Chapter Nineteen

131 0 0
                                    

"Love has its ups and downs no matter how much you try to look at it.."

- - - - - - - - -

Buti na lang at ang nangyari kahapon ay hindi naibalita. Halos paggabi na rin kasi noon, wala na halos teachers at mga estudyante. Hinatid ako ni Aisac sa McDo at nauna na siyang umuwi, samantalang pinuntahan ko si Taylor doon.

Ngayon ay naikuwento ko kina Taylor at Phoebe ang mga nangyari.

"Kahit kailan talagang ang lalaking iyan!," pagalit na sabi ni Taylor.

"Don't worry, okay lang naman ako. Buti nga't nandoon si Aisac."

"Si Aisac?," tanong ni Phoebe.

"Oo.."

Next week ay Christmas Party na. Busy ang lahat ng Seniors dahil kami ang naatasang mag-ayos para sa nasabing event. May in-assign nang mga committees para mas mapadali ang trabaho. Nasa foods committee ako.

Kasama rin ako sa stage decor committee pero bilang taga-design lang ng mga bulaklak. Si Aisac ang head nito at minsan, nagpapa-assist siya kina Sir Bermudez at Sir Cruz.

Maya-maya, lumapit na si Keith na tumutulong sa magiging set-up ng Activity Center, ang lugar ng pagdarausan ng event.

Nasa room kami ng Mulawin dahil karamihan ay nakikipag-coordinate kay Patricia, ang Seniors' Club President. May mga nagbabalot na ng mga regalo at nagsasaayos ng program. Ang mga treasurers naman ang siyang naniningil ng mga nararapat bayaran para makagawa ng mga dapat gawin para sa mga palaro.

Sa isang sulok makalagay ang mga nai-print ng food stubs at dahil nga nasa foods committee ako, tumulong ako sa paggupit noon.

"Darlene, paki-abot nga ang gunting," sabi ni Kim.

"Oh, heto."

"Salamat."

Habang nagka-cut, nagkekuwentuhan kami about sa mga nangyari and most especially, yung pinakagusto naming pag-usapan, anime. Pare-pareho lang naman kaming nakahiligan 'yon.

"Ui, saka na tayo magkuwentuhan sa mga anime na 'yan, may chika ako," sambit ni Sarah.

"Oh?? Tsismis? Ano?," tanong ni Kim.

Hindi naman kami mga tsismosa na tulad ng akala ng iba. Sadyang masaya lang kaming pag-usapan ang mga pangyayari sa aming paligid.

"Oo. Ayos, nandito lang ang pag-uusapan.."

"Sino??," tanong ni Aia.

Napalinga ang lahat. Naggugupit pa rin ako.. at nang natingin sa akin si Sarah, lahat sila nakatigin na sa akin.

"Eh??," pagtataka ko.

"Si Darlene..," sabi ni Sarah.

"Huh?! Bakit ako??"

"Sabihin mo nga, may gusto ka ba kay Keith?," tanong niya.

"Ui.... luma-lovelife..," kutya ni Delia.

"Eh? Hin-hindi ko alam.. Close lang kami nu.."

"Ah.. alam mo ba, nakita ko yu'ng picture niyo noong field trip," sabi ni Kim.

"Siyempre, nasa camera ko lang 'yon no. 'Di ko pa nga binubura eh..," sabi ni Delia.

"Kayo talaga."

Natawa lang kami.

"Eh 'di 'kaw na luma-lovelife..," sabi ni Kim.

At muli, nagtawanan na lamang kami.

Naisip ko ring minsan kung sino nga ba kina Aisac at Keith ang gusto ko, pero parang si......

**

Dumating na ang araw bago ang party. Gagawa na 'ko ng sulat para sa mga kaibigan ko. Tradisyon na yata sa amin 'yon.

Hapon na ng December 17, 2009. Nagkaayaan kaming tatlo nina Phoebe at Taylor na umalis para bumili ng mga pangregalo.

"Sandali,. Nakalimutan kong i-lock ang pinto ng room. Maghintay na lamang kayo rito sa baba."

"Okay."

Pagpunta ko sa itaas, sa bungad ng hagdanan, nakita kong magkasama sina Keith at Margaret. Nakaupo si Keith, samantalang, nakatayo si Margaret. Sa oras na 'yon, nakaramdam ako ng kakaiba. Masakit. Lalo na nang pagkaupo ni Margaret sa tabi ni Keith, sa may corridor. I can see it clearly. Nagdampi ang kanilang mga labi...

[Novel] High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon