B2 - Chapter One - "The Past Life"

124 0 0
                                    

"To review is to continue.."

- - - - - - - - - - -

Darlene's POV

Pagkakita ko sa 'bagay' na iyon, hindi ko napigilan ang aking sarili. Masakit. Ang tanging bagay na nasa isip ko'y "bakit? Bakit kailangang ganito? Sino ba siya para iyakan ko?? I don't understand anything right now!" Patuloy pa rin ang pagpatak ng luhang di-mabilang sa aking magkabilang pisngi. Tumakbo ako pababa... palayo sa kanilang dalawa, patungo sa ground floor ng High School Building.

Nakita ko si Aisac. Nakita niya akong umiiyak. Agad siyang tumungo sa akin.

"Bakit?? Ano'ng problema?," usisa niya.

Mababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.Nakaramdam naman ako ng awa sa aking sarili.

"W-wala. Halika na."

Pinilit kong itago sa kanya ang malungkot kong anyo. Pinilit ko pa ngang ngumiti e, ngunit hindi ko magawa.

"Huh? Ano ka ba? Kitang-kita ang pamamaga ng mga mata mo? Teka, nasa'n ba ang mga gamit mo?"

"Huwag ka na mag-alala, ang mga gamit ko'y na kina Taylor.. Halika na, kanina pa nila ako hinihintay. Bibili pa kami ng mga regalo..," pagmamadali ko.

Ayaw ko kasing maabutan pa kami ni Keith.. na siyang dahilan ng lahat. Pero, huli na. Nakita ko si Keith, na nakababa na galing ng second floor.

"Darlene, sandali... mag-usap tayo, ang nakita mo'y.."

"Aisac, ta--"

"Siya ba ang dahilan kung bakit ka ganyan?"

Nahinto ako sa pagsasalita. Seryoso na ang hitsura ng mukha ni Aisac. Natakot ako sa maaaring mangyari.

"Darlene?? Ano'ng nangayari?!"

Sakto. Mula sa namumuong tensyon, dumating sina Taylor. Mukhang nahimasmasan si Aisac nang marinig ang boses ni Phoebe. Pinuntahan nila ako.

"Wala, Ayos lang ako," sabi ko, na may kasamang paghikbi.

"Ano'ng ayos ka d'yan. 'Wag ka ngang magpakaadik," giit ni Pheobe, na ayaw na nagsisinungaling ako sa kanila.

"Siya, sigurado akong siya ang may kasalanan," wika ni Aisac, habang nakaturo kay Keith.

"Keith?," gulat na pagkakasabi ni Taylor, habang sumama muli ang tingin ni Aisac sa kanya.

Malungkot naman ang mukha ng loko. Halatang guilty!

"Halika na. Mabuti pa'y ihatid na natin si Darlene sa kanila," payo ni Phoebe. "Dumidilim na kasi. Maaga pa tayo bukas."

"Huwag na, kaya ko naman na umuwi. Hihingi lang sana ako ng favor.."

"Ano y'un?"

"Pwede bang pakibili niyo na ako ng pangreregalo? Alam niyo na naman kung sino ang nabunot ko. Salamat."

"E.. sige," sabi ni Taylor.

Umalis na kami, naiwan si Keith na mag-isa. Nawala na rin sa isang iglap si Margaret. Habang paakyat siya, nakita niya ang susi ng room namin na aksidenteng nahulog ko habang pababa ako kanina. Pinulot niya iyon, tinitigan at naluha siya. Naupo siya sa hagdan kung saan ko nabitiwan ang susi. Nanggagalaiti ang kanyang mga kamay sa galit sa sarili. Tinakapan niya ang mukha ng kanyang kanang kamay.. tanda ng pakadismaya sa nangyari.

Pareho kaming hindi makatulog nang sumapit ang gabi. Malamig at malungkot sa paligid ng kuwarto ko.

"Magpapasko na nga pala..."

Napag-isip-isip ko lang.. Mahal ko na ba siya? Bakit ako umiyak kanina? Sa bagay, ikaw ba naman.. makita mo ang 'kaibigan' mong may kahalikan.. sa lugar pa na madaling makita! Siguro nga. Mahal na nga siguro kita. Alam mo ba 'yon ha! Kung naririnig mo lang sana ako...

Kinabukasan, kung kailan dapat na ang lahat ay masaya, ayon.. Alam niyo na. Para akong nalugi. Tulala. Bukod sa nakakainis na pangyayaring iyon, hindi pa ako nakatulog ng maayos. Sana nai-imagine niyo hitsura ko no? Pero pinilit ko pa ring sumaya, para sa mga kaibigan ko.

"Advance Merry Christmas, Darlene!," bati nila.

Naroong nakasalubong ko sina Kim, Aia, Delia at Sarah.. Naroong pagtitripan ako nina Carl at Daniel.

"Salamat.."

"Ano ba 'yan.. Ba't ang tamlay-tamlay mo? Ano'ng ginawa mo kagabi ha??," kutya ni Daniel.

"Eh?? Ano ka ba. Adik. Hindi lang ako nakatulog nang maayos no..," paliwanag ko.

"Bakit naman? Excited ka no?," sabi naman ni Delia at tumatawa pa.

"Hindi no. Kayo talaga."

At least, napatawa ako ng mga friends at classmates ko. Christmas na. Dapat masaya!!

Nakita ko na nagbigay si Marc ng chocolate at teddy bear kay Taylor. Tuwang-tuwa siya habang nagpapasalamat sila sa isa't isa. Nagregalo naman si Phoebe ng t-shirt para kay George. Masaya ako para sa kanila.

Maya-maya, lumapit si Keith sa akin. Swerte niya at wala akong kasama noon kaya nakausap niya ako.

"Look. What happened yesterday was just a misunderstanding."

"Misunderstanding?!," tumaas ang pitch ng boses ko. Pumunta ako sa loob ng room. Sumunod siya. Walang gaanong tao sa loob. Nasa labas kasi ang lahat at nagsisimula nang magsaya. "Nagjo-joke ka ba? 'Wag mo ngang sirain ang araw ko.. please?!"

"Kaya nga makikipag-ayos, 'di ba?"

Tingnan mo nga! Siya na nga itong humihingi ng time para makipag-ayos sa 'kin, siya pa ang galit! Argh!

"So, galit ka pa niyan ha?! Sino ba ang may kasalanan? Ako ba??"

"Okay.. Sorry. Gusto ko lang naman na maging masaya tayo ngayon, please? Patawarin mo na ako.."

Napaisip na naman ako.. Sino nga ba ang may kasalanan? At saka, bakit nga ba niya kailangang mag-sorry?

"Natural, nasaktan ka niya.."

Pilit akong ginugulo ng konsensya ko. Hay...

"O siya. Ngayon lang 'to. Hindi pa rin tayo ayos ha," nasabi ko na lang. Nakipagkamay kami sa isa't isa.

Natapos ang Christmas Party. Naging masaya rin ang araw ko kahit papaano. Ang regalong binili nila Taylor ay binigay ko kay Marc.. na siyang nabunot ko sa Monito Monita namin. Alam niyo ba kung sino ang nakabunot sa akin?? Si Keith lang naman. Kaya pala siya nag-sorry kaagad, para lang tanggapin ko ang gift niya. Nako.. Bag ang regalo niya sa akin.

Pagdating ng Christmas Eve, umamin sa akin si Keith na mahal niya ako. Inexplain niya na si Margaret ang gumawa ng 'first move' na 'yon na naging issue sa kanya dahil nga noong time na 'yon, sinabi niya kay Margaret na mahal niya ako. Siyempre, ako.. maniniwala, palibhasa'y gusto ko rin siya.. pero hindi ko pa iyon sinasabi.

Maligaya ang kani-kanilang Christmas Vacation, as well as mine. At least, inamin niyang may pagkakamali siya.. at napasaya niya ako..

[Novel] High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon