Chapter One

527 10 5
                                    

"Sa isang madilim at malungkot na kuwarto, mabubuhay ang mga kwento..."

- - - - - - - - - - - - - - - -

"Ate!"

"Ano?," tanong kong nakakatuliling.

Lunes ng umaga, unang araw ng klase.

"Halika na. Late na tayo!," pagkakasabi niya. Si Darlo, ang nakababata kong kapatid ay nasa Baitang 4 na. Makulit na bata pero kahit ganoon siya, mahal na mahal ko ang kapatid kong ito...

"Oh siya. Aalis na tayo. Ma, Pa, alis na po kami."

"Sige, mag-iingat kayo ha."

Handa na sa eskwela. Bagong kaibigan, bagong buhay. Challenging ang bawat tagpo. First time mag-commute dahil wala ng service, first time tumawid ng kalsada... hanggang umabot sa prestihiyosong unibersidad.. may elementary, high school at college.

Malaki ang University of Mary Magdalene. Sosyal ang lahat ng estudyante. Violet ang trademark ng school kaya ang school uniform.. violet.

"Oh, ihahatid na kita sa building mo."

"Sige, ate."

Ang elementary building ay hindi ganoon kalayo sa building namin. In fact, aabutin ka lang ng 2-3 mins. kung lalakarin ito mula doon.

"Pakabait ka ha," pagkasabi'y sabay kiss..

"Okay ate. Kita kits na lang."

Naihatid ko na siya. Ako naman ngayon. sa High School Department na tayo.

Habang naglalakad, parang may kung sinumang nakatawag ng pansin ko. Sumisitsit siya, sabay ang lingon ko.

"Darlene!," sigaw niya.

Aba, ang 'kuya' pala, I mean, di naman talaga 'kuya.' Tawagan lang namin.

"Ui, Aisac, ikaw pala. Ba't ang aga mo? Ayiee.. Nagbabagong-buhay..!"

"Ala naman. Trip ko lang pumasok ng maaga. Magka-section pala tayo no? Ikaw, bakit ka rin maaga?"

Si Aisac ay naging kaklase ko na nung first year. Magaling mag-drawing tsaka sporty. Yun nga lang, antukin siya talaga.

"Section Kamagong, di ba? Katuwa, sana classmates pa rin natin yung iba no? Maaga ako kasi hinatid ko pa yung kapatid ko."

"Ah. First year na?," tanong niya.

"Ala pa siya sa high school. Grade 4 pa lang."

Nagpatuloy lang ang kuwentuhan. Maya-maya'y dumating naman si Charlie, ang nerdy-type naming classmate noong first year pa lang kami.

"Hello. Magandang umaga," ang bati niya.

"Hi!," sabay bati naman namin ni Aisac.

Dahil nerdy-type nga, pagkatapos bumati ay nagbasa na ng pagkakakapal-kapal niyang libro.

"Balita ko Narra daw siya," bulong ni Aisac. "At hula ko pa ala iyang ginawa kundi magbasa noong bakasyon."

"Siguro nga."

Marami na'ng nagsisidatingan. May mga dating classmates na kaklase pa rin namin hanggang ngayon at mayroon ding mga bagong mukha.

Dito na magsisimula ang bagong buhay bilang isang 4th year student...

[Novel] High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon