Come With Me

15 0 0
                                    

Haneul's POV

Nasa office ako ni Mark, ibinigay ko yung mga pinacheck nyang papel. Kaso nung nakita ko sya... Natutulog sya sa mesa nya. Naalala ko tuloy yung kagabi... Tinulugan ko sya.

"Sir?" Tawag ko.

"Sir eto na yung mga papel." Kaso hindi pa rin sya nagising, so nilapag kona lang dun yun at umupo dun sa table na itinuro nya sakin na magiging table ko daw.

Pag upo ko doon, hindi ko alam pero masyadong safe yung pwesto. I mean yung suivel chair ko eh malambot, at yung sandalan nito buong likod. Tapos may nakatagong foot rest ba ang tawag dito? Pero pwedeng pag patungan ng paa sa oras na nangawit, yung mga drawers may first aid kit.

Iniangat nya ang ulo nya, nagulat pa ako sa ginawa nya. Kaya napatitig lang ako sakanya habang parang bata sya na kinukusot ang mata nya.

"Oh andito kana pala." Sabi nya, at nag uunat pa sa harapan ko. Napaka casual nya lang talaga sa harapan ko, walang natitirang ka awkwardan. Minsan naisip ko ano kayang itsura nya pag nag seryoso sya? Pero sabi nila introvert daw sya. Sa ginagawa nya mas introvert pa ako sakanya.

"May P.E subject ako aalis na ako." Sabi ko, totoo naman yun. Ngayon ko lang kukunin yun at hindi ko nakuha noon.

Halos 30 minutes pa lang akong nasa gym nag pupulot ng mga bola sumasakit na likod ko. Leche tong P.E na toh! Nakita ko naman na masama makatingin ang mga kaklase ko sakin. Sa palagay ko na ichismis na ni Pia ang tungkol sa part time job ko.

Nag pahinga ako sa gilid kasi pagod na talaga ako. Eh hindi naman ako nalaro ng volleyball at hindi ako marunong. Nag punas ako ng pawis, nakita ko yung panyo na ginamit ko. Eto yung panyo na binigay sakin nung lalake sa banyo. Hindi ko maiwasang hindi matawa nung napag kamalan akong buntis nun. Napa iling iling na lang ako.

"Park Haneul! Buhatin mo toh!" Sabi ni ma'am. Isa din toh labas hanggang ilong ang init ng ulo sakin. Bubuhatin kona sana yun ng biglang buhatin ni Mark.

"Ako na." Ngiti nyang sabi. Napakurap kurap na lang ako, hindi ko alam kung dahil sa shock, o dahil sa ngiting toothpaste commercial nya.

"Tapos na ang klase mo diba? Come with me." Sabi nya sakin, nag bow muna ako sa instructor ko bago sundan si Mark. Nag punta kami sa parking lot ng school, pinag buksan nya ako ng pinto ng kotse. Sumakay naman ako, at ganon din sya. Hindi na sya nag salita nun, hindi ko maiwasang mapaisip kong may nagawa ba akong mali?

Napaka tahimik nya, hindi din sya nag smile, hindi din sya nag jojoke. Isang seryosong Mark Tuan ang nasa harapan ko ngayon. Napaiwas ako ng tingin nung tinignan nya ako. Kinuha ko yung earphones ko para hindi na ako ma tempt na titigan sya.

30 minutes na kaming nasa byahe wala pa ring nag sasalita saming dalawa. Napaisip ako... Saan ba kami pupunta ng isang toh? Omo?! Baka ibubugaw nya na ako? Hindi. Baka naman ipapa ransom nya ako kay ate?! OA masyado! Alam nya naman na wala kaming pera. Baka gagahasain nya ako?! Omygawd! Napayakap ako sa sarili ko. Nilingon ko sya nakita kona na naka smirk sya! Yung manyakis nya na smirk pero nakaka inlove... Wait hindi nakakainlove! Nakakainis na smirk!

"Anong ngini ngiti ngiti mo dyan?!" Duro ko sakanya.

"Wala ang cute mo kasi." Sabi nya sakin, at nag seryoso ulit ng mukha. Natakip ko ang mukha ko gamit ang palad ko.

Putang ina! Hindi ako kinikilig.

"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.

"Death anniversary kasi ni mama ngayon." Parang nakalunok ako ng bata... Sabay sigaw ng Darna. De joke lang. Parang narealize kona pareho kami ng sitwasyon.

"Wala kasi akong kasamang pupunta dun kasi patay na din si Papa." Dugtong nya sa kwento nya.

"Pareho pala tayo." Mahina kong nasabi.

Pag katapos nun katahimikan ulit ang namagitan sa aming dalawa.

Huminto kami sa isang sementeryo, pinag buksan nya ako ng pinyo. Inilahad nga ang kamah nya para hawakan ko ito.

"Kaya ko. Magaan lang tong kamay ko." Sabi ko sakanya. Ngumiti naman sya, nakabuntot lang ako sakanya. Huminto sya tumama pa ako sa likod nya.

"Holly." Narinig kong sabi nya sumilip ako sa tinawag nyang pangalan, tumambad sa akin ang babaeng mas matangkad sakin, mas may pwet, may b...boobs, mas maganda at mas sexy sakin.

"I heard it from your cousin. She told me that your parents died, I was also looking for you." Engrisherang palaka pala tong si ateng. Dudugo ata ilong ko.

"Sorry." Sabi nya pa.

"Sorry for everything. I know, its my fault why you were devastated for the few years." Ay pucha! Devastated. Wait sandali, ano bang nangyayare? Lumapit sya kay Mark niyakap nya ito.

"Babe I'm sorry. I'm here again, lets get back together." Sabi pa niya. Babe? Hindi naman baboy tong si Mark. Hindi naman sa bitter pero hindi naman kasi sya baboy. Hindi naman nag sasalita si Mark. Umatras ako ng konti...

"I know you still love me." Sabi nita sabay halik kay Mark. Napa facepalm ako sa nakita ko! Parang may tumusok sa puso ko. Eto ba? Eto ba ang dahilan kaya nya ako sinama? Ipapakita nya ba kung pano sila mag babalikan at mag make-out dito?! Kunyare umubo ako... Yung ubo ko halos lumabas na yung LUNGS ko!

"Hm... Excuse me? Mawalang galang na sainyong dalawa. Mark Tuan kung sinama mo ako dito para masaksihan ang pakikipag landian mo. I'm so done with you and with your games! The fuck mehn!" Sabi ko na tumatawa pero... Lumuluha ako.

Nilayasan ko silang dalawa, nakakahiya naman kasi sakanila! Ayokong maging narrator nila! Punyeta silang dalawa! Mabilis akong sumakay ng bus. Hindi ko dala ang cellphone ko, pati ang wallet ko. Yung 200 pesos lang na nasa bulsa ko yun lang ang meron ako hindi ko alam san aabotin nito... Makakauwi ba ako nito? Hinulog kona lang dun sa box yun.

"Kingna nya may pa kwento kwento pa sya! Feeling ko pa man din compatible na kami! Lumalambot na puso ko! Tapos tapos ano?! Makikita ko yun? Kingna nya! Ako naman kasing--" may nag kabit ng earphones sa tenga ko. Tinignan ko kung sino ang lapastangang sumira ng pag eemote ko!

"Masakit nga yan." - sabi ni Gong chan.

"Yung mahulog ka ng walang sumasalo." Dugtong nya.

"Hindi ko sya gusto!" Sagot ko sakanya.

"Sa ngayon ide-deny mo na hindi mo sya nagustuhan pero, bukas o sa susunod pa na araw dun mo mararamdaman na may kulang, na may bago, na hindi kompleto ang normal na araw mo." Sabi nya ng naka ngiti. Pinunasan ko yung luha ko, tsaka pawis ko. Inipitan ang mahaba kong buhok.

"Hindi ko sya gusto." Matigas kong sagot. Ngumiti lang naman sya. Katahimikan ang namagitan samin, hindi na ako nag salita o maging sya hindi na nag salita.

Bumaba na ako ng bus, pag baba ko sa bus terminal siningil ako ni manong. Mabuti at kasama ko si Gong chan kaya sya na ang nagbayad. Binigyan nya din ako ng pang taxi, para makauwi ako agad. Pag uwi ko... Tumingon ako sa taas. Nakapatay pa yung ilaw nya, ibig sabihin wala sya sa bahay.

Kumatok ako. Para makapasok ako ng bahay wala kasi yung bag ko, wala lahat sakin.

"Ginabi kana ng uwi. Pinag alala mo a-- anong nangyare sayo?" Tanong ni ate sabay hawak sa mag kabila kong pisngi.

"Ayos lang ako." Tsaka yumakap sakanya.

POSITIVE ( + )Where stories live. Discover now