Sumuko Ka Rin

20 1 0
                                    



susuko ka rin

mapapagod ka rinaalis ka rin
hindi mo rin kakayanin;

iyan ang mga salita
na aking binitawan
noong mga panahong sinabi mong susubok ka
at ako'y hindi naman sayo naniwala

dahil sino nga ba naman ako
para pagaksayahan ng oras pa;
masasaktan lang kita
pati ang puso mo

kaya naman ngayon
ikaw na nga'y bumangon
marahil ay nagising na
napagtantong tama na

sobra na
ayaw ko na
nasasaktan na ako
naawa na ako sa sarili ko

iyan siguro ang mga naiisip mo
sa mga oras na ito
hindi naman kita masisisi
dahil iyan na ang iyong napili


sumuko ka na

napagod ka na

umalis ka na

dahil hindi mo na kinaya


-----

  s.c.m  

Unexpected Miscellaneous | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon