Absence Makes the Heart...

5.3K 107 65
                                    

Nang dumating si Sarah sa kanilang apartment ng gabing iyon ay dinatnan n’ya ang kanyang bestfriend na kumain sa sala habang nanonood ng TV. “Hi sis!” ang masayang bati n’ya.

“Wow, parang iba ang aura natin tonight ah? Anyare? Nagkita ba kayo ni boypie?”

“Boypie ka d’yan. Hindi pa nga nanliligaw eh.”

“Waaaaah! Sis, ano ‘yang mga salitang lumalabas sa bibig mo? ‘Wag mong sabihing may gusto ka na rin sa kanya ha.”

“Hindi ko alam. Siguro. Kasi….”

“Oh my! Waaaah! Siiiiiiiis! Inlavey ka na ulit!”

“Aray naman! Ang sakit naman sa tenga n’yang tili mo.”

“Sorry naman. Excited lang talaga ako sis. So ano?”

“Hindi ako sigurado sis. Pero kasi kanina nung nakita ko s’ya iba ‘yung kabog ng dibdib ko eh.”

“Naku sis, parang nararamdaman kita ah. Hindi ko pa man s’ya nakikilala eh kinikilig na ako para sa inyong dalawa. Anong nangyari kanina? S’ya ba ang naghatid sa ‘yo pauwi ngayon? Bilis na. I want details.”

Umupo muna si Sarah sa tabi ng kaibigan bago nagsimulang magkwento. “Di ba nabanggit ko sa ‘yo na may talent show kami? Kanina nagpractice kami. Nung nasa stage na kami ni Edwin, doon ko napansin na nanonood pala si Gerald. Medyo malayo yung upuan n’ya from the stage pero alam ko agad na s’ya ‘yun. At alam mo sis, parang bigla akong kinilig at na-excite. Siguro nga may crush na ako sa kanya.”

“Crush?! Ano ka high school?!”

“Eh ano ba ang tawag mo dun? Hindi naman pwedeng love agad. Like pa siguro. Pero love hindi pa siguro.”

“O sige na nga… crush, like. Bahala ka na kung anong term ang gusto mong gamitin pero ang importante ay finally you are moving on. You are letting somebody else in. Hindi ko na kailangan mamroblema kung anong gagawin ko sa ‘yo ‘pag nag-asawa na ako,” her bestfriend joked.

“At talagang ‘yun ang problema mo!”

“Oo sis ‘no! Iniisip ko na nga na kailangan may sarili kang bedroom sa bahay namin ng asawa ko. Pero kalimutan mo na ‘yun. Kailangan magfocus tayo dito sa budding lovelife mo. Kailan ko ba makikita ang mystery guy na ito? Excited na ako sis.”

Chances AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon