"Sa June ko na lang ibibigay yung gift ko."'Yan yung huli mong sinabi sa message mo sa akin noong nag birthday ako last summer vacation. You insisted that you'll give me a birthday gift kahit pa sabihin ko noon na 'wag na dahil okay lang naman na wala.
Ngayon ay b'wan na ng Hunyo. Nasaan na ba yung regalong sinasabi mo? Yung regalo na hindi pa nagbabakasyon e nakaplano na? Yung regalo na sobra mo kamong pinaghandaan?
Wala na rin ba tulad ng mga pangakong napako? Wala na rin ba parang tayo? Ay! Pasensya. Wala na nga palang tayo.
Ito ba yung birthday gift mo na sinasabi? Yung masasaktan ako dahil lang sa tatlong letra na iyong pinadala sa isang mensahe?
"Let's stop this."
Iyan na ba yung sinasabi mong birthday gift mo para sakin? Kung ganon, salamat ha. Na appreciate ko, sobra. Nakakahiya naman at nag effort ka pa para lang saktan ako. Salamat ulit.
// originally published in my Launchora account //
s.c.m
BINABASA MO ANG
Unexpected Miscellaneous | ✓
Historia Cortau n e x p e c t e d m i s c e l l a n e o u s // Isang antolohiya ng iba't ibang mga literary pieces tulad ng maiikling kuwento at ibang tula na biglaang naisulat ng aking pasmadong kamay at malikot na imahinasyon. // All Right Reserved 2019 sh...