kailan ba matatapos
ang pag agos
ng luha mula
sa aking mata?
ngingiti pag kaharap kayo
at iiyak pag talikod niyo
oo na, ang plastic ko na
wala naman akong magagawa
tuwing gabi na lang ba
unan ko'y mababasa
sa mga luhang ayaw tumigil
at dahil na rin sa mga emosyong ayaw papigil?
kailan niyo ba mapapansin?
na ako'y tao lang din
na gusto nang tumalon sa bangin
at sobrang nasasaktan ang damdamin
sana bago mahuli ang lahat
maramadaman kong ako'y sapat
at sana'y lahat ng di ko masabi ay aking maipagtapat
upang bago ako mawala ay may nagawa akong dapat
----
s.c.m
BINABASA MO ANG
Unexpected Miscellaneous | ✓
Krótkie Opowiadaniau n e x p e c t e d m i s c e l l a n e o u s // Isang antolohiya ng iba't ibang mga literary pieces tulad ng maiikling kuwento at ibang tula na biglaang naisulat ng aking pasmadong kamay at malikot na imahinasyon. // All Right Reserved 2019 sh...