Gong Chan

13 0 0
                                    

Haneul's POV

Humiga ako sa sahig ng apartment namin, kakauwi ko lang galing sa cafe. Ang sakit sakit ng likod ko ano bang ginawa ko ngayon at pagod na pagod ako. Ah oo tama! Nag buhat lang naman ako tatlong box na may laman na kape, at isang katerbang libro kanina sa library.

"HA.NEUL!" Kalampag ni Pia sa pinto ng apartment namin pinag buksan ko sya.

"Pucha bes! Ga--" hinawakan nya ako sa mag kabilang balikat.

"Buntis kaba?" Tanong nya sakin. Kung hindi lang matanda sakin toh ng dalawang taon. Ewan kona lang talaga.

"Bes? Alam mo naman siguro na NBSB ako diba? Tapos tatanongin moko ng ganyang tanong? Nang bbwisit kaba?" Sabi ko sakanya na naiirita.

"Oo o Hindi lang!" Sabi nya.

"Syempre Hindi! Kingna san mo naman napulot ang chismis na yan?" Tanong ko sakanya. Yumuko sya tapos tumawa ng tumawa na parang tanga. Umatras ako

"Jusko. Anong nangyare sayo?" Tanong ko.

"Wala." Hirap na hirap sya sa pag sabi nun dahil sa tawa sya ng tawa. Napakamot ako ng batok ko.

"Umayos ka nga!" Bulyaw ko sakanya.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Wala lang tinanong lang kita nun, may nakapag sabi kasi sakin na buntis ka eh." Sabi nya.

"Napaka maling chismis naman ng chismis na yun. Nakakaloka!" Sabi ko sakanya.

"Osya na uuwi na ako." Sabi nya tsaka na umalis, napa iling iling na lang ako.

The next day ~

"Nagising ako kay ate Sol. Narinig ko na nag susuka sya sa banyo." Sumilip ako para malaman kung anong nangyayare sakanya.

"Ate?" Tawag ko. Pero narinig kong umiiyak lang sya.

"Ate?" Tawag ko ulit sakanya. Humarap sya sakin "sorry." Sabi nya sakin. Tsaka umiyak ng umiyak. Pinakalma ko muna sya, pinainom nh tubig. Nung maka kalma na sya, tinanong ko sya kung anong nangyare.

"Buntis ako." Sabi nya.

"Iyon ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Alam kong kasing hindi iyon ang dahilan.

"At wala syang balak na panagutan ako." Atchaka ulit umiyak, niyakap ko sya.

"Tahana ate. Hahanap pa ako ng ibang part time job para makatulong ako sayo, satin. Magiging tatlo na tayo nyan kaya dapat dagdagan ang income sa bahay." Sabi ko.


Nag lalakad ako habang nag babasa ng libro tungkol sa mga baby, ngayon lang kasi ako makakapag alaga ng baby. Pag nakapanganak na si ate Sol, 3 months na pala yung dinadala nyang baby. Kaya dapat mag handa na ako, mag handa na kami.

"Ano yang binabasa mo?" Tanong ni Sir Mark sakin na hawak ang braso ko, na animo'y inaalalayan akong mag lakad. Hindi naman ako senior citizen para alalayan nang ganto. Tapos ang lapit nya naamoy ko tuloy yung pabango nya.

"Hindi naman ang senior citizen, so hindi mo ako kailangang alalayan na parang mahuhulog ako diba?" Sabi ko sakanya.

"Inaalalayan kita para pag nahulog ka sakin, masasalo kita at hindi ka masaktan." Sabi nya, sabay kindat. Umiwas lang ako ng tingin sa ginawa nya.


Napahalumbaba ako sa cafeteria namin, dahil sa nag compute ako ng mga magiging gastusin namin. Kailangan ko talaga nang isa pang trabaho.

"May alam kaba?" Pangungulit ko kay sophia.

POSITIVE ( + )Where stories live. Discover now