Red Tide

16 0 0
                                    

"Haneul! 8 na! Malelate ka nanaman nyan! Papasok na ako!" Rinig kong sigaw ni ate mula sa kusina, sa sala kasi ako natutulog. Maliit lang ang apartment na inuupahan namin. Hindi naman ako ritskid(richkid), kagaya ni Sopia at ng iba pa sa school ko, 23 years old na ako. 18 years old ako nung mamatay ang tatay ko sa sakit na puso, si mama naman 8 years old ako nung mamatay sya hindi kona maalala kung bakit sya namatay, pero sabi ni ate naaksidente daw si mama. Si Ate Sol na lang ang kasama ko sa buhay.

Kakatapos ko lang maligo pero, tamad na tamad akong pumasok. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

"Aalis na talaga ako." Sabi ni ate sabay yakap sakin at umalis na ng tuluyan.

Inipitan ko yung buhok ko matapos kong patuyuin ito. Pag labas ko ng bahay nasa labas ng bahay ko si Sopia.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Bes sabay na tayo pumasok." Sabi nya sabay tulak sakin papasok sa sasakyan.

"Bes bes. Balita ko sabay kayong umuwi ni SIR Tuan kagabi." Nag papacute na sabi nya sakin. Tinulak ko yung mukha nya na malapit masyado sakin.

"Wala kasi akong payong kaya sumabay ako." Sabi ko sakanya.

"Ohhh ganun ba. Sakanya ba coat yan?" Turo nya sa paper bag na dala ko.

"Oo. Ibabalik ko." Sabi ko sakanya

"Anong na feel mo kahapon? Wala ka bang-- aray!" Sigaw nya.

"Manong naman dahan dahan lang." Reklamo nya. Biglang preno kasi yung sasakyan.

"Sorry po ma'am. May dumaan kasing bata eh." Sabi ni manong.

Pag dating sa school nag elevator kami gawa ng sobrang sakit ng likod ko. Nakaka stress ng bangs tong likod ko.

"Bat ba sumakit yang likod mo? Ano pasan muna ba ang mundo?" Corny na tanong ni Pia sakin.

"Hindi ko din alam." Sabi ko.

"Omo?! Pano kung may multo pala na nakasabit sayo? Napanood ko yun-- aray!" Reklamo nya sa ginawa kong pag hampas sakanya.

"Hindi toh katulad ng kdrama na pinapanood mo. Kaloka ka. Bilisan na natin mag lakad."

Habang nag tuturo yung prof namin, meron akong naramdaman na beri beri uncomfortable feeling. Alam nyo yun? Yung masakit yung likod ko tapos may feeling ako na may red tide ako! Kinuha ko yung bag ko para tignan kung may dala akong pads...

At pag malas ka nga naman! Jusko. Ano ito? Bakit parang may basa?! Tangna! Meron nga ata ako!!!

Jusko. Pano ko ba papabilisin itong klase na toh? Ma'am wag ng madaming palabok sa discussion! Jusko baka may tagos na ako! Kingna malaking kahihiyan pag nangyare! Malamig na yung pawis na lumalabas sakin!

"Okay. Class dismiss." Pag kasabi nya sa magic word eh, binulungan ko si Pia na bilhan ako ng pads dahil sa malakas talaga ang kutob ko.

Pag pasok ko sa banyo agad kong tinignan at pucha positive.

May narinig akong footsteps sa loob.

"Bes? Pucha bes positive!" Sabi ko na kunyare umiiyak... Pero walang sumasagot.

"Bes?" Tawag ko ulit.

"Ano?" Rinig kong sagot, ng isang boses... Boses lalake! Halos ma shoot ako sa inodoro sa sobrang gulat... Feeling ko lalo akong lumiit sa boses na narinig ko... Pero maliit lang naman talaga ako pero lumiit ako lalo! Bakit lalake yung sumagot?! Puta! Banyo ba toh ng mga lalake? Naiyak na ako ngayon totoo na akong naiiyak gawa ng kahihiyan! OA na kung OA pero kasi tangina ang tanga ko diba?! Pano na ako lalabas dito? Dito na ba ako mamamatay? Cause of death eh naubusan ng dugo tapos mag mumulto ako? OA kona! 

POSITIVE ( + )Where stories live. Discover now