Haneul's POV
Nag mamadali akong pumasok para sa 2nd subject namin. Kasi ayaw nung si mr. Mark Tuan na may nalelate. Kaya nag mamadali ako bakit ba kasi malayo ang room namin? Kailangan kong tumakbo araw araw para maunhan sya sa classroom.
"Bes!" Tawag ni Sopia sakin pag pasok ng classroom.
"Samahan mo ako! Tangna! May dalaw ako!" Sabi nya na namamalipit. Sinamahan ko naman sya sa banyo.
"May dala kaba dyan?" Tanong nya sakin. Iniaabot ko sakanya yung pads na daladala ko parati sa bag ko. Incase of emergency tulad nito.
Pag labas nya, bumalik na kami sa classroom. Baka andyan na din yung si mr. Tuan.
Pag pasok nga namin nandun na nga sya. Umiral naman ka OA-yan nitong si Pia.
"Tangina bes. Sarap sarap talaga ni sir noh?" Sabi nya sakin.
"Ewan ko sayo. Late tayo kaya lagot tayong dalawa." Siko ko sakanya para umayos sya ng tayo. Para kasi syang bulate.
"2 minutes late? Give me a valid reason." Sabi nito samin na feeling cool. Kinilig naman yung mga babae kong kaklase na patay na patay sakanya.
"Sinamahan ko po sya, babae kasi sya ngayon." Sabi ko sakanya.
"Talaga ba? How 'bout you?" Sabi nito at nilapit ang mukha sakin.
"A-anong how bout chu bout chu ka dyan." Sabi ko kay Mark. Tsaka umiwas sakanya, papunta sa pwesto ko.
Nakita ko naman ang smirk nya na nakatingin sakin. Inirapan ko naman sya, naiinis talaga ako sa bastos na professor na toh! Masakit sya sa bangs, hindi ko ba alam bakit hindi pa sya natatanggal sa school na toh, eh kalat sa buong campus na para pumasa ka sa subject nya isang kama lang as long as "you're a virgin" as coconut oil eh bibigyan ka ng passing grade. Puta diba? Anong akala nya sa school namin? Pokpok club university tsss... Na university file na sya lahat lahat hindi pa rin natatanggal. Nag lalaban kami ngayon ng titigan, naka smirk sya ako naman naka kunot ang kilay.
"Bes? Hindi ko talaga alam kung san ka nag mulang kabundukan. Pero parati bang tulog ang balita sainyo?" Nakunot ang kilay ko kasi hindi ko sya maintindihan.
"Graduating kana lahat lahat, wala ka pa ring alam? Yung si Sir Mark Tuan eh ang mayari ng school. So bukod sa pagiging gwapo, kung bakit madaming babae ang nag lalaway na parang hyena sakanya at madaming ahassss. Eh isa din sa dahilan ang pagiging mayaman nya. Kasi syempre naman, pag napangasawa mo sya para kang tumama sa lotto." Sabi ni Pia.
"San mo naman nalaman ang chismis na yan?" Tanong ko sakanya. Tsaka tinuloy ang pagkain sa tinapay na binili ko.
"Can I seat here?" Sabi ni Sir Mark. Tumayo ako at kinuha ang tray ko, tsaka ito dinala sa counter ng canteen. Iniwanan kona si Pia, close kasi sila ni sir Mark. Eh hindi naman. Kami close nung prof na yun.
Nag punta ako ng library para mag basa ng libro. Mamaya pa ang susunod na klase ko. Habang nag babasa ako hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Kasing edad ko lang si sir Mark, 23 years old ako, 24 naman sya. Ang problema lang sakin late ako nag aral. Pero napaka succesful nya na, nakakainggit.
"Omo." Sinampal sampal ko ng mahina ang mag kabila kong pisngi para gumising sa katotohanan.
"What a small world. Andito ka din? Can I join you here?" Sabi ni Mark na nasa harapan kona. Oo hindi nya naman alam na mark lang ang tawag ko sakanya.
"No you can't." Sagot ko sakanya. Tatayo sana ako ng higitin nya ang kamay ko. Dahilan para maging eye level kami.
"Hindi ko maintindihan kung bakit ang bigat ng dugo mo sakin. But i'll make sure na hahabolin mo ako. Katulad nila." Sabi nya sakin. Pinaningkitan ko sya ng mata.
"Hindi din kita maintindihan kung bakit gusto mo akong isama sa mga collections mo. Pero hindi ako laruan na pwede mong isama sa collections mo. SIR." Diin kong sabi sa sir, sabay higit sa braso ko.
Umuusok talaga ilong ko sa teacher na yun! Akala nya sa mga estudyante nya? Pokpok? Tss.
Dismissal...
Malakas yung ulan, at wala akong dalang payong. Kalahating oras ko nang hinihintay na tumila ito. Mabuti at wala akong pasok ngayon sa part-time job ko. Kung bakit ngayon ko pa nakalimutan mag dala ng payong.
Naunang umuwi sakin si Pia, kasi may aasikasuhin sya ritskid problems.
Lumipas pa ang oras...
Dalawang oras ng lumuluha ang langit. At mukhang lumalakas pa ito.
"Oh? I guess world is really small. Andito--"
"No sir. I guess this school is small." Putol ko sa sasabihin nya.
"Hahahahaha." Tumatawa sya. Yung nakakainis na tawa, sya yung professor na sa klase seryoso, tahimik, pero sa personal manyakis. Pucha.
"Gusto mo bang sumabay na? Mukhang mamaya pa titila ang ulan." Alok nya sakin, tinignan ko yung oras sa wrist ko. 7 pm na din, baka nag aalala na ang Ate ko. May sakit pa man din yun, baka tumaas ang blood pressure nya.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Sa tingin ko ayaw mo?" Sabi nya mag lalakad na sana ito ng tumakbo ako at humawak sa gilid ng coat nya. Hindi naman ako nababasa ng ulan.
"Sige. Hanggang dun sa may bus station lang sir." Sabi ko sakanya.
Nag umpisa na kaming mag lakad. Nang may mabilis na sasakyan ang dumaan! Hindi naman ako na out of balance tapos sinalo ako nitong si Mark. Pero yung tubig eh tumilamsik sa damit ko dahilan para mabasa ang kalahating part ng katawan ko. Napakamot ako sa ulo ko sa sobrang inis ko.
"Hold this for me." Sabi nya. Hinawakan ko yung payong, actually 5 minutes na kaming nag lalakad pero hindi ako nag sasalita.
Tinanggal nya yung coat nya, ngayon ang suot nya na lang ang white long sleeves nya na panloob ng coat nya at ipinatong ito sa balikat ko.
"Ayokong mag kasakit ang estudyante ko." Sabi nya. Hindi na ako nag reklamo pa at nag lakad na kami ulit.
Hindi ko alam pero parang nabibingi ako sa tunog ng ulan ngayon. *Thump... Thump... Thump...*
Ang bango ng coat nya.
Nasa bus terminal na kami.
"Mauna na ako. Good night." Sabi nya sabay bigay sakin nung payong at sumakay sa humintong kotse sa harapan namin.
Napalunok ako ng laway gawa ng ngiti nyang pang toothpaste commercial. *Thump... Thump... Thump...*
Iyon lang ang naririnig ko hanggang sa makauwi ako sa bahay.
YOU ARE READING
POSITIVE ( + )
Fanfiction"I'm POSITIVE." "This must be love." "Hindi! Gutom lang yan!"