Haneul's POV
Nakahiga pa rin ako sa sala, hindi naman ako tinanong ni ate kung wala ba akong balak tumayo dito, o wala pa akong balak pumasok sa school... Yung moment na parang ramdam nya yung nararamdaman ko. Siguro naranasan ni ate tong point na toh... Ang point na... 'nainlove... Nasaktan... Tumihala mag hapon.' wala talaga akong balak na tumayo dito gusto ko dito lang ako, nakatalukbong gamit itong paborito kong kumot.
Sa mga nakalipas na araw simula nung tinungga ko yung isang beer. Madami akong na realize, narealize kona ilang araw na akong absent sa school, sa part time job ko, ilang araw na din akong hindi kumakain, ilang araw na din ako hindi makausap ng maayos, ilang araw na din akong dinadalaw ni Gong Chan at Pia dito pero hindi ako lumalabas para makipag usap sakanila. At higit sa lahat ilang araw na ba akong hindi gumagamit ng shampoo? Ang tigas ng buhok ko hayop na toh!
Sa tuwing dumadalaw dito si Pia at Gong Chan.
'bes eto na yung notes sa isang subject'
'bes tumino ka nga!'
'bes? Kumain ka!'
'bes ano ba? Akala ko hindi ka inlove?!'
'iba na ang prof natin hindi na si Mark.'
Iyon ang pinakalates na balita nya sakin at sinabi nya sa tuwing nadalaw sya dito. Iba na ang prof namin, hindi na si Mark. Patunay na umalis sya ng walang paalam.
'Haneul? Ano kailangan muna ba ako?'
'magandang thesis ang nangyayare sayo ngayon.'
'psychiatrist ba kailangan mo o si Mark?'
'take this test.'
'positive.'
POSITIVE. Puta oo POSITIVE ako... Positive na inlove sa hayop na si Mark Tuan! Na wala na ngayon nangibang bayan na at kasama si Holly Shit!
May pumasok sa bahay, at alam kong si Pia yun kahit na nakatago pa ako sa kumot. Kasama nya si Gong Chan.
"Mukhang tulog nanaman sya." Rinig kong sabi ni Pia.
"Kaya mo ba syang buhatin? Ilipat natin sya dun sa kwarto ng ate nya. Para malinis ko din ang bahay nila. Nakakaloka. Pag na broken hearted apektado ang lahat, puso lang naman ang nasaktan." Pag rereklamo niya, siguro nasa kusina sya kasi yung mga baso na hinuhugasan nya halos mabasag na. Naisip ko tama sya, puso ko lang ang nasaktan pero feeling ko masakit buong katawan ko.
Naramdaman kong umangat yung katawan ko. Puta! Mag rereklamo sana ako kaso kaso... Iba yung feeling na buhat buhat ka. Naramdaman kong inihiga nya ako sa kama.
"Sana hindi na lang kita pinabayaan na mahulog sakanya, akala ko sasalohin ka nya pag nahulog ka. Pero nag kamali ang kalkulasyon ko sa utak nya." Sabi ni Gong Chan, pagkasabi nya nun at pag labas nya nakatulog ako.
Nagising ako 8 na ng gabi. Lalabas sana ako ng kwarto nung marinig ko ang boses ni Mark na kausap si ate sa labas.
"Mag papaalam lang sana ako." Dinig kong sabi nya.
"Natutulog kasi sya eh, pero sandali lang tatawagin ko sya." Pag papaalam ni ate, natulala ako sandali nagising ako sa katotohanan nung mabundol ako ng pinto.
Pumasok sa kwarto si ate at tinignan ako. "Hm ano?" Tanong ni ate. Mukhang alam nyang nakikinig ako. "Sa itsura mo na basang basa ng luha. Alam kong narinig mo ang lahat. Gusto mo ba syang makita?" Tanong ni ate. Umiling ako bilang sagot.
"Sigurado kaba?" Tanong ni ate.
"Oo." Sagot ko. Tsaka bumalik sa kama nya at humiga. Lumabas na sya ng kwarto, ako naman umiyak iyak na parang tanga.
The next day ~
Kakatapos ko lang maligo nung biglang pumasok sa bahay si Pia.
"Bes?! Ngayon ang alis ni Mark! Ayaw mo bang humabol? Mag kita man lang kayo bago sya umalis. Bat ba kasi kayo nag tatagoan?!" Praning nyang sabi.
"Ayokong makipag kita. Dito na lang ako, tsaka kahit naman na habolin ko sya aalis pa rin sya. Sino ba naman ako para habolin sya? Estudyante nya lang ako." Sabi ko sakanya habang nag susuklay sa mahaba kong buhok.
"Simula ngayon. Hindi na ako iiyak! Kakalimutan ko na nagkagusto ako sa isang Professor, nagkagusto ako sakanya, umasa ako, kakalimutan kona na minsan sa buhay ko tumibok ang puso ko kay Mark Tuan." Sabi ko.
"Alam mo bes. Ayokong sirain ang iyong way of moving on slash your perception in your life. Pero alam mo imposible yan diba?" Sabi nya sakin, tinignan ko sya.
"Sinira muna." Simangot kong sagot.
"Pero ayaw mo ba talagang humabol tayo?" Tanong nya ulit sakin.
"Ayoko. Wag na lang. Mapapagod lang ako pag humabol pa ako, alam kong wala din namang mangyayare kahit humabol pa ako sakanya. Sila na ni Holly shit. Tsaka ayokong kainin yung mga sinabi ko noon..." Kahit kinain kona talaga.
"Kahit na nag sisi na ako sa sinabi ko noon sakanya na... Hindi ako mag kakagusto sakanya, na kung sya na lang ang lalake sa mundo never. At kung ano-anu pang sabey attitude na pinakita ko."
"Siguro hanggang dito na lang talaga. Wag ng pilitin ang hindi pwede at alam naman nating lahat na hindi pwede. Una, madami syang babae, tapos may girlfriend pala sya. Pangalawa, madami akong sinabi na masasakit na salita sakanya noon. At pangatlo, mabait lang sya sakin dahil inakala nyang buntis ako." Pag eexplain ko.
"Kaya papabayaan muna lang?" Tanong ni Pia. Tumango ako bilang sagot. Umalis ng bahay na malungkot si Pia. Mauuna na daw syang umuwi at madami syanga aasikasuhin ngayong wala na si Mark. Sya na lang mag isa ang mag papatakbo ng mga business na naiwan nya.
Ako naman simula ngayon! Uumpisahan ko ng patakbohin ang buhay ko ng MAS maayos!
YOU ARE READING
POSITIVE ( + )
Fanfiction"I'm POSITIVE." "This must be love." "Hindi! Gutom lang yan!"