“Gaano ka katagal doon?” Sarah asked with pouted lips.
It was one of those nights when Gerald and Sarah would just hang out at her house after eating dinner together. Dito binanggit ng binata ang nalalapit na business trip nito.
“Four days lang naman. Please don’t do that.”
“Ang alin? Nagtatanong lang naman ako ah,” she replied still with a pout.
Hinawakan ni Gerald ang mukha ni Sarah at dahan-dahang iniharap sa kanya. “’Yang gan’yan. ‘Yang nakasimangot ka. Ang cute mo kasi masyado eh. Ang hirap magpaalam sa ‘yo.”
“Hindi naman ako nagpapacute eh. Nalulungkot lang ako.”
“Stop it already. Baka mamaya biglang i-cancel ko itong business trip ko. Sige ka, ikaw ang may kasalanan ‘pag hindi na-close ito.”
“Sige na nga. Hindi na,” ang parang nagmamaktol na bata na sabi ni Sarah.
Itinaas ni Gerald ang ulo ni Sarah para mahalikan n’ya ito. He intended for it to be a short kiss but when he felt her responding more than he had expected, it escalated to heated exchanges. Sarah wrapped her arms around his neck while Gerald’s hands slid down to her waist. Their tongues continue to battle until he felt her move her body to straddle him. Nagulat at natigilan si Gerald sa ginawa ni Sarah. Nang buksan n’ya ang kanyang mga mata ay nakita n’yang nakatingin sa kanya si Sarah. In her eyes he saw love and longing, samantalang ang mga mata naman ni Gerald ay nagtatanong.
“Love?” he said.
Ilalapit na sana muli ni Sarah ang kanyang labi Gerald nang marinig nila ang malakas na boses ni Angel mula sa labas ng bahay. Dali-dali silang nag-ayos ng sarili at umupo ng maayos. They acted normal nang makapasok si Angel at ang bisita nito sa loob ng bahay.
“Hi sis! Hi Ge!” ang bati ng kaibigan sa kanila. “Sarah and Gerald, this is my friend Don. Don, si Sarah ang bestriend at housemate ko at si Gerald naman ang boyfriend n’ya.”
Tumayo si Gerald upang makipagkamay sa bisita. “Pare, have a seat. I don’t mean to be rude but I am actually on my way out. Kaya maiwan na kita dito. I hope to see you again some other time,” Gerald said.
“Sige pare, it was nice meeting you,” ang sagot naman ni Don.