Nakaupo pa rin si Sarah sa sofa makalipas ang ilang minuto matapos makaalis si Gerald. Nag-iisip.
“Sis?” ang malumanay na sabi ni Angel. “Okay ka lang?”
She looked at her friend and answered, “Oo naman. Masakit pa rin yung tuhod ko pero siguro bukas okay na ako.”
“Ano ba kasi ang nangyari sa ‘yo?” ang tanong n’ya habang papaupo sa tabi ng kaibigan.
“Natisod nga ako.”
“Bakit ka nga natisod? Sabi mo magkausap kayo kanina sa phone tapos may sinabi s’ya kaya ka natisod. Anong sinabi n’ya?”
“Sis, he said he loves me.”
“OMG! Sis! Ito na ‘yun o!”
“Sis natatakot ako.”
“Ha? Saan? Sa kanya, kasi mahal ka n’ya?”
“Siguro. Hindi ko alam.”
“Ano bang nasa isip mo?”
“Hindi ba parang maaga pa?”
“Alam mo, wala naman ‘yan sa kung maaga o late. Ang importante ay he was man enough to admit that he loves you at kahit alam n’yang he’s risking your friendship, he still told you how he feels about you.”
“I visited Luis this morning. I asked permission from him. I asked for a sign kung pumapayag ba s’ya kay Gerald.”
“And?”
“Sis, I got the sign. Binigay n’ya kaagad.”
“’Yun naman pala eh. May blessing naman na pala. Bakit ka pa hesitant?”
“Pwede ba ‘yun sis? Mahal na n’ya ako agad? Kasi yung sa amin ni Luis medyo matagal din kami naging magkaibigan muna bago n’ya ako niligawan. Eh bakit kay Gerald ganito?”
“Case to case basis naman ‘yun sis eh. Atsaka mapipigilan mo ba ang sarili mo na mahalin ang isang tao?”