Auction Day + Feelings

20 0 0
                                    

Haneul's POV

Lumipas ang dalawang linggo ito na ang araw ng auction keme. Kausap ko si Pia, nag tatalo kami kung pupunta ako o hindi.

"Sosyal nga daw yun." Sabi ko kay Pia na naka upo sa sofa at katabi si Zia.

"Iyan ang number one reason kaya ayokong pumunta dun eh." Pag rereklamo ko sakanya.

"Wala naman akong damit na pang sosyal ayokong pumunta doon." Tsaka inilapag yung cookies sa center table.

"Mama you look dazzling kahit ano pang isuot mo." Itong pamangkin ko masiopao talaga.

"Oh diba ang galing ng inaanak ko. Zia lets go lets change your clothes alis tayo." Sabi nya kay Zia. Sumama naman agad si Zia sakanya.

Pag baba nila hinila nila ako papalabas agad ng bahay.  Naka jogging pants pa ako at plane tshirt tapos sandals.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa dalawa.

"Upo ka lang dyan bes stay put at lilipad tayo. Choss." Sabi ni Pia tsaka pinaandar na ang kotse nya.

Pag dating namin sa mall nag punta kami sa department store hinila nya ako sa mga damit na kung saan yung mga presyo ay nakakamatay.

"Hm?"

"Too daring ninang!" Comment ng bata sa likod ko.

"How about this?" Tanong nya kay Zia. Wow ah ako ang dapat na tanongin nito pero si Zia ang tinatanong.

"Hm... Too plane ninang."

"How 'bout this?" Turo nya sa isang navy blue na dress, above the knee ang dress sakin, gusto ko yung style ng dress kaso sleeveless sya!!!

"Wala bang bla--"

"Wala!" Sagot ni Gong Chan.

"Inferness you look good." Sabi ni Gong Chan inirapan ko sya. So mag kakasabwat ang tatlong toh? Kasi nag hi-5 keme pa sila sa isa't isa at fist bump na kachenahan. Navy blue na heels din ang pinasuot nila sakin, tapos dinala ako sa parlor. Inayosan ng buhok tsaka nilagyan ng make-up light make up lang naman nilagay nila sakin.

"Mukhang may kulang." Sabi ni Gong Chan. Nilabas nya yung box sa bulsa nya at ibinato kay Pia na nasalo naman ni Pia.

"Necklace." Sabi ni Pia.

Nung nilabas ni Pia yung necklace... Iyon yung necklace na gustong gusto kong bilhin noong 4th year college ako. Kaso hindi kona nabili kasi may bumili na daw na iba. Nag iisa lang kasi yun at ang mahal pa!

"Binili mo toh?" Tanong ko kay Gong Chan. Ring kasi ang kwintas tapos may heart sa gitna at gawa sa diamond yung heart sa gitna.

"Hindi ako ang bumili nyan." Sabi nya.

"Binigay sakin yan tapos sabi ibigay ko daw sayo." Sabi ni Gong Chan sakin.

"3 pm na so ano ihatid na kita?" Sabi ni Gong Chan. Umalis si Pia at Zia sa tabi ko kaya wala na akong nagawa kundi sumama. Kahit iniisip ko pa kung sino ang nag bigay ng kwintas na toh. Gusto kong mag assume na si Mark... Kasi sya yung kasama ko noon.

(Flashback)

"Bakit kasi ang mahal mahal nito?!"

"Nasan?" Tanong nya mula sa likod ko. Ang lapit tuloy ng mukha nya sa mukha ko.

"Gusto mo ba yan?" Tanong nya sakin.

"Kaya kong bilhin yan! Pag may trabaho na ako na mas mataas ang sahod. Tss. Dyan kana nga!" Sabi ko sakanya tsaka sya iniwanan.

POSITIVE ( + )Where stories live. Discover now