Sa Paglubog ng Araw

30 2 0
                                    


Hinihintay na ako ni kamatayan ngayon. Naging mabait at mabuti naman ako sa nakalipas na ilang taon pero hindi iyon naging sapat upang masiyahan ang aking kaluluwa. Ilang beses na akong binubulungan ni kamatay na bumitaw na, sumuko na. Pero hindi ko iyon ginawa. Ilang beses na rin akong isnubukang sunduin ni kamatayan ngunit hindi ako sumama. Kailangan ko pang gumawa ng maraming pagbabago para sa ikabubuti ng mga maiiwanan ko. Ang mga mabibigat na tanikala ay gusto na rin akong giitin ngunit nanatili pa rin akong nakatayo. Naglalaro na naman ang kamatayan at buhay, at ako ang kaaway ng aking sarili. Patuloy pa rin na nakikipaglaro sa buhay at sa kamatayan. Ano na nga lang ba ang kahihinatnan ko kung aking sarili ang pinaka kaaway ko sa mga oras na ito?

Marami nang pagbabago ang nagawa ko muli noong makabalik ako. Nasa gilid ako ng bangin ngayon na napuntahan ko na rin noon. Malinaw kong nakikita ang mga ala-ala ng kahapon na sinaktan ako at ayaw nito tumigil. Ayaw ako nito patahimikin at tila sinasabing sumuko na lang ako. Umatras ako at huminga nang malalim. Dapat na ba akong tumalon? O takbuhan ko na lang lahat at magpakalayo-layo? Ang mga sugat ng nakaraan na mga nagmarka na ay nagiging sariwa muli. Pinagmasdan ko ang aking repleksyon. Bawat hakbang ko ay isang desisyon.

Lumingon ako at nakita kong wala namang tao sa aking likod. Siguro nga ay naging mag-isa na ako sa paglalakbay kong pinili habang umaasa na makawala na sa mga tanikalang nakagapos sa akin.

Ako ang nagsulat ng aking sariling kapalaran. Pinilit ang aking magiging tadhana. Ang kadiliman ay nilalabanan ang munting liwanag na nagbibigay sa akin ng kaunting pag-asa. Ang kamatayan ay kamatayan pa rin sa huli, walang makakaligtas dito lalo na kung nakalagay na ang pangalan mo sa listahan.

Dumating na ang panahon. Nakikita ko ang unti-unting pagkawala ng liwanag. Alam kong ito ang senyales na kailangan ko nang harapin ang katotohanan. Ngumiti na lang ako. Ito na ang oras ko para sumuko. Nanghihina na rin naman ang aking mga binti at paa. Kailangan ko nang mamahinga pero alam kong dadating din ang panahon na muli kong makikita ang mga magandang nilikha ng lumikha sa ating lahat. Sa ngayon, kailangan ko na siyang harapin. Ngumiti ako bago huminga ng malalim at ipinikit ang aking mga mata. 


s.c.m

Unexpected Miscellaneous | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon