kumupas na ang ating mga litrato
tila na lang ng pag ibig mo
na akala ko ay hanggang dulo
ngunit biglang nanlamig at nanlabo
kaya natapos ang merong tayo
matagal ko itong tinitigan
ang saya saya pa natin sa larawan
magka hawak kamay habang nagtatawanan
ramdam na ramdam ang pag iibigan
na aakalain mong pang walang hanggan
matagal ko itong tinitigan
hindi ko na alam ang dapat maramdaman
bakas ng kahapon, 'di pa rin makalimutan
puso ko pa rin ay nasasaktan
gagawin ng utak, 'di na malaman
matagal ko itong tinitigan
at hayan nanaman
ang mga katanungan sa aking isipan
na matagal na gustong malaman
ang mga totoong kasagutan
bakit mo ba ako iniwanan?
bakit hindi ka man lang lumaban?
bakit bigla mo na lang akong pinalitan?
bakit mas pinili mong tapusin ang lahat?
hindi ba ako naging sapat?
gusto ko ng kasagutan
hindi, kailangan ko pala ng kasagutan
na sa iyo mismo magmumula
para na rin siguro matigil na
dahil ayoko na
kailangan ko ng mga kasagutan
para sa tuwing matitigan ko ang larawan
hindi na ko gambalain pa ng mga ala-ala
na pilit kumakawala
sa aking isipan dahil sa iyong paglisan
-----
s.c.m
BINABASA MO ANG
Unexpected Miscellaneous | ✓
القصة القصيرةu n e x p e c t e d m i s c e l l a n e o u s // Isang antolohiya ng iba't ibang mga literary pieces tulad ng maiikling kuwento at ibang tula na biglaang naisulat ng aking pasmadong kamay at malikot na imahinasyon. // All Right Reserved 2019 sh...