Ikaw Pa Rin

20 1 0
                                    




susulatan ka uli ng mga tula 

gagawa ako ng mga bagong ala-ala 

na maari kong yakapin 

 habang malakas ang ihip ng hangin


 hindi ko tuloy maiwasan 

 na mapasok sa aking isipan

 lahat ng ating mga usapan

 sa masining pang paraan 

 tayo kung mag talastasan 

hindi nila malaman hindi nila maintindihan 

dahil tayong dalawa lang ang nagkakaintindihan 


 pumasok din sa aking isipan 

kung paano mo ako samahan 

habang ako ay nakikipaglaban 

sa isa pang digmaan; 

 ikaw ang naging panangga 

 nang ako ay walang kadala-dala

 ikaw ang aking nagsilbing armas

 laban sa mundong marahas 


 binigyan mong buhay 

 ang mundo kong walang kakulay-kulay 

dahil sa pagmamahal mong ramdam kong tunay;

 sa paraan ng iyong pagsusulat, 

naramdaman kong ako'y sapat

iyong mga salitang nang aakit 

iyong ugali pang sobrang bait

 para ko nang nasungkit 

 ang mga bituin sa langit 

 nang magkatotoo ang aking hiling 

at ako'y tinawag mo na "akin" 


 kaya naman ngayon 

hindi maiwasang mapatanong

 naputol ba ang ating koneksyon? 

ang linya na sa atin ay nagdudugtong? 


 at bakit parang kasalanan ko

na ako'y pinagbuksan mo ng pinto 

hindi ko naman alam na hahatong sa ganito 

nagkalayo na tayo 

 hindi na alam kung saan tumungo 

pagkatapos daanan ng isang matinding bagyo 


nagkaiba na ang ating mga punto

 pati ang mundo na ating binuo;

 naubos kaya ang ating tinta?

 o baka naman may iba nang puntong pumagitna 

ano na bang balita 

nangungulila na ako sayo sinta 

ikaw pa rin ang laman ng bawat talata

Unexpected Miscellaneous | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon