After 3 years

16 0 0
                                    

3rd Persons POV

Makalipas ang tatlong taon... Oo lumipas nga ang tatlong taon, totoong mabilis na nag daan ang araw, buwan at taon. Nakapag tapos na ng college si Haneul at Pia... sawakas. Nakapanganak ang ate ni Haneul, pero hindi ito naging maayos na panganganak. Dahil sa sabi nga nila... Pag may umalis may dadating na bago.

Tatlong taon na ang nakakalipas, nang ma diagnosed ang ate ni Haneul na may bukol ito sa matres, hindi ito cancerous pero ito ang naging dahilan ng pagkamatay nya. Minsan ng sinabi sakanya ng doctor nya na hindi sya pwedeng mag buntis dahil sa pwedeng maging kapalit nun, pwedeng ang buhay nya o ang bata sa sinapupunan nya. Tatlong taon na si Zia ngayon, lalake ang naging anak ni Sol. Lumalaki itong masayahin, malusog, at madaldal.

"Mama mama mama!!!" Sigaw ni Zia mula sa malayo, napag desisyonan ni Haneul na Mama ang itatawag sakanya ni Zia, at Mommy naman ang itatawag nito sa yumaong ina nya. Kahit na bata pa ito alam nyang wala na ang totoo nyang Ina.

"Oh bakit?" Tanong ni Haneul.

"Ngayon ako ipapasyal ni Gong Chan?" Tinignan sya ng masama ni Haneul. Ibig sabihin nun mali ang tawag nanaman nya kay Gong Chan.

"Okay fine. NI.NONG." diin nyang sabi.

"Diba diba diba?" Pangungulit nya na excited.

"Oo ngayon nga." Sabi ni Heneul. Tumalon talon naman sya Sofa.

Nakabili na ng bahay si Haneul, sakto para sakanilang dalawa ni Zia. Malaki naman ito, kompara sa apartment nila noon. May dalawang kwarto pero dahil sa bata pa si Zia, sakanya ito tumatabing matulog. Pag andyan si Pia para makitulog sya ang gumagamit nung isang kwarto. Pero ngayong wala si Pia may out of town business keme meeting sya, kaya walang gumagamit ngayon ng kwartong yun.

"Nasan na si Zia?" Tanong ni Gong Chan, kadarating nya lang. Kakatapos lang din gawin ni Haneul ang baon nilang dalawa.

"Here!!!" Sigaw nya mula sa itaas at tumatakbong bumaba ng hagdan.

"Aish! Pwede bang dahan dahan lang Zia?! Mahulog ka dyan! Mababasag ang bungo mo!" Sabi ni haneul sakanya. "Sorry" sabi nya.

"Ito ba ang baon namin?" Tanong ni Gong Chan.

"Oo. Ingatan mo si Zia ah. Baka malunod yan sa ilog! Papatayin kita Gong Chan pag may nangyare sakanya!" Pag babanta ni Haneul sa kaibigan nya.

Ngumiti naman si gong chan. "Akong bahala sakanya." Sabi ni Gong Chan.

"Enjoyin mo ang 3 days mong day off sa beach. Party all night... Ah at kung pwede sana. Sana. Mahanap muna ang poreber mo dun." Natatawang sabi ni Gong Chan.

"Sinong poreber?" Tanong ni Zia.

"Zia?" Taas kilay na tawag ni Haneul.

"Huwag sasali sa usapang matanda. Ninong lets gooo!!! Fishes are waiting for mehhh!!! Because i'm handsome." Excited nyang sabi. Nakamot ni Haneul ang ulo nya, naisip nya na baka mahangin ang tatay ni Zia.

"Oo na." Sabi ni Gong Chan.

"Oh sya na alis na kami." Sabi ni Gong Chan. Yumakap muna si Zia kay Haneul. "Enjoy your stay there mama. Ingat ~" sabi nito.



"Oo dala kona lahat." Sabi ni Haneul sa kabilang linya.

"Kita na lang tayo dyan ah!" Sabi ni Haneul kay Pia, si Pia kasi ang kasama nya sa 3 days vacation nya.

"Oh sya na mag iimpake na ako uli." Sabi niya sa kabilang linya. Habang kumukuha sya ng damit nahulog yung planner nya nung 4th year college sya. Dinampot nya ito at may nahulog na mga polaroid pictures na ngayon nya lang nakita.

Natulala sya ng makita nya na si Mark at sya ang nasa polaroid. Naka smile si Mark doon at sya naman nasa likod nakayuko tulog sya sa library. May mga nahulog pa, mga polaroid pictures na nung nakatambay sya sa library, sa garden, sa gym, sa classroom pag nakayuko sya.

Pinunasan nya ang mainit na likidong umaagos sa pisngi nya.

Tatlong taon na nga ang nakakalipas at ang buong akala nya nakapag move on na sya. Akala nya sa tatlong taon yun hindi nya naisip si Mark, sa tatlong taon na yun akala nya hindi na sya iiyak, akala nya ayos na talaga sya... Pero kung nakakamatay lang talaga ang maling akala. Malamang patay na sya ngayon, mabuti't hindi ito nakakamatay talaga.

Tinago nya na ulit yun, isa na lang ang nasa isip ngayon ni Haneul. Gusto nyang makita si Mark... Gustong gusto. Gusto nyang marinig ulit kung gano ito ka-yabang, kung paano sya mang asar, kung pano sya tignan ni Mark, kung paano ngumiti si Mark. Gusto nyang makita ang lahat yun... Pero, naisip nya wag na lang. Dahil masasaktan lang sya ulit.

"Ano ba tong iniisip ko?! Ayokong ma stress! Nakakabawas ng kagandahan, nakakalosyang pa!" Sampal nyang mahina sa mag kabilang pisngi.



"Ninong!!! I got one!" Sigaw ni Zia sa ninong nyang si Gong chan.

"Ninong look!" Sigaw nya uli, lumapit na si Gong Chan kay Zia at ng makita kung gano kaliit ang isdang nahuli nya...

"Ang laki diba?! I'm so proud of myself!" Proud na sabi ng bata.

"Papakawalan ko tong fishda na nahuli mo. Masyadong maliit." Sabi ni Gong Chan.

"Hindi natin toh maluluto." Binigyan sya ng shocked reaction ni Zia.

"No! Hindi mo sya kakainin! so mean!!! Ninong! Give me my fish!" Maingay na sabi ni Zia, at kinuha ang aquarium nya na maliit. "Put it here, aalagaan ko sya." Ngiting sabi ni Zia natawa na lang si Gong Chan na sumunod sa gusto ni Zia.


Nakarating na sa vacation resort si Haneul, hinihintay nya ngayon si Pia. Bumukas yung pinto ng kwarto nila.

"Pucha Haneul~" tiling sabi ni Pia, 3 months din silang hindi nag kita.

"Grabeh namiss kita!!!" Sabi nya habang yakap yakap nya ito ng mahigpit.

"Teka... Oh my gawd!!! Naka dress ka! Sandali i-myday ko -- *pak* ouch!" Singhal sa dulo ni Pia.

"Grabeh ka beshii di mo ba ako namish" nag gross make face lang naman si Haneul.

"Pabebe." Tsaka sila nag tawanan.

Nag bihis lang si Pia at lumabas sila ng kwarto ng hotel.

Nag punta sila sa isang beach bar, when i say beach pati yung mga literal bitch is everywhere din. Masyadong maingay ang bar which is hindi sanay si Haneul. Ang gusto nya lang sa mga oras na ito eh bumalik na sa hotel matapos makainom ng isang maliit na shot glass ng brandy. Hinanap ng mata nya ang kasama nya, nakita nya ito na may mga kausap na ibang group of friends. Lumapit si Haneul dun kahit na medyo nahihilo na.

"Pia? Balik na ako sa kwarto. Nahihilo na ako ey." Sabi ni Haneul na pasigaw.

"Okay sige. Samahan kita sanda--" umiling iling si haneul at sinabi na kaya nya na ang sarili nya. Ayaw nya din kasing makaistorbo sa kaibigan nya at sa iba pang kaibigan nito. Kahit na pagewang gewang na nag lakad sa hallway si Haneul nagawa nya naman na makarating sa kwarto nya.

Ibinagsak nya ang katawan sa kama, at ipinikit ang mata. Mga sampung minuto pa lamang ang nakakalipas ng ipikit nya ang kanyang mga mata... May kumatok sa pinto. Pagalit pa ang pag katok nito, na kinairita ni Haneul.

"Putangina nito babatukan ko toh!" Sabi nya tsaka tumayo kahit na nahihilo ulit nagawa nyang makatayo at mabuksan ang pinto.

"Punye--" hindi nya naituloy ang sasabihin nya ng makita nya kung sino ang gagong pagalit kung kamatok sa pintuan ng kwarto.

"Ma--" hindi nya natuloy ito ng halikan sya ni Mark. Tatlong taon... Tatlong taon ang lumipas pero ganun pa rin. Ganun pa rin ang nararamdaman nya para sa dati nyang professor, dati nyang crush, at first love nya. Hindi nya magawang pumalag sa init ng halik sakanya ni Mark. It was her first kiss yet she feel like she is the best kisser in the world. Lumalalim ang halik, na kanina ay forcefull kiss ngayon ay passionate yet lustful kiss na. Isinara ni Mark ang pinto ng kwarto. Hindi alam ni Haneul kung pano sila napadpad ng ganun kabilis sa kama. Bumaba ang mga halik ni Mark sa leeg ni Haneul. Dahilan para makaramdam ng bagong sensasyon sa katawan si Haneul...

At nangyare ang kinakatakutan ni Haneul.

POSITIVE ( + )Where stories live. Discover now