Pumasok si Sarah sa loob ng bahay na parang pagod na pagod. Umupo s’ya sa sofa sa tabi ng kanyang kaibigan na nanood ng TV sa sala.
“Anyareh sa ‘yo?” ang tanong nito.
“Galing ako sa hospital. Binisita ko si Gaile.”
“Gaile? As in pamangkin ni Tisoy?”
“Oo.”
“Bakit? Anong nangyari?”
“Pneumonia daw. Pero okay na s’ya. Naagapan naman daw.”
“Kamusta naman si Tisoy?”
“Ayun, mukhang sobrang problemado at parang hindi pa natutulog.”
“Eh bakit hindi mo sinamahan muna? Bakit hindi ka nagpakasupportive girlfriend doon?”
“Wala naman akong karapatan. Hindi naman ako girlfriend. And he didn’t want me there.”
“Ano?! Parang imposible yata ‘yang sinasabi mo ah. Parang hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya.”
“Pwes maniwala ka. Totoo ito. He didn’t want me there.”
“Baka naman pagod lang talaga. Syempre nakakastress naman ‘yung mag-alaga ka ng may sakit. Try to understand him.” Sarah didn’t say anything anymore. At matapos ang ilang minutong katahimikan ay tumingin si Angel sa kanyang kaibigan na nakitang parang malalim ang iniisip. “Huy! Anyareh sa ‘yo? May problema ba?”
“Wala sis.”
“Ows? Eh bakit ganyan ang itsura mo? May nangyari ba sa ospital? May nangyari ba sa inyo ni Tisoy?”
After a few more moments of quiet, she started opening up, “Alam mo sis sa konting panahon na nakilala ko si Gerald, ngayon ko lang naramdaman na hindi pala talaga ako parte ng buhay n’ya. That I am still an outsider.”
“Bakit, ano bang nangyari?”