POSITIVE 2.0

17 0 0
                                    

Third Person's POV

"You have an ovarian cyst." Sabi ng doctor kay Holly.

"Also you're positive, na may baby sa tiyan mo. Pero may bukol ka sa matres na kailangang ma operahan and--" hindi natapos ng doctor na kausap ni Holly ang sasabihin nito.

"And I have to take a surgery where in the baby will die. No." Diretsahang sabi nito.

"Hindi ako mag tetake ng surgery." Sabi nito tsaka hinawakan ang tiyan.

"Is there other way to save my friend and her baby?" Tanong ni Mark sa gilid.

"The only way to save the baby is to born her/him. But the chance for Holly's life is 50-50." Sabi ng doctor, pumikit si Holly. Hindi nya alam kung anong mararamdaman nya. Pero buo na ang kanyang desisyon. Isisilang nya ang bata na syang dahilan kung bakit sya nag bago.

Si Holly ay limang buwan ng buntis ex-boyfriend nito. Naisip nya karma nya ang ex-boyfriend nya na minahal nya. Kaya nya ginugulo si Mark at haneul ay umaasa ito na pipiliin sya ni Mark. Pero mali sya, wala na talaga para sakanila ni Mark. Kaya nung araw na nameet ni Holly si Haneul sa grocery store gusto nyang mag sorry dito pero mas pinangunahan sya ng kanyang bitchy side.

"I've made my decision. Isisilang ko ang baby kahit kapalit nito ang buhay ko." Sabi nya tsaka tumayo palabas ng consultation room. Pag labas nya nakita nya si Haneul nginitian nya ito pero ang labas kay Haneul ay nang aasar na ngiti kaya iniripan sya nito.

Pag labas naman ni Mark ay syang nakita ni Zia kaso tinawag nyang Fish face so Holly. Natawa na lang si Holly, naging sobrang sama ng image nya sa bata. Nag tamang hinala mode pa si Haneul...

"I'll talk to her." Sabi ni Holly kay Mark.

"Sa lagay na yan hindi ka pwedeng makipag kita kay haneul at baka masapak ka nya. Bakit mo ba kasi sinabi yun?" Iritableng tanong ni Mark.

"I was not yet done... Masyado syang nag OA ka--" hindi nya natapos ang sasabihin nya ng may kamay na dumapo sa mukha nya. Napa kurap kurap naman si Mark sa sobrang bilis ng pangyayare.

"Para magising ka sa katotohanan at dumirtso iyang dila mo. Masyado ka kasing maldita kung mag salita... Insensitive to be exact. Bagay na sana hindi makuha ng magiging anak mo." Sabi ni Pia. Paalis na sana ito ng hawakan ni Holly ang kamay nya.

"Pia? Sorry. Sorry for everything." Sabi ni Holly na umiiyak na...

"Hindi ka sakin dapat mag sorry." Malamig na sabi ni Pia at nilayasan si Holly.


Lumipas ang mga araw ni-hi/hello walang natanggap si Mark kay Haneul, ayaw din mag pakita ni Haneul sakanya kaya wala syang magawa. Miss na miss nya na ang girlfriend nya...

"Mama? Bakit hindi dumadalaw si Dad dito?" Tanong ni Zia.

"Gusto mo ba ng cookies Zia?" Pag papalit ni Haneul sa topic na tanong ni Zia. Pumunta ito sa kusina at nag umpisang mag bake ng cookies.

May nag doorbell pero hindi ito narinig ni Haneul kaya naman si Zia ang nag bukas nito.

"Fish face." Sabi ng mahina ni Zia, ngumiti si Holly ng mapait.

"Sorry Zia for everything. Pwede bang tawagin mo ako Tita Holly o Ho--" hindi natapos ni Holly ang sasabihin nyang dumating si Haneul.

"Anong ginagawa mo dito? Wala dito si Mark." Sabi ni Haneul tsaka inutusan na pumasok ng kwarto si Zia.

"Gusto kitang makausap." Sabi ni Holly, tinigna sya ni Haneul sa mata. Mababasa sa mga mata ni Holly na sincere ito pero naiinis pa rin si Haneul sakanya. Nakita nya ang naka umbok na tyan ni Holly.

"Pumasok ka hindi makakabuti sa baby na nasa labas ka at mainit." Sabi ni Haneul na pinipilit iparinig sa boses nya na wala itong pake. Pinaupo nya sa sofa si Holly at umupo sa kabilang upuan kaya mag kaharapan sila ngayon.

"Ah. Sandali ikukuha kita ng maiinom." Sabi nito tatayo na sya sana ng hawakan ni Holly ang kamay nya. Pinaupo nya ito...

"Hindi kay Mark ang batang nasa tiyan ko." Sabi nya. Kumunot ng kilay si Haneul nag uumpisa na syang mainis.

"Bago ka mainis let me explain everything first. Hindi kay Mark ang batang dinadala ko, me and mark decided to remain friends we both decided na kalimutan ang nakaraan and start living for new life. Him with you and Zia and Me with my baby... If i would be given a chance to be with my baby." Medyo na gulat si Haneul sa narinig nya sa huling salitang nasabi ni Holly. Tinignan nya si Holly na makikita sa mata ni Holly na may iniinda itong sakit.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Haneul.

"May Ovarian cyst ako kailangang ma opera ito para maging ligtas ang panganganak ko. Pero kung hindi ito ma ooperahan, mabubuhay ang baby... Habang ako maliit ang chance na mabuhay. But well I already made my decision. Ipapanganak ko ng ligtas at malusog ang baby ko." Sabi nitong nakangiti habang nakatingin sa tiyan nya.

"And also I'm here to say sorry for everything katulad ng sabi ko kanina. Also... I want you to adopt my child if ever na hi--" hindi natuloy ni Holly ang sasabihin dahil sa niyakap sya nito. Naalala kasi ni Haneul ang ate Sol nya sa kalagayan ngayon ni Holly.

"Magiging ninang ako ng bata, magiging mag kumare tayo, kakalimutan ko lahat ng atraso mo lahat lahat. Mabuhay ka lang para sa baby mo at para sa friendship na mabubuo satin in the future. Maging malalas ka Holly." Sabi ni Haneul.

Ngumiti si Holly at hindi naiwasang maluha.

"Thank you." Tanging nasabi ni Holly.


"Hello?" Sagot ni Haneul sa tawag sa phone nya. Kakauwi lang ni Holly, at tumawag si Pia sakanya.

"Aalis si Mark! Flight nya mamayang 12!!! Nasaan ka ba?!" Sabi ni Pia sa kabilang linya. Tinignan ni Haneul ang orasan nya 10:30 na ng umaga pano nya pa ito mahahabol?

"Sandali hahabolin ko sya! Tangna nya tatakasan nya nanaman ako!" Sabi ni Haneul at binaba ang tawag kinarga nya si Zia na nag tataka kung bakit nag mamadali ang mama nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

POSITIVE ( + )Where stories live. Discover now