If There's Will, There's a Way

5.1K 112 58
                                    

“Wala pa akong isang araw nawawala meron na agad umaaligid. Paano naman ‘yun? Kailangan makaisip ako ng paraan,” ito ang sinabi ni Gerald sa sarili pagkatapos nilang mag-usap ni Gaile. Pagkasakay n’ya ng service car na pinahiram sa kanya ng kumpanya na kausap n’ya ay kinuha n’ya ang kanyang cellphone at nagtype ng message for Sarah: Hi Princess! Busy ka ba tonight?

Edwin was already inside Sarah’s office when Gerald sent his message. Nagulat si Sarah nang tumunog ang kanyang cellphone at napangiti nang makitang galing sa binata ang message. Napansin naman ng kaharap na binata ang pagliwanag ng mukha n’ya.

“Uy mukhang good news ‘yang natanggap mo ah. Ang laki kasi ng ngiti mo eh,” ang sabi nito.

“Ha? Ah, can you give me a sec? I just need to reply to this message.” Nang tumango ang kausap ay nagtuloy na si Sarah sa pagcompose ng sagot: Princess? Saan naman nanggaling ‘yun? I’ll text you in a while. May kausap lang ako ngayon dito sa office ko. I’ll text you as soon as we’re done talking.

Muli na naman napakunot ang noo ni Gerald dahil alam n’yang ang kausap na sinasabi ni Sarah ay ‘yung teacher na kinwento ni Gaile sa kanya  pero alam n’yang wala naman s’yang magagawa tungkol dito. He didn’t want to push it and turn to a possessive boyfriend kahit hindi naman. Ito ang isa sa mga bilin ng pamangkin sa kanya. He turned on the engine of the vehicle and drove himself to the hotel, where he will be checking in.

Meanwhile, Edwin was about to ask Sarah to go to dinner with him when they heard another knock on her door. Gaile was on the other side of the door.

“Ms. Sarah may kaunting problema po kasi ako eh,” Gaile said when she was allowed to enter.

“Ano ‘yun Gaile?”

“Nagkaproblema po ‘ata ‘yung sasakyan namin, hindi pa ako masusundo ng driver. Si Tito Fred naman po ay may meeting daw until 6 so he can’t pick me up agad. All my friends have gone home already. Hindi po kasi ako masyadong marunong magcommute. Okay lang po ba kung sumabay ako sa ‘yo pauwi? Pero okay lang po kung may pupuntahan pa po kayo. Uuwi na lang po ako mag-isa. I’ll just have to brave it.”

“Actually wala naman akong lakad. Sige hintayin mo lang ako tapos I’ll bring you to your Tita Fred’s house.”

“Are you sure? I hope I am not intruding.”

“Of course not. Okay lang ‘yun. Basta just wait for me.”

“Thank you talaga Ms. Sarah. Sige po, hihintayin ko na lang po kayo sa baba. I’ll tell Uncle Dada that he doesn’t have to worry about me anymore. Thank you po ulit.”

Chances AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon