. Umuwi ako sa bahay namin rito sa probinsya. Walang tigil ang pag-iyak ko habang papasok kami sa bahay. Sinubukan akong hawakan ni Luxrae pero inilayo ko ang sarili ko sa kaniya. Medyo nagtatampo pa rin ako dahil itinago niya sa akin ito.




"Sino ang may gawa nito? Mga venom vampire din ba?" tanong ko sa kay King. Nandito ako sa k'warto ko. Nakatayo lang siya sa may hamba ng pintuan.






"Yes," sagot niya. "Nagsisimula nang kumilos ang mga vampire hunters. Hindi ko alam kung bakit dinamay nila pati mga magulang mo. I am still investigating it."






"Bakit itinago mo sa akin 'to? Bakit hindi mo sinabi?" tanong ko sa kaniya.





"I'm planning to tell you about this but an emergency came. Kailangan kong magpatawag ng meeting. May mga sumugod na venom vampires sa isang lungsod. May alam na ang mga tao tungkol sa amin," sabi niya. Lumapit siya sa akin at dahan dahan na niyakap ako. Hinayaan ko naman siya. Kailangan ko ngayon nang masasandalan.







"I'm really sorry, Zei," he whispered on my ear.




Niyakap ko siya pabalik at inilabas ang lahat sa kaniya. Bigla akong nakaramdam nang galit sa loob ko. Sa taong gumawa nito. Una si Macey. Ngayon naman ang mga magulang ko. Sino ang isusunod nila? Mga tao sila pero pinapatay nila ang kapwa nila tao!





Hindi ko kayang umupo lang sa isang gilid nang walang ginagawa. Nangako akong ipaghihiganti ko si Macey, ngayon naman si Papa. Hindi ako papayag na magtagumpay sila sa mga plano nila. Pinunasan ko ang mga luha ko at hinarap si King.




"You're mother. We're still looking for her. I don't know if he's still alive," sabi niya. Isa pa iyan sa mga dahilan ko.




Possibleng buhay pa si Mama dahil  hindi pa nila natatagpuan ang bangkay nito. Kailangan ko siyang mahanap. Siya na lang ang pamilya ko.




"May maitutulong ba ako? Gusto kong tumulong, King," sabi ko sa kaniya. Ayokong manatili lang sa isang tabi habang sila ay may ginagawa.




"Zei. Delikado para sayo. Just let me handle this, okay?" As expected, hindi niya ako papayagan.




"Pero—"



"No buts, Zeiah. I will do everything to find your mother and give the justice that you want, okay?"




Tumango na lang ako dahil mukhang hindi siya papayag talaga. Kung ayaw niya akong patulungan, ako na lang ang magtra-trabaho mag-isa. Ako ang kukuha ng impormasyon na kailangan ko. Ayoko nang matakot, kailangan ko ring lumaban.





Bumalik kami sa V.A. Wala ang ibang bampira dahil sa mission nila. Umalis na rin ang kasama naming dalawa pang bampira kanina. Ang ibang tao naman ay pinabalik sa kaniya-kaniyang pamilya dahil may mga misyon din ito. Kwinento sa akin ni King ang lahat nang nangyayari ngayon, mukhang kailangan nga namin maghanda ay pagplanuhan dahil nadadamay na rin pati mga inosenteng tao.




Bumalik ako sa dorm ko at naabutan ko sila Archelle at Heylil. Si Sapphire ay nag-eempake. Anong mayroon?




"Girl, okay ka lang ba?" Archelle asked. Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti. Ayoko na munang pag-usapan ang tungkol sa nangyari dahil baka maiyak na naman ako.




Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon