Natutunan ko sa buhay na...
Isang word lang ang masabi mo...
Pwedeng mabago ang lahat.
Mabago ang sarili,
Kinabukusan,
At ang
Kapalaran.
Parang ganito...
"Beeeessss!!! Putangina POSITIVE!" Naiiyak kung tili sa banyo. Pag labas kasi ng professor namin sa Business Mathematics eh dumiretso ako dito, kasi naramdaman ko kanina habang nag didiscuss yung professor namin yung. Masakit na feeling na, na masakit ang likod, pati na yung puson! Kingna ipapatanggal kona talaga matres ko punyeta!
"Bes?" Tawag ko nung may marinig akong footsteps sa labas ng cubicle.
"Ano?" Narinig kona boses lalake ito. Halos nanliit ako sa narinig ko. Pero maliit lang naman talaga ako pero lumiit ako lalo! Bakit lalake yung sumagot?! Puta! Banyo ba toh ng mga lalake? Naiyak na ako sa kahihiyan! OA na kung OA pero kasi tangina ang tanga ko diba?! Pano na ako lalabas dito? Dito na ba ako mamamatay? Cause of death eh naubusan ng dugo tapos mag mumulto ako? OA kona!
"Tangina." Nabulong ko habang naiyak sa kahihiyan.
"Miss umiiyak kaba?" Tanong nung lalake sa labas ng pinto ng cubicle ko. Iniabot nya yung panyo nya. May wings na tatto ang kamay nya. Kinuha ko yung panyo, sabay punas sa luha ko. Pero hindi pa rin ako nag sasalita.
"Miss wag ka nang umiyak." Anito, na sa palagay ko eh sumandal sa pinto ng cubicle ko.
Gawin ko kayang pasador tong panyo nya? Ay puta kadiri! Ano-anu nang naiisip ko. Nag text ako kay Sopia.
Naisigaw kona lang ang inis ko sa sarili ko, halo halong emosyon na ito, inis, kahihiyan mood swings side effect ng nangyayare sakin!
"Miss kahit anong mangyare wag mong ipapalaglag ang bata!" Kalabog nung lalake sa pinto ng cubicle ko.
Gago ba sya? Anong sinasabi nyang bata?
"Lalabas na ako, aarte ako na hindi kita nakita, o hindi kita narinig na umiiyak sa banyo." Sabi nya sakin.
Pag labas nya dumating si Sopia na may daladalang, sanitary napkin. Finally makakatayo na din ako sa trono ko!

YOU ARE READING
POSITIVE ( + )
Fanfiction"I'm POSITIVE." "This must be love." "Hindi! Gutom lang yan!"