3rd Persons POV
Magkatabi si Haneul at Mark ngayon. Totoo ngang dating auction ang magaganap ngayong gabi. Ang mga lalake ay naka mask ang mga babae naman eh walang mask. Nakasandal ang ulo ni Mark sa may balikat ni Haneul. Na para bang inaamoy sya nito kinikilig naman si Haneul.
"Puta! Ang tanda na nung nakakuha sakanya?! Kingna ng auction na toh! Bakit ba ako nasali dito?"
"Kasi gusto ni Holly na ipamigay ka sa iba. Well sorry but she can't do that. Becasue you are mine." Tsaka hinalikan ang batok ni Haneul na nag bigay kilig, kilabot na tumagos sa spinal cord nya.
Tumapat sakanya ang isang spotlight. Spotlight na sign na napili syang pumunta doon sa stage.
"So here is our new candidate. 25 years old, Park Haneul." Sabi ni Holly. Holly shit talaga tong panget na toh! Iyon ang nasabi nya sa isip nya. Lumingon sya sa likod nya pero nawala si Mark.
'teka nasaan na ang isang yun?' nasabi nya sa isip nya. Wag mong sabihin na iiwan nya ako sa ere!
"Ms. Haneul?" Nang aasar na boses ni Holly.
Nag punta na sya sa stage, may apat pang babae na pinili. Girl no. 4 si Haneul, hinahanap ng mata nya si Mark pero hindi nya ito makita dahil sa parepareho ang mga mask nila. Nag uumpisa nang tumaas ang auction.
"Girl no. 4?" Tawag ni Holly. May nag taas ng kamay sa kaliwa yung kamay nung lalake eh medyo kulobot na.
'puta matanda pa ata sa yumao kong ama ang lalakeng toh!' nabulong nya sa hangin.
"one million." Sabi nito. Puta akala nya sasama ako sa kanya sa halagang one million?! Gago ba toh?
"5 million!" Taas ng isang lalake na malapit sa stage. Hindi ako sasama kahit gano pa kataas ang ibigay nila sakin nasaan na ba si Mark? Sabi nya sa isip nya.
"10 million." Halos mapa nganga na si Haneul sa taas ng biding sakanya aba puta kala nila sakin ginto?
"Higher?" Tanong ni Holly. Pero lumipat na si Holly si Haneul na lang ang mag isa sa stage. Tangina nung tatlong lalake na nag papataasan sa biding sakanya. Wala naman si Mark sa tatlong lalake na yun.
"35 million." Sabi nung pangatlong lalake. Alam nyang hindi si Mark yun, sumuko na yung dalawang lalake na kalaban nito.
"Anyone here? Who can defeat the highest bid tonight?" Sabi ni Holly. Bibilhin kona lang ang sarili ko kung mapupunta ako sa lalakeng toh. May lalakeng nag lakad paakyat ng stage.
"100 million." Sabi niya. Kung pwede lang lumabas ang mata nya baka nalabas na sa sobrang gulat at laki ng biding sakanya. Punyeta totoo ba toh?
Sumama na ang tingin ni Holly kay Haneul at sa lalakeng umakyat sa stage. Umupo na yung lalakeng nag bid ng 35 million sakanya. Putangina sino toh? Sandali ibibid kona lang ang sarili ko.
"Can I get my woman now?" Tanong ng lalake na nasa stage.
"How dare you to bid 100 million for this kind of trash." Sabi ni Holly. Tinignan ni Haneul yung lalakeng nasa stage naka smirk ito. 'mark.' bulong nya.
"Yes baby." Wow narinig nya? Sabi ni Haneul. Hinila ni Mark si Haneul.
"Oh common Holly. Kung may basura man dito hindi ang Haneul ko." Nang aasar at possesive na sabi ni Mark.
"You." Sabi ni Mark tsaka binuhat si Haneul in a bridal style.
Nag punta na sila sa parking.
"Oh bat tahimik ka?" Tanong ni Mark kay Haneul na naka dungaw lang sa bintana ng kotse.
"100 million lang ba ang presyo ko?" Madramang tanong ni Haneul kay Mark.
"Of course not. It is just an auction, kahit buhay ko ibibigay ko sa auction na yun wag ka lang mapunta sa ibang lalake." Sabi ni Mark na nakatuon ang tingin sa daanan pero naka ngiti ito.
Kinilig naman ang puso ni Haneul sa sinabi ni Mark.
"Mama!" Sigaw ni Zia palabas ng bahay nila. Iniisip ni Haneul panong nalaman ni Mark kung saan sya nakatira.
"I have my own way babe." Sabi nito.
"Wala namang bago diba?" Natatawang sabi ni Haneul.
"Bat gising ka pa?" Tanong ni Haneul sa pamangkin nya. Nasaan ang ninang at ninong mo?
Pag pasok nila sa loob ng bahay tulog ang dalawa sa sala naka sandal si Pia sa balikat ni Gong chan.
"Ikaw bang may gawa nito?" Tanong ni Haneul kay Zia.
"Shhh." Sabi ni Zia, hinila ni Zia si Mark papunta sa kwarto nya. Niligpit naman ni Haneul yung kalat sa sala. At nilagyan ng kumot ang dalawa.
"Ang cute." Sabi na lang ni Haneul matapos picturan ang dalawa.
"Dad sleep here." Sabi ni Zia "mom you sleep here and I'll sleep here" dagdag pa nito. Napapaisip bigla si Haneul kelan pa nag kita ang dalawang toh?
"Sleep now baby." Sabi ni Mark kay Zia tsaka tinabihan ito sa pag higa. Pumasok sa banyo si Haneul para mag tanggal ng make up at mag bihis.
Pag labas nya sa banyo nakita nya na nasa gilid si Zia at wala si Mark sa tabi ni Zia. Hindi nya tuloy maiwasang ma dismaya. Hindi man lang kasi nag paalam si Mark bago umalis.
Tinabihan ni Haneul si Zia, inaantok na din si Haneul ng biglang maramdaman nya ang isang braso na yumakap sakanya at ramdam nya sa tenga nya ang hininga nito.
"Goodnight. I love you." Bulong ni Mark sa tenga ni Haneul. Napangiti na lamang si Haneul sa kilig.