Mistake

12 0 0
                                    

Naunang nagising si Haneul, dahil na rin sa higpit ng yakap ng katabi nya. Marahas na napa pikit si Haneul. 'putangina mo Haneul.' iyon ang kanyang nasambit sa sarili, dahil sa katangahang nagawa nya. Katulad ng ibang babae sa mga istorya. Isa itong malaking pag kakamali, this is a big mistake. Pag kakamali na hindi naman dapat talaga nangyare... Pakiramdam nya napaka baba nya sa ginawa nya sa nangyare. Feeling nya isa na syang babaeng mababa ang lipad, at higit sa lahat pakiramdam nya isa syang desperadang babae na ahas. May girlfriend si Mark, well fiance to be exact. Pero anong ginawa nya? Hindi na sya nalalayo sa mga babaeng minsang pinag laruan ni Mark, hindi sya nalalayo sa mga babaeng hyenna na nag habol sakanya back in college. Kumawala si Haneul mula sa mahigpit na yakap sakanya ni Mark. Hindi naman natinag sa Mark mula sa mahimbing na pagkakatulog nito.

Naligo sya at umalis na. Madrama man ang labas pero hiyang hiya sya sa nagawa nya. Sino bang hindi? Tumawag sya kay Pia sinabi nya na may emergency na nangyare kaya uuwi na sya.

Pag pasok nya sa bahay nya nakita nya ang mag ninong na nakahiga sa carpet ng sala. Siesta time na rin ng makabalik sya sa bahay. Nilinis nya ang kalat sa kusina ng dalawa. Hindi nya maiwasang maisip ang nangyare sakanya kagabi.

"Mukhang maaga ang uwi mo." Sabi ni Gong Chan dahilan para mapatalon sya sa gulat.

"Mukhang may problema ka din. Kasi lahat na ng malinis eh nahugusan muna." Dagdag pa nito.

"Madumi kasi!" Iyon ang tingin nya sa sarili nya ngayon... Madumi. Ginusto nya naman ang nangyare pero magulo magulo ang isip nya.

"Kapag handa ka ng iopen ang topic feel free to tell me everything." Sabi ni Gong Chan.

"Mama!!!" Sigaw ni Zia at tumatakbong yumakap kay Haneul. Yumakap naman sya pabalik, at hindi maiwasang hindi maiyak. Kailangan nyang maging matatag para sa pamangkin nya.

"Mama bakit ka umiiyak?" Tanong ni Zia.

"Namiss kita eh." Sabi niya.

Nag paalam ng umuwi si Gong chan. Naiwan na ang dalawa sa bahay nila nanonood ang dalawa ngayon ng cartoons. Hinihintay nyang makatulog si Zia para buhatin nya na lang ito papunta sa kwarto. Nung makatulog si Zia pinatay nya na yung TV at natulog na din sya.


"Mama?" Gising ni Zia kay Haneul.

"Mama? Aalis kami ni Ninang Pia ngayon she called me yesterday. Ipapasyal nya daw ako tayo na mama." Pangungulit ni Zia kay Haneul at hinalikan pa ito sa pisngi. Umupo si Haneul sa head board ng kama.

"Okay sige ihanda kona ang pampaligo mo. Call me after okay?" Sabi ni Haneul sa pamangkin. Excited na tumango si Zia. Pag katapos nyang maihanda ang damit ni Zia at almusal nito tumawag si Zia mula sa kwarto. Ibig sabihin nub tapos na itong maligo. Binihisan nya ito at pinakain na.

Dumating na si Pia, pag pasok nya sa bahay ni Haneul naka pamewang ito.

"Madami kang iexplain sakin. You may start now miss Haneul." Sabi ni Pia.

"Not now." Sabi ni Haneul.

"Ninang tara na po!" Tili ni Zia, at na gets ni Pia na not now nga dahil sa andito si Zia. Maririnig ng bata ang lahat.

"Okay. Maybe later? Pero teka saan punta mo?" Tanong ni Pia sakanya.

"Sa grocery. Tapos mag hahatid ng mga cup cakes." Sabi ni Haneul.

"Okay. Oh sya una na kami at baka mauna na sa mall ang isang yun." Sabi bi Pia. Alam ni Pia na may problema ang kaibigan mababasa ito sa itsura nyang mukhang pasan ang buong mundo.

Nag iikot sya sa grocery ng masalubong ang babaeng kinaiinisan nya. Na sana hindi nya na lang nakita, feeling nya ang malas nya na sa nakita nya. Lumapit sakanya ang babaeng kinaiinisan nya.

"The hell you are here?!" Sabi ni Holly. Holly shit nasabi nya sa isip. Hindi nya na sana ito pinansin kaso may iniabot itong sobre.

"Invitation card yan for my auction party." Sabi ni Holly. Gago ba isang toh? Mukha bang mahilig ako sa auction?! Sabi nya sa sarili nya.

"You must be there. And please wear something classy. Well kahit na mahirap ka, baka naman kaya mong maging classy kahit dun lang sa--"

"Ayoko!" Tsaka binalik ni Haneul ang walang kwentang invitation card ni Holly.

"You can't say NO." Sabi nito. Tsaka ibinalik sakanya ang invitation at umalis na.

Sa bahay gabi na itong nakauwi, dahil sa mga inasikaso nya. Umupo sya sa Sofa.

Nasabunot ni Haneul ang sarili sa sobrang stress nya. Dahil sa kagagawan ng auction card keme na yun. Nasa harapan nya si Gong chan, si Pia naman pinapatulog si Zia na mukhang mas mauna pang makakatulog si Pia sakanya.

"So whats the plan?" Tanong ni Gong chan sakanya.

"Anong plan ka dyan! Walang plan plan dahil ayoko hindi ako pupunta dun." Matigas na sabi ni Haneul, iniabot ni Gong chan ang black card nya.

"You can use that."

"No! Anong kala mo sakin pupunta dun para mag sayang ng pera? Like what the--" hindi natapos ni Haneul ang sasabihin nya.

"Its my money! You can use it i'm giving you my permission and the right to use it. Hindi ako papayag na matahin ang best friend ko dun. Ako lang ang pwedeng mag mata sayo." Sabi ni Gong Chan kay Haneul pinalo naman sya ni Haneul.

"Hayp ka!" Natatawang sabi nito.

"So anong nangyare sayo?" Tanong ni Pia na pababa ng hagdan.

"Bakit ka naunang umuwi?" Dagdag nya sa tanong nya. Humugot ng malalim na hininga si Haneul at nag umpisang mag kwento.

Ikinwento nya ang nangyare sakanila ni Mark pero hindi detailed syempre. Nag kwento din sya kung pano sya tumakas mula sa yakap ni Mark pag sapit ng umaga. Sinabi nya din kung gano na sya nag sisi sa nangyare sakanila.

"So you think..."

"It was all mistakes. Thats all." Sabi nya tsaka sumandal sa sofa.

"Hm... Mistake na pwedeng mag bunga." Sabi ni Pia.

"Sa tingin ko hindi naman mag bubunga ang nangyare samin." Kinakabahang sabi ni Haneul, nung sinabi ni Pia na pwedeng mag bunga eh nakaramdam sya ng kaba.

"Sa tingin mo lang yun." Sabi ni Gong chan.

"Ay ewan ko sainyong dalawa! Matutulog na ako! walang bunga!" Matigas nyang sabi.

Naiwan naman dun ang dalawa na tumatawa at nagawa pang mag appearan sa isa't isa.

Sabihin na nating may kinalaman sila sa nangyare kay Haneul. Kasama ni Pia na dumating si Mark sa resort na pinuntahan nilang dalawa ni Haneul. Si Gong chan naman sinadya na kunin si Zia para pumayag si Haneul. Sa madaling sabi binalak ni Gong chan at Pia ang lahat... Maliban sa may mangyareng ganun. Ang balak talaga eh pag tagpoin sila. Iyon lang talaga ang gusto nilang dalawa.

"Mukhang may bonus tayo kaya ganun ang nangyare." Sabi ni Gong chan kay Pia.

"Hm... Hindi pa bonus. Wala pang bunga pag may bunga bonus talaga." Sabi ni Pia.

Tsaka sila nag tawanan.

POSITIVE ( + )Where stories live. Discover now