If it Rains and Pours

5.1K 95 30
                                    

That weekend nagdesisyon si Sarah na bisitahin ang puntod ng dating kasintahan…

“Hello Mahal. Nandito ulit ako. Sorry kung ngayon lang ulit ako nakadalaw dito. Alam mo namang very busy ako these past few days di ba? Mahal, nagpunta ako ngayon kasi gusto talaga kita makausap. I know you are still watching over me at nakikita mo kung anong nangyayari sa akin araw-araw. Mahal, sana ‘wag ka magalit sa akin when I tell you that I think I’m falling for another guy. His name is Gerald Anderson. Guardian s’ya ng isa sa mga students ko. Telling from his relationship with his niece, mukhang mabait naman s’ya at responsible. Sabi ni Angel may gusto daw sa akin si Gerald pero hindi ako naniwala. Alam mo naman how dense I am when it comes to these things. We got to spend time together sa isang retreat at feeling ko naging close kami. Hindi pa naman s’ya nanliligaw o nagsasabi ng kung ano sa akin pero may times na nagpaparinig s’ya. Mahal, alam mo naman kung gaano kita kamahal di ba? At kahit kailan ay hindi kita makakalimutan. You will always have a special place in my heart. Pero Mahal, ngayon magpapaalam ako sa ‘yo. Kung sabihin ni Gerald sa akin na liligawan n’ya ako, bibigyan ko s’ya ng pagkakataon ha.  Ha… ha… grabe, assuming na ako. Alam mo ang ganda ng pakiramdam ko ‘pag kasama o kausap ko s’ya. Napapatawa n’ya ako. Ang tagal ko na ring hindi nakakatawa… ‘yung totoong tawa na ramdam na ramdam mo ang kasiyahan. I also feel safe when I’m with him. And for some reason I feel like I can tell him everything. Sobrang bait, caring at thoughtful n’ya sa akin. Mamayang hapon s’ya dadating from his business trip. Sabi n’ya when he gets back, lalabas daw kami. Kakain daw kami sa Chinese restaurant pagbalik n’ya. Chinese, Mahal! You know how much I love Chinese food.” Tumahimik nang panandalian si Sarah na may ngiti sa mga labi. The next words she uttered were, “Mahal, since alam kong you are still watching over me, sana bigyan mo naman ako ng sign that you approve of him. Paano nga ba? Uhmmm…. Alam ko na! If it rains ibig sabihin okay s’ya para sa ‘yo. Pwede ba ‘yun ha, Mahal? Ha?”

********

That same day, in the afternoon, Gerald was waiting for the boarding of his flight back to Manila when he decided to call Sarah.

“Hello. Kamusta naman ang prinsesa ko?” he said.

“Ha… ha… ha! Talagang pinaninindigan mo na ‘yang prinsesa na ‘yan ha.”

“Of course! Sabi ko naman sa ‘yo ikaw ang prinsesa ko di ba?”

“O s’ya, sige na. Bahala ka d’yan.”

“So, are we still on for tonight?”

“Tonight? Anong meron?” ang pagkukunwaring tanong ni Sarah.

“Di ba sabi ko pagbalik ko d’yan we’re going out for dinner?”

Chances AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon