"Ang pag ibig ay digmaan at ako ang iyong kawal."
________
Hindi mawawala ang pag subok sa isang relasyon. Kailangan mong lumaban dahil kung hindi, matatalo ka. Mawawala sayo lahat.
Ang pagmamahalan ng dalawang tao ay nangangailangan ng isang matibay na pundasyon ng pag unawa lalong lalo na ang tiwala. Dahil dito masusukat kung hanggang saan mo kayang makipaglaban.
"Ang pag ibig ay digmaan at ako ang iyong kawal na magtatanggol para sayo."
Ngunit bakit sa atin, nakaya naman natin 'di ba ang iba. Pero bakit sumuko ka rin? Masyado ka na bang nahirapan kaya sinukuan mo ang laban?
Hindi mo man lang ba alam na nahihirapan na rin ako humarap sa digmaan na ako lang dahil ako ay iyong iniwan? Alam mo bang malapit ko na itong ikamatay dahil kahit hindi mo pa sabihin ay alam ko nang talo na ako. Talo dahil kahit ikaw ay sumuko na rin. Talo dahil mag isa na lang ako.
// originally published in my launchora account //
s.c.m
BINABASA MO ANG
Unexpected Miscellaneous | ✓
Short Storyu n e x p e c t e d m i s c e l l a n e o u s // Isang antolohiya ng iba't ibang mga literary pieces tulad ng maiikling kuwento at ibang tula na biglaang naisulat ng aking pasmadong kamay at malikot na imahinasyon. // All Right Reserved 2019 sh...