Haneul's POV
Dalawang buwan na simula noong maging kami ni Mark. Ayos naman ang relasyon namin, kaso may gulo minsan lalo na pag nakita mo tong babaeng toh sa grocery.
"Bakit may basura sa loob ng grocery?" Bungad nya sakin hindi ba naman masarap hampasin ng basket.
Dadaanan ko lang sya sana kaso hinigit nya ang braso ko.
"This is not the end. I'll get what is mine!" Diin na sabi nya.
"Edi kunin mo. Kung makukuha mo, bitawan mo nga ko." Sabi ko sakanya binitawan nya naman ako kaso patulak mabuti at hindi ako naupo sa lakas ng tulak nya kundi ewan kona lang talaga.
Nag laban kami ng tingin ng biglang dumaan si Zia sa gitna namin.
"Mama lets go. I smell something fishy here ang baho." Sabi ng pamangkin ko tsaka hinila ako.
Pag uwi namin nasa bahay si Pia umiiyak sya. Umiiyak ba sya kasi dalawang Linggo ng hindi nag papakita si Gong chan samin?
"Anyare sayo?" Tanong ko sakanya pag baba ko sa mga gamit na pinamili ko. Nanonood sa sala si Zia lumapit ako sakanya nakita ko na may hawak sya PT.
"Pregnancy test?" Napansin kona dalawang guhit ito. Bakit nya iniiyakan yung PT?
"Buntis ako." Umiiyak na sabi ni Pia. Parang nakalunok ako ng bato sa sinabi nya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung itatanong ko kung sino ang ama ng bata kung anong nangyare?
"Si Gong Chan ang ama." Nanlaki yung mata ko.
"At mukhang wala syang balak na panagutan toh." Sabi ni Pia.
"Teka pano mo nalaman na buntis ka? I mean bakit pano nangyare? May relasyon kayo ni Gong Chan?" Tanong ko.
"Walang kami pero may nangyare samin. Tatlong buwan na ang nakakalipas." Napa nganga ako sa sinabi nya tatlong buwan eh halos nitong buwan lang sya namalagi dito sa bansa.
"Nung araw na bago ako umalis. Gusto ni Dad na mag pakasal na ako para sa business purposes nag paka lasing ako tapos tinawagan ko si Gong Chan. Tapos pag gising ko ng umaga..." Yumuko sya tsaka sumigaw.
"Mahal kona sya eh! Bakit ngayon nya pa ako iniwan?!" Alog sakin ni Pia. Mahal? So na fall sya ng hindi ko napansin?
"Nag confess lang ako sakanya na may gusto ako umalis na sya. Pano pa kaya pag nalaman nya tong nasa sinapupunan ko?" Yumuko ulit sya tsaka sumigaw. .
"Baka lalo nya na akong iwan." Umiiyak na sabi ni Pia.
"I'm home." Sabi ni Mark. Yumakap naman agad si Zia sakanya at kinuha ang pasalubong ni Mark. Nakita nya ako na naka tayo sa may sala. Niyakap nya naman ako ng mahigpit. "I miss you." Bulong nya sakin.
"Para namang hindi tayo mag kasama kagabi." Sabi ko sakanya binulong ko sakanya na umiiyak si Pia sa garden. Dumaan ito sa likod ng kusina at sinabi ko na sundan nya.
"Mukhang alam kona ang dahilan ng pag ngawa ng damulag na yun." Sabi ni Mark na natatawa. Hinalikan nya muna ako sa noo bago sya nag punta sa likod bahay.
Habang nasa kusina ako iniisip ko kung san nag punta si Gong Chan. Lumapit sakin si Zia at iniabot ang isang chocolate sakin.
"Mama you need this it is good for the baby." Sabi ni Zia.
"Baby?" Sabi ko sakanya.
"Ninong said na may baby kana mag kakaroon na ako ng kapatid." Gago talaga ang Gong Chan Shik na yun! Teka... Bakit hindi ko nga tanongin tong si Zia. .
"Zia come here." Tawag ko sakanya tsaka pinalapit sa sala.
"Yes mama?"
"Alam mo ba kung nasaan ang ninong mo?" Tanong ko sakanya. Sumubo sya ng chocolate tsaka tinignan ako at hindi nag salita sa halip mabilis na umiling.
"Zia?"
"Hindi ko alam mama. But ninong said he'll be back because this is not the end." Sabi nya sakin. Nasapo ko yung noo ko naging okay na kami ni Mark si Pia at Gong Chan naman ngayon ang magulo.
The next day ~
Kumakain kami ng almusal ng biglang tumakbo papuntang banyo si Pia. Morning sickness iyon ang naisip kong sagot sa nangyayare sakanya. Inabutan ko sya ng tubig...
"Part of my pregnancy." Sabi nito na mukhang anomang oras ngayon eh iiyak nanaman sya. Ngumiti lang naman ako tsaka sya niyakap.
"Babalik sya mag tiwala ka sakanya." Sabi ko sakanya.
Nag punta kami sa clinic para ipa check up sya kung anong lagay ng baby sa tiyan nya. Ayon sa findings ng doctor ayos naman ang baby.
"Mama? Mag kakaroon na ako ng kalaro." Sabi ni Zia sa gilid ko. Ngumiti ako bilang sagot sakanya lately napapadalas ang pag kikita namin nitong si Holly.
Nakita kong kagagaling nya lang sa consultation room... Teka buntis sya? Kunot noo kong tanong sa sarili ko. Naka smirk ito, yung bitchy smirk inirapan ko lang naman sya. Tsaka tumalikod sakanya at nag umpisang mag lakad para pumunta sa pharmacy bibilhim ko yung mga vitamins na kailangan ni Pia.
"Dad!" Sigaw ni Zia sabay tumakbo papalapit kay Mark. Papanong nalaman nito na andito ako?
"Dad what are you-- fish face?" Sabi ni Zia.
"Hey Zia ~ its Holly to be exact." Sabi nito. Teka nga ano bang nangyayare dito?
"Bat mag kasama kayo?" Tanong ko kay Mark.
"Let me explain babe." Ayan may kasalanan na sya isang babe nya lang lalambot na ako!
"Explain? Wait. Don't tell me buntis si Holly at ikaw ang ama." Sabi ko. Pucha! Lakas naman maka telebabad sa tanghali nito.
"So what if I am?" Sabat nito. Halos gumuho ang mundo ko... Kinarga ko si Zia at tumakbo pa alis ng ospital.
Akala ko okay na kami eh, kami na eh! Ayos pa kami kahapon tapos bakit?! Siguro hindi talaga para sakin si Mark.
YOU ARE READING
POSITIVE ( + )
Fanfiction"I'm POSITIVE." "This must be love." "Hindi! Gutom lang yan!"