Rooftop tennant

11 0 0
                                    

Haneul's POV

Vacant ko ngayon sa school, kakagising ko lang mag didilig kasi ako. Wala din si ate kaya lumabas ako para silipin kung nasa labas sya at nakita kong may buhay syang paso na may roses.

"Ateeeee!!!" Sigaw ko.

"Ibaba mo yan ako na mag lilipat nyan saan mo ba dadalhin yan. Mabigat yan!" Sigaw ko, ibinaba nya naman iyon. Nung bubuhatin kona...

Biglang dumating si Mark.

"Good morning, ako na." Tsaka binuhat yun. "Saan ko ba dadalhin ito?" Tanong nya.

"Sino sya?" Tanong ni ate sakin.

"Prof ko sa isang subject." Sagot ko.

"Ah dito na lang po." Turo ni ate sa tabi ng pinto namin.

Pag katapos nun nag paalam si ate na papasok muna sya sa loob para kumuha ng maiinom. Naka pamewang naman ako, at masama ang tingin sakanya.

"Napadaan lang ako dito. Kasi ibibigay ko tong ichecheck mo. Nakita ko kasi schedule mo na vacant mo ngayon. Aalis na ako.bye." sabi nya, tsaka umalis na nga talaga. Hindi ko maiwasang mapailing at matawa sa ginagawa nya.

"Nasan na yung manliligaw mo?" Nilingon ko si ate na may derp face sa mukha. "Este professor mo?" Sabi ni ate.

"Umuwi na sya, dinala nya lang tong ichechek ko. Student assistant nya kasi ako eh."

Pag katapos kong icheck yung papel, pumasok ako sa cafe. Katulad nga ng nangyare at napag usapan nung sinasabi nila na boyfriend ko daw. Dito na talaga sa counter ang pwesto ko.

"One hot chocolate please." Sabi nung umorder sakin. Tinitigan ko sya... Sya yung lalake nung isang gabi.

"Oh dito ka pala nag tatrabaho?" Sabi nya. Ngumiti naman ako, mukha talagang anghel ang isang to.

"Anong name mo pala?" Tanong ko kailangan kasi yun para sa cup nya.

"Gong Chan." Ngiti nyang sagot, pag katapos kong maibigay ang order nya umupo sya. Hindi ko maiwasang hindi sya tignan. Nung umuwi na sya nag paalam sya sakin, na aalis na daw sya. Ngumiti naman ako ulit, pauwi na din ako nun. Kaso hindi ko naman pwedeng sabihin na sabay na kami kasi nakakahiya.

"Ate nakita ko yun." Siko nung kasama ko sa trabaho.

"Crush lang naman yan. So okay lang, kaya hindi kita isusumbong sa boyfriend mo pag nag punta sya dito." Sabi nya.

"Wala akong boyfriend." Sabi ko. Pero kinukulit nya pa rin ako na meron, at gwapo daw ito. Kaloka.

Pag uwi ko sinalubong ako ni ate ng isang jar ng raddish kimchi.

"Eh? Anong gagawin ko dito?"

"Ibigay mo sa bagong tenant sa taas." Sabi nya.

Sinunod ko naman sya, pag akyat ko kumatok ako. Pag bukas ng pinto isang pamilyar na imahe ng lalake ang tumambad sakin! Isang lalake na kakatapos lang maligo, hindi naman sya naka half naked churvah chuchu... Pero naka sando sya at basa pa ang buhok nya! Base sa nakikita ko, kakatapos lang maligo ni Mark. Oo si Mark nga!

"Oh? Titigan mo lang ba ako?" Tanong nya.

"Ha? Hindi. I mean, ano ikaw pala ang bagong rentering nitong rooftop." Pucha wait! Did i just say rentering? Kingna! Ano nanaman bang kabobohan ang pumasok sa utak ko.

"Hahahahaha..." Tawa nya. Oo yung tawa nya hindi na mabili kingna nya.

"I'm the new TENANT." Diin nya.

"Pucha. Ano oo nga tenant talaga ang ibig kong sabihin eh. Ano ba! Huwag ka ngang tumawa!" Palo ko sa braso nya.

"Pinabibigay ng ate ko." Aalis na sana ako ng hilain nya ako malumanay... Teka may hila ba na malumanay. Pero basta yung pag kakahila nya sakin may halong pag iingat hindi lang basta hila. Niyakap mya ako, dahilan para maamoy ko sya, at mabasa ako gawa ng tubig nya sa katawan dahil nga galing sa ligo.

"Ano ba?" Sabi ko tsaka pinipilit na kumawala sa yakap nya.

"Sa susunod talaga hahalikan na kita pag pinalo mo pa ako. Sa ngayon yayakap muna ako." Sabi nya tinulak ko sya, tsaka ibinigay sakanya yung radish kimchi.

"Iyan ang yakapin mo! Manyakis ka!" Sabi ko tsaka bumaba. "Good night!" Rinig ko pang sigaw nya.

Pag pasok ko sa loob ng apartment.

"Oh? Bat pulang pula ka? Kinain mo ba yung pinadala ko kaya ka natagalan? Pawis ba yan o tubig?" Sunod sunod na tanong ni ate.

"Hindi. Nakakainis. Lumipat na tayo ng bahay!" Iyon na lang ang nasabi ko sa inis.

Paikot ikot ako sa higaan ko, hindi kasi ako makatulog. Iniisip ko yung ginawang pagyakap sakin ni Mark kanina. Lumabas ako ng bahay tsaka umupo sa bench sa labas ng bahay namin. Humiga ako dun, at ngayon nakaharap na ako sa langit. Bilog yung buwan, ang daming stars, pero bakit parang itong isang toh eh ang lapit sakin? Ngumiti sya, oo tao yung tinutukoy kona star.

"Bakit hindi ka pa tulog?" Tanong nya.

"Hindi pa ako inaantok." Sagot ko. Hindi ko alam kung nagbkakarinigan ba kami nito, dahil sa pabulong lang naman eh.

Nag ring yung cellphone ko sa loob, dahilan para pumasok ako. Pag pasok ko may tumatawag sakin pero number lang yun. Simagot ko ito...

"Hello?" Sagot ko.

"Matulog kana." Sabi ni Mark, oo hindi ako pwedeng mag kamali si Mark ang kausap ko.

"Hindi pa nga ako inaantok eh!" Sagot ko.

"Humiga kana, i lock mo muna ang pinto bago ka humiga." Palihim kong sinunod yung sinabi nya.

"Bakit hindi ka pa inaantok?" Tanong nya. Iniisip kita?

"Ewan ko." Sagot ko. Ewan ko kung bakit kita iniisip!

"Sorry." Sabi nya.

"Mark? Ikaw ba yan? Hello is this mark tuan?" Sabi ko.

"Hahaha. Nag sosorry ako kasi niyakap kita kanina. Hayaan mo sa susunod kiss--"

"Papatayin ko toh!" Pag babanta ko.

"Joke lang. Pero seryoso sorry talaga, hindi ko maipapangako na hindi mauulit yun dahil sa masakait talaga ang hampas mo." Sabi nya.

"Well anyways, ikwento mo kung anong ginawa mo ngayon hanggang sa makatulog ka." Sabi nya sa kabilang linya.

"Anong inisip mo o binalak mong gawin?"

"Hm... Madami eh." Sabi ko.

"Kindly enumerate them, bigyan kita ng plus direct to the card. Hahaha." Pinipigilan ko ang tawa ko.

"Iniisip ko yung mga magiging gastosin namin, yung magiging future ko namin ni ate. Basta madami." Sabi ko.

"Hindi mo man lang ako inisip? Samantalang ako iniisip kita mag hapon. Iniisip ko kung pano kita tutulungan, pano tayo magiging close..." Halos hindi kona sya marinig dahil sa inaantok na ako.

"Grabeh ka naman, wag muna ako isipin ayos lang ako." Inaantok kong sabi.

Narinig kong nag salita pa sya pero nakatulog na ako.

POSITIVE ( + )Where stories live. Discover now