// random //
Malamig ang ihip ng hangin. Madilim ang paligid. Tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbi niyang tanglaw. Nag iisa nanaman siya. Napapaisip nanaman habang marahan na niyayakap ng kadiliman. At habang unti-unting bumabalik ang mga ala-ala ng nakaraan.
Hindi ko inakalang masasaksihan ko ang mga ganoong pangyayari. Patayan, agawan ng mga pag-aari, at pagtataksil ng mga pinagkakatiwalaang tao. Ibang kababayan ko ay ipinamimigay na ang mahalaga naming ari-arian. Nawalan na rin ng kapayapaan at kaayusan. Ano bang nangyayari sa aking ginagalawan?
Ang dating maaliwalas at maayos na paligid ay nabago na. Ang dating mga nagtatawanan na mga tao, ngayon ay puro mga nag iiyakan na. Maski tayo ay pinaglayo na ng tadhana. Makakabalik pa ba ako sa aking panahon?
Pilit ko na lang aalalahanin ang masaya nating ala-ala. Pipiliting ngumiti at aalalahanin na lang ang mga ala-ala kasama ka. Ngingiti na lang ako kahit wala ka na. Hindi kita makakalimutan, pangako iyan. Dahil paano nga ba kita makakalimutan kung nakatatak ka na sa puso at isip ko? Sa aking pag-iisa, hindi na ako malulungkot pa, dahil kasama kita kahit sa aking ala-ala.
----
s.c.m
BINABASA MO ANG
Unexpected Miscellaneous | ✓
Short Storyu n e x p e c t e d m i s c e l l a n e o u s // Isang antolohiya ng iba't ibang mga literary pieces tulad ng maiikling kuwento at ibang tula na biglaang naisulat ng aking pasmadong kamay at malikot na imahinasyon. // All Right Reserved 2019 sh...