Ako bilang Isang Tao

1.3K 7 2
                                        

AKO BILANG ISANG TAO 

This was my assignment in ESP before and I just wanna post it here.





"Sino nga ba ako bilang isang tao?" Napatanong pa ako sa aking sarili habang ginagawa itong sanaysay na ito.

Hindi ako perpekto. Simple lang akong tao ngunit sabi ng iba ay may pagka mataray daw ako. Hindi ko naman sila masisisi kung ganoon ang tingin nila sa akin. Hindi ko din naman kasi mapigilan ang pag taas ng aking kilay sa tuwing naglalakad ako o 'di kaya ay pag naka seryoso ang mood ko. 

Madami akong pangarap para sa buhay. Ang ilan sa mga pangarap ko ay unti-unti ko nang nakakamit. Marami din akong gustong malaman tungkol sa mga bagay-bagay na hindi ko pa ganoon kalubos na nalalaman o nauunawaan pa. 

Hindi ako ganoong kabait. Siguro ay dahil na rin sa mga karanasan ko kaya ang dating mabait na ako ay nagbago. Ngunit mabait naman ako sa mga mababait sakin. Naniniwala kasi ako na kung ano ang ipinakita mong pagtrato ay ganon din ang ittrato sa iyo.

Mapagbigay akong tao. Kahit pa sabihin nating, nagbago ako at hindi na mabait tulad ng dati, hindi nawala sa akin ang pagiging mapagbigay at matulungin lalo na sa nangangailangan. Madalas kapag may mga nangangailangan ng tulong at hindi ko natulungan ay nalulungkot talaga ako. Minsan ay nadidismaya pa ako sa mga kasama ko pag hindi sila nagbibigay ng tulong. Lalo pa at alam kong meron naman silang kakayahan na magbigay. Sabi nga sa kasabihan, mas mabuting laging mag bigay kaysa sa laging tumatanggap. Napapaisip din ako, paano kung isang araw ay biglang magbago ang katayuan natin sa buhay? Matulad tayo sa mga naghihirap, pulubi at iba pang mga nangangailangan ng tulong. Yung tipong kailangan na kailangan mo na ng limos ngunit walang nagbibigay sayo. Hindi ba't ang lungkot isipin.

Bilang isang tao at bilang isang babae na din, naniniwala din ako na hindi ang mga babae na may scars ang resulta na hindi siya perpekto. Nadadapa ako ngunit nakakaya pa ding tumayo at magpatuloy. Nagkakamali ngunit tinatanggap ito bilang isang leksyon na kung saan ako ay natuto. Meron akong tapang at lakas ng loob para lumaban sa kung anong tama at sa kung anong ipinaglalaban ko. Maaring marami na ding beses akong nabigo ngunti kahit kalian ay hindi ako sumuko o susuko. Pinapahalagahan ko ang mga tao na nagpaparamdaman sa akin na ako ay importante. Kahit ano pang pagsubok ang aking kinahaharap ay alam niya kung paano ito lagpasan. Ngunit sa kabila ng pagiging malakas ko, may mga oras din na nagiging mahina, depressed at malungkot. Kaya naman ang mga scars o galos ay hindi kabawasan sa kahalagahan ng isang babae. Dahil tayo ay perfectly imperfect.

Medyo naiinis din ako sa mga taong grabe makapanghusga ng kapwa lalo na sa mga taong nagkakalat pa ng kwento o balita tungkol sa isang tao na hindi naman totoo. Pero kahit pa na kung minsan ay parang gusto ko nang manapak dahil sa inis, ngumingiti na lang ako. Kahit na may parte sakin na parang naiilang ay pinakikisamahan ko pa din sila. Ngunit kapag sumosobra na lalo at hindi na ako makapagtimpi, hindi ko maiwasan kung minsan na gumamit ng mga sarkastikong mga salita. Pinipilit ko na pakalmahin ang aking sarili at maging mahinahon. Dahil hangga't maari ay ayoko ng isyu at iskandalo. Ayoko rin dahil alam kong ang mga isyu ay maaring makasira rin hindi lamang sa reputasyon ko bilang tao, pati na rin sa pamilya ko at syempre sa magulang ko na madadamay dahil lang doon. Kaya hangga't kaya kong habaan ang pasensya ko, Hangga't kaya kong magtimpi at umiwas sa gulo, ginagawa ko. Hindi naman sa pagiging plastik o duwag ah. Kaya naman dinadaan ko na lang sa pagtawa o pag ngiti.

Hindi ko rin matanggap sa twing may tumatawag sa akin na matalino. Hindi ko Alam kung bakit pero kasi ginagawa ko lang naman talaga yung Kaya ko. Meron akong mga hinahabol na expectations Ng iba sa akin. At sa tuwing magkamali ako, tatawagin nila akong bobo. Ikukumpara nila ako sa iba. Sa tuwing may ginawa akong Tama, para sa kanila ay Hindi iyon sapat.

Hindi rin ako isang pang karaniwan na uri ng babae na kung saan ay madaling mahulog sa isang tao dahil lang sa mga material na bagay at mga matatamis na salita. Hindi kasi ako madaling mag tiwala sa isang tao. Ayoko kasi ng minamadali dahil alam kong mabilis din itong mawawala kung ito ay isang pansamantala lang. Kung minsan ay para akong nagiging isang bugtong o riddle na mahirap intindihin. Maraming nagsasabi na matalino daw ako. Yung taong hindi mo maloloko at madaling maloko dahil I only takes calculated risks. Iniisip ko muna kung anong kahihinatnan ng isang bagay o isang desisyon bago ko iyon gawin. Hindi ako lumalangoy sa karagatan ng hindi malirip. Dahil gusto ko maging sigurado. Sinasabi nila na mas madalas kong ginagamit ang aking utak kaysa sa aking puso. Kaya naman mahirap nang paniwalain ako dahil naniniwala din ako na there is more logic kaysa sa magic. Pero kahit pa ganoon ako ay may mga takot, at hesitations din ako sa buhay. Para sa akin, hindi ko din kailangan ng isang taong will try very hard sa umpisa para lamang mag give up sa huli.  



  s.c.m  

Unexpected Miscellaneous | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon