Habang nakatingin ako sa papel na blanko,
Iniisip ko kung paano ko
Sisimulan ang sulatin na ito
Iniisip ko kung paano ko mailalagay ang mga natitirang mga salita na nasa aking isipan
Habang nakatingin ako sa papel na blanko,
Napatanong na lang ako sa sarili ko
"Bakit kaya hanggang ngayon nanatiling blanko ang papel?"
"Bakit kaya hanggang ngayon ay wala pa din akong mailagay?"
"Kahit kung ano-anong mga bagay ay wala."
Siguro ay marahil sa wakas, napagod na
Napagod na din akong magsulat lalo na ang mga tungkol sayo
Marahil sa wakas, napagod na
Napagod na din ang aking daliri na ngayon ay bumibitaw na sa tuwing hinahawakan ko ang aking panulat.
Ang panulat na unti-unti nang nawawalan na ng tinta
Kasabay ng pagka wala ng nararamdaman kong sakit.
Sakit na ikaw mismo ang nagdulot sa akin.
Oo, wala na.
Wala na ang sakit na nararamdamn ko na iyong dinulot
Unti-unti nang nawawala ang aking nararamdaman
Kasabay ng pagkawala ng aking ala-ala
Hindi ko ito mapigilan
Gustuhin ko man na manatili ang aking mga ala-ala
Ay wala rin akong magawa
Tulad na lang ng mga panahong ako na'y iyong iiwanan
Hindi ko magawang pigilan ang iyong paglisan.
Dahil siguro nga,
Mananatiling blanko na lamang ang papel na ito
Mananatiling wala nang sulat na mababasa
Dahil sa wakas, pagod na rin ang isipan
Dahil sa wakas, natuto na rin akong mapagod.
s.c.m
BINABASA MO ANG
Unexpected Miscellaneous | ✓
Short Storyu n e x p e c t e d m i s c e l l a n e o u s // Isang antolohiya ng iba't ibang mga literary pieces tulad ng maiikling kuwento at ibang tula na biglaang naisulat ng aking pasmadong kamay at malikot na imahinasyon. // All Right Reserved 2019 sh...