"Huwag kang mabulag sa maling akala.."
- - - - - - - - - -
Marc's POV
"Ano na naman kaya ang problema nu'n?" tanong ko kay Darlene.
Naguguluhan ako sa kanya. Bakit ba siya ganoon? Maayos naman kami kapg magka-text kami...
Naroong sermunan ako ng best friend niyang si Darlene sa tambayan namin malapit sa principal's office.
"Ano ba kasi ang sinabi mo o ginawa mo at ganoon na naman ang mood niya?"
"Wala naman akong ginagawa e, tingnan mo nga't nag-aalala pa ko kasi hindi pa siya kumakain.."
"Nako, e ganu'n naman talaga iyon. Kapag ayaw niya, ayaw niya."
"So.. ayaw niya sa 'kin??," mariin kong tanong.
"Hindi no. Don't jump into conclusions too fast. Hay nako, teka nga. I'll go and talk to her first. There are times na naguguluhan siya about sa inyong dalawa e. Nasa'n na kayo yu'n? Akala ko nauna siya bumalik?," sabi niya, sabay talikod.
Umalis na nga siya. Naiwan ako mag-isa du'n na parang ewan. Naghihintay ng mga bagay na sa tingin ko, hindi mangyayari. Nag-e-expect. Kung anu-ano na nga ang pumasok sa utak ko. Siguro, wala akong halaga sa kanya, na hindi ako importante.. na hindi na niya ako mahal! Ngunit, gayunman, iniisip ko pa rin ang maaaring naging problema, o baka kaya... ako lang ang problema niya? Madali kasi akong mag-isip ng mga bagay na magiging kahihinatnan ng lahat.
Nagtataka siguro kayo kung paano ko siya nakilala noong first year kami samantalang nag-transfer siya sa UMM noong second year na.
Ganito yun.
(Flashback..)
Minsan kasing napadpad ako sa Maynila dahil bibisitahin ko ang kuya ko na nag-aaral doon. Sakto namang malapit lang yung school na pinapasukan niya dati sa school ng kuya ko..
"Taylor!" sigaw siguro ng isang babae sa di kalayuan.
Tailor? Mananahi? Yung lola ko may business na patahian ng mga bag. Yun minsan ang tawag sa akin. Ewan ko ba kung bakit.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at saktong may nadaang babae sa likod ko.
Nabunggo ko siya.
"Sorry Miss."
Nalaglag yung hawak niyang books. Ako na ang pumulot nun para sa kanya. Nung masilayan ko ang mukha niya, nagulat ako.
"Ah. Salamat. Okay na." at umalis na siya.
Nagulat ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganon kasimpleng babae na sobrang ganda. Sa pananalita niya, masasabi kong mabait siya.
Simula non, lagi ako dumadaan sa school ni kuya pag bakasyon, nagbabakasakaling makita ko ulit siya.
(End of flashback..)
Mukha ba kong stalker noon? Hindi naman siguro no? Gusto ko lang naman siya makita ulit. Tapos nagulat na lang ako nang makita ko siya dito sa UMM. Sobrang saya ko non kasi magkakaroon na ng chance na magkakilala kami. Tingin ko nga hindi niya na ako natatandaan nung nagkita kami sa Manila kasi sandali lang naman kami nagkausap.
======
Malapit na ang exams. Naaalala ko pa ang nangyari kagabi na siyang dahilan ng gulong nararamdaman ko ngayon.
"Hello."
"Hi," na napakatipid. Siguro lagi siyang ganyan talaga 'pag magka-text kami.
"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
[Novel] High School Diaries
Teen Fiction"What is love for a high school student?" Witness as Darlene and her friends find out.