Avoiding Him

10 0 0
                                    

Haneul's POV

Tatlong araw. Tatlong araw na simula nung mangyare yung insidente sa sementeryo, naibalik na din yung bag ko, pati wallet ko, tsaka phone ko. Pero hindi ako nag pakita sakanya. Alam na din ni ate kung anong nangyare. Sa nakaraang tatlong araw, madalas kong nakakausap si Gong chan. Hindi ko alam kung ini stalk ba nya ako o talagang maliit lang mundo kaya mag kikita at mag kikita kami. Masasabi kona naging kaibigan kona sya. Parati nya akong pinagsasabihan, na may gusto daw ako kay Mark. Eh wala naman.

"Sigurado ako sya ang iniisip mo ngayon. Sa tingin mo ba sa ginagawang pag iwas hindi ka nya nakikita?" Tanong nya sabay inom ng iced americano nya.

"Hindi naman nya ako hahanapin. Andyan na yung Holly nya." Sabi ko.

"Hindi na nga bumili dito sa cafe eh. Dati bumibili dito yun walang--" narinig kong tumawa sya.

"See i told you. You'll eventually feel it..." Sabi nya.

"Alam mo bang the first time I saw you. I already knew na may crush ka sakin." Sumimangot naman ako.

"Pero hindi ko pinansin. Kasi I know you like someone kasi indenial ka." Tinaasan ko sya ng kilay.

"Ano kaba? Mang huhula? Mind reader? Ano?" Sabi ko.

"Human." Sagot nya.

"Babatokan na ata kita eh!" Sabi ko sakanya.

"Pero seryoso, parati kang nandito, nakikita kita sa school na palakad lakad, sa park at sa mall. Ano bang trabaho mo? Ang pag lakadlakad?" Tanong ko sakanya. Tumawa naman sya.

"Psychologist kasi ako." Sabi nya.

"Sige nga basahin mo yung nasa utak ko." Bahagya nyang pinalo sakin yung kutsara.

"Study of human behavior ang pinag aaralan ko. Hindi ako mind reader." Sabi nya.

"Kaya ba..."

"Isa ka sa mga nameet ko. Ambivert ka, meaning to say you are in between of introvert and extrovert. Gusto mo mag isa ka pero takot kang mag isa. Masyadong madaling basahin ang mga expression mo at galaw mo." Sabi nya.

"Aray! So sinasabi mong easy to get ako?" Sabi ko tsaka nag pamewang. Tumawa naman sya.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin, madaling mabasa ang ugali mo. Ang kulit." Sabi nya sabay gulo sa bangs ko. Inirapan ko naman sya.

"Aalis na ako." Sabi nya tsaka tumayo na.

"Sige alis na tapos na break ko." Sabi ko at nauna ng umalis sakanya at bumalik ako sa counter.

Pag alis nya dalawang oras pa ang lumipas at out kona.

Palabas na sana ako at pasakay na ako ng bus nung may tumawag sakin. Liningon ko kung kanino nag mula yung boses. Gusto kong mag maasim sana kaso, ang gwapo nya sa casual wear nya. Sandali inom ako ng suka, para umasim ang itsura ko.

"Its been 3 days." Simula nya, pero humalukipkip lang naman ako at isang poker face ang ibinigay sakanya.

"Are you avoiding me?" Tanong nya sakin, hindi pa rin ako sumasagot.

"No."

"You're around the university attending your other classes. But in my class you are not there." Kingna! Ano ba? Bakit ba sya nag eengrish? Nilamon ng sistema nung si Holly shit?

"Iyon lang ba sasabihin mo? Iddrop kona yung subject mo. Iyon ang totoo nyan, so aalis na--"

"You're Haneul, right?" Nakakainis.

"Holly." Tawag nya ulit, puta ano toh? De javu? Subukan nyo mag halikan sa harapan ko ulit ewan kona lang!

"Hindi ako si Haneul." Sabi ko at sumakay ng bus.

POSITIVE ( + )Where stories live. Discover now