Haneul's POV
"Nag punta si Holly dito kanina." Simula ko sa kwento ko kay Gong chan at Pia, busy silang pareho sa nilalaro nila sa phone nila.
"Anong sabi?" Sabay nilang sabi na hindi ako tinitignan.
"Mag usap daw kami may sasabihing importante." Tsaka humalumbaba sa mesa.
"Alam ko sasabihin nya." Nilapag ni Pia ang phone nya sa mesa at hinawakan ang mag kabilang pisngi ni Gong Chan para maging eye level sila.
"Layuan mo ang boyfriend ko." Sabi nya.
"Gasgas na yang linya mo." Sabi ni Gong chan.
"Mag babalikan na kami ni Mark, so pwede bang dumistansya kana?" Sabi ni Gong chan sabay kuha sa phone nya at nag laro ulit. Ganun din si Pia.
"May point ka dun. Mas tugma linya mo bes." Sabi naman ni Pia tsaka na ulit naglaro. Itong dalawang toh minsan napaisip ako kung kaibigan ko ba talaga sila.
Nasa harapan kona ngayon si Holly, nakakaloka ang suot nya. Parang pinapakita nya sakin na malaki ang hinaharap nya. Tss whutabitch! Katahimikan ang namamagitan sa aming dalawa ngayon. Poker face lang ang itsura ko ngayon, literal na walang expression.
"I think you already know who I am? If hindi pa. My name is Holly, mark's girlfriend. Hm... Well hindi pa talaga kami nag kakabalikan. But soon we'll be back together. After i talked to you." Sabi nya sakin.
"So?" - sagot ko sakanya.
"How much?" - napairap ako ng wala sa oras, nakakainis kala nya dramarama sa hapon toh?
"Alam mo, kung gusto mong makipag balikan kay Mark edi mag balikan kayo! You don't have to talk to me or pay me." Sabi ko. Totoo naman eh diba hindi nya kailangang gawing bigdeal at may ka chenahan pa syang how much.
Pag uwi ko sinalubong ako ni ate, "aalis na ng bansa yung tenant sa taas natin." Bakit sya aalis? Kaloka wala pang 24 hours simula nung nag kausap kami nung Holly. Nag balikan na agad? Hindi ako nag salita at padabog na pumasok sa bahay.
Lumabas ako ng bahay pagkatapos kumain, umakyat ako sa taas para silipin kong umalis na talaga sya. Nakapatay yung mga ilaw, kaya baka wala pa sya sa bahay... O baka wala na talaga sya.
Tumawag ako kay Gong Chan pero cannot be reach... Leave a voice mail daw.
'lilipat na daw sya ng bahay. Nakakainis pag katapos namin mag usap nung si Holly Shit nag kabalikan na! Bat ba kasi ang shunga shunga ko?!...' hindi ko alam kung bakit ko nasabi na shunga ako. Natapos na ang 1 minute dahilan para automatic na masend ang voice mail ko.
The next day ~
Hindi ako pumasok sa subject nya, hindi din kami nag kita ni Pia. Sabi ng mga kaklase ko hindi daw sya pumasok ngayon. Nilingon ko yung glassdoor dito sa library, para tignan kong naka silip sya... Wala din.
Alam ko kasi na sumisilip sya dun eh. Kaso wala din sya, pumasok din ako sa office nya. Kasi may duplicate ako ng susi nun dahil nga sa assistant keme nya ako.
Napahalumbaba ako sa mesa... Nasaan kaya sya? Magsama silang dalawa! Lumabas ako ng office, at nakita ko si Mark at Holly na... Nag hahalikan. Unti unti kong naramdaman na parang sumikip ang puso ko, unti unti ko ding naramdaman ang mainit na likido na umaagos ngayon sa mukha ko. Mabilis akong nag lakad palayo sakanila, nabundol ko pa si Pia.
"Bes kanina pa kita hinaha--" niyakap ko si Pia at umiyak ng umiyak. Tinatanong nya ako kung bakit pero hindi ako sumasagot. Dinala nya ako sa isang mas tahimik na lugar, at makakapag palamig ako ng ulo. At ito ay ang cafe, na pag mamayari nya.
"Putang ina nilang mga 21 hayop sila!" Tinignan ko sya, pero umiiyak pa rin ako. Kinuwento ko sakanya ang nararamdaman ko ang lahat lahat.
"Pucha bes! Tumahana kana! Tangina ito na nga ba ang kinakatakot ko noon pa man eh!" Niyakap nya ako at patuloy na pinapatahan.
"Bes? Bakit ganun? Bakit sa isang bituin na mahirap abotin pa ako nag kagusto?! Bakit paasa sya?!" Tanong ko, punyeta bakit kasi hindi ko agad na realize na sya pala yung nakasabay ko sa banyo?!
"Sorry bes. Di ko agad din naisip na baka sya pala yung nakasabay mo noon sa banyo nung sinabi nya sakin na may umiiyak sa banyo." So nakita nya din pala pero wala naman syang alam.
"Tumigil kana kakaiyak. Lalo kang papanget nyan." Sabi ni Gong Chan na nasa likod ko, pinalo ko sya sa braso.
"Ikaw broken hearted kana brutal ka pa rin!"
"Excuse me hindi ako broken hearted noh?! Hindi ko sya gusto!" Sabi ko.
"Ewan ko sayo." Sabi nya. "Halika na umuwi na tayo at ihahatid na kita." Sabi nya sakin.
"Hindi ayokong umuwi!" Sabi ko. Tsaka inagaw yung beer na iseserve dapat ni Pia sa customer at ininom yun.
"Ang pait!" Sabi ko!
"Kasing pait ng love story mo." Sagot ni Gong Chan. Pinalo ko sya braso! Yumuko ako sa mesa ulit. Pag angat ko sa ulo ko...
"Mashama shama shila! Iyang shi Mark Whoo(hu) YOU shakin ya--" hindi kona alam ang sumunod na nangyare kasi inaantok na ako.