"Bakit kaya hindi mo matawag sa pangalan ang taong mahal mo?"
- - - - - - - - - - -
Taylor's POV
"Hi Bes!," ang bati ko kay Darlene.
Bes ang endearment namin, dahil nga sa best friend ko siya, pati na rin si Phoebe. Nakakatuwa nga kasi tuwing sasabihin ko y'un, pareho silang lilingon... kaya nga minsan, iniisip ko na pangalan na lang eh. Baka kasi maging dahilan iyon ng away. Buti na lang, wala pa si Phoebe noon. Nauna ako sa kanya gayong sa pareho kaming subdivision nakatira.
"Hello. Kamusta na? Hindi ka man lang nagte-text.." sabi ni Darlene.
"Ayos lang iyon, alam mo naman ako, mahilig magpa-miss."
Nasa loob na kami ng classroom. As usual, parang palengke sa kaingayan. Unang araw kasi ng klase sa taong 2010. Sanay na ko na makita silang ganoon. After all, na-miss naman namin ang isa't isa.
"Kamusta na nga pala kayo ni... you know...?," wika ni Darlene.
Hilig kasi noon na magtanong tungkol sa mga kalablaypan ng mga tao. Pero sa amin lang. May pagkatsismosa kasi siya, na tanggap naman niya.
"Sino ba?? Ah... SIYA?," tanong ko, sabay tawa. "..e, ayos lang."
"Ikaw talaga, lagi bitin ang sagot."
"Hi guys! Kamusta? Ano'ng meron?"
Andiyan na pala si Phoebe. Siyempre, kami lagi ang unang pupuntahan niyan pagdating niya. Sa totoo lang, pinagseselosan ko ang closeness nila ni Darlene. Kasi naman minsan, naiiwan nila ako. Madalas kasi na sila ang magkasama. Pero siyempre, sa akin na lang iyon. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila kasi baka pag-awayan pa namin ang maliit na bagay na 'yon.
"Wala naman, inaasar ko lang siya kay Marc," giit ni Darlene.
"Psst.. 'Wag ka maingay. Ikaw talaga,"
Gano'n lagi magsimula ang araw ko. Kailangan, tuksuhin o pagtripan ako ni Darlene tapos makikihalubilo sa saya namin si Phoebe. Lagi kaming ganitong tatlo. Naaalala ko pa noong unang beses ko silang nakilala...
Transferred student ako noong second year sa University of Mary Magdalene. Kasabay kong lumipat si Keith Valera, dati kong classmate sa isang Montessori School sa Maynila. Iyon ay dahil ayaw na ng parents namin na doon kami mag-aral. Lagi raw kasi kami gumigimik. Isa pa, ayoko ng maalala sina Roland at Margaret, na nagpahirap sa amin ni Keith noon.
Napunta ako sa section Mahogany, ang section nina Darlene at Marc noon.
Nakilala ko si Mrs. Ignacio, ang magiging class adviser nito.
"Good morning class. I would like you to meet Taylor, a transferee from Manila."
Mahiyain akong tao kaya mahina lagi ang boses ko kapag nasa harap ng maraming tao.
"Hi classmates! I'm Taylor Enriquez, I hope we make good friends."
Ang classroom ay nasa second floor. Ang mga upuan ay hindi katulad sa Maynila na hiwa-hiwalay at may sari-sariling table. Dikit-dikit ang mga ito. Mayroon lamang aisle sa gitna para makaraan ang teacher. Naka-arrange ito alphabetically. Una ang boys kasunod ang girls. Napunta ako sa third row, katabi ko na ang bintana. At first, nahirapan ako mag-adapt sa bagong environment, pero mababait naman ang mga new classmates ko at tinulungan nila ako na mapadali ang pag-aaral ko doon.
Nagsimula na ang klase sa English. Mukhang istrikto ang teacher.
"Miss Tiongson, read the first paragraph.." sabi niya.
"Wait a second, Ma'am. I don't have a book."
Ang mga libro nga pala rito ay ipinapahiram lang. Marahil ay hindi nabigyan ang babaeng iyon.
"Faster! Bagal! Kupad! Gigi!..," wika ng mainiping guro.
Ngayon lang ako naka-encounter ng english teacher na nagtatagalog sa klase. Nakakatuwa si Ma'am Lopez.
"Pahiram naman ng book," sabi ng babaeng tinawag.
Nasa likod ko nga pala siya.
"Oh, heto."
Doon ko nakilala si Darlene Tiongson. Tingin ko naman ay mabait siya.
"Salamat."
Uwian na. Humanap ako ng kasabay pauwi. Bagong lipat nga pala kami sa isang subdivision malapit sa school. Paglabas ko, nakita ko ang isang babae na tila nag-aabang. Nilapitan ko siya.
"Hello. May problema ba?"
Dati hindi ko naman gawain ang basta na lang kumausap sa hindi ko kilala. Per ngayon, ewan ko ba. Siguro kasi, ma-p.r ako. Saka, mukha naman siyang mabait.
"Inaantay ko kasi dad ko. Susunduin niya ako e.." sabi niya.
"Ah.."
Naisip kong makipagkaibigan sa kanya.. para at least may kakilala ako sa ibang section.
"Ano'ng section ka?," tanong niya.
"Mahogany. Ikaw?"
"Palosapis."
"Ah.."
May bumusinang van sa ibaba. Mukhang alam na ng babae na tito na niya iyon. Bumaba siya at pinasunod niya ako. Pasakay na siya.
"Uy, sa'n ka ba nakatira?," tanong niya.
"Ahm, diyan lang sa may New Land Village.." sagot ko.
"Oh? E du'n din ako e. Halika, sumabay ka na. okay lang po ba Daddy?"
"Okay lang, Phoebe."
Inabot niya ang kamay ko. Phoebe pala ang pangalan niya.
"Eh, nakakahiya naman.."
"Sige na. Friends na naman tayo e."
"Ahmm... sige na nga. Salamat ah. Thank you rin po, Sir."
"You're welcome, iha. Ano nga pala ang pangalan mo?," tanong ng tatay niya.
"Taylor po. Taylor Enriquez."
"Ah. Siya naman ang Daddy ko. Si Paolo Valderama. Ako naman si Phoebe."
Simula noon.. lagi na kaming sabay umuwi ni Phoebe, until such time na lagi ko na rin siya kasabay papasok. Nakipag-usap na si Mommy na magiging service ko ang service niya.
Back to the present...
"Kumain ka na?"
"Hindi.."
Tatlong araw ang nagdaan. Nasa may cafeteria kami. Wala akong gana kumain nang oras na iyon. Lumapit sa amin si Marc.. tila nag-aalala. Kinalabit niya ako.
"Uy.. kumain ka na."
"Ayoko.."
"Ibibili na lang kita ng pagkain mo.."
"Huwag. Sayang lang ang pera mo.."
"P..pe--..pero..."
"Sige na. Ayos lang naman ako e..."
Umalis na siya.
"Okay ka lang ba, Taylor? Matamlay ka 'ata?," tanong ni Phoebe.
"Oo nga no?," pag-aalala ni Darlene. "May ginawa ba si Marc sa'yo??"
"Okay lang ako... saka, 'wag niyo na lang babanggitin sa akin muna si Marc.. Nakakainis."
Paluha na ako noon. Kaya nagdesisyon akong umalis na.
"Guys.. babalik muna ako sa room.. pasensya na."
"Tsk. Nagalit yata sa 'kin.." sabi ni Darlene kay Phoebe.
"Hindi naman siguro.., sabi naman ni Phoebe.
"Ano kaya ang nangyari? Nag-aalala ako..," nasasaloob lang ni Darlene.
BINABASA MO ANG
[Novel] High School Diaries
Teen Fiction"What is love for a high school student?" Witness as Darlene and her friends find out.