Mukha

21 1 0
                                    



May iba't ibang klase ng mukha
May bilog, may parihaba
May pangahan, may patulis
May maamong tingnan at mayroon din mataray
May masungit at may nakataas ang kilay

Mukha.
Mukhang nagpapakita ng emosyon
Sa mukha nasasalamin ang katauhan ng isang tao
Pero gaano katotoo ang nakikita sa mukha?

May mga mukhang mababakas mo ang saya sa ngiti at tawa
Pero tingnan mo ang kanilang mata
Umiiyak ang kalooban, nawawala sa kawalan
Tila nalulunod sa karagatan ng kalungkutan
Mga taong kayang itago na sila ay nasasaktan
Dahil pakiramdam nila ay wala namang makakaintindi sa kanila
Kaya mas pipiliin na lang nilang itago lahat ng sakit at hapdi
Pipiliing magpanggap na ayos lang kahit hindi
Idadaan na lang sa ngiti kahit na gusto na umiyak
Idadaan na lang sa tawa kahit gusto na lang maglahong parang bula

Pero may mga mukha rin naman na
Mababakas mo agad ang tunay nilang nadarama
Walang pagpapanggap, walang pagkukunwari
Kung masaya, talagang masaya
Kung malungkot, talagang malungkot
Kung nagagalit, talagang makikitang galit
Ilan pa ba ang ganito? Hindi ko alam
Bihira ako makakita ng may ganito
Puro ang kulay ng Aura
Mukhang walang suot na maskara

Kaya naman ako ay minsang napatanong sa aking sarili
Anong mukha ba talaga mababakas ang pagiging matapang sa buhay?
Yung kayang magpanggap na okay?
O yung kayang ipakita ang tunay na nararamdaman?

Mayroon din mukhang maamo ngunit mapagbalat-kayo naman pala
Mga taong akala mo totoo sa iyong harap
Pero sinisiraan ka naman pala pag ika'y di nakaharap
Pagkakamali mo'y laging hinahanap
Kapag may nakita, ito pa ay ipapalaganap

Mayroong mga laging nakangiti ngunit naka ismid naman
Mga taong akala mo perpekto
Todo husga sa iyong pagkatao
Feeling may ambag sa buhay mo

Ikaw, humarap ka sa salamin
Kung sa pamamagitan ng pagtingin mo sa iyong mukha
Sabihin mo sa akin kung bawat kahulugan ng aking sinabi
Ay nagpapatotoo sa iyong pagkatao
Mukha, mukha
Totoo ka ba?

s.c.m

Unexpected Miscellaneous | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon