Chapter Eighteen

134 0 0
                                    

"Ang love ay kusang darating sa kahit anong oras nito gustuhin. Minsan, hindi napipigilan kahit nasasaktan ka na, Pero may pagkakataong nawawala rin, sa oras na magkaroon ng kapalit.."

- - - - - - - - - -

"Gusto mo ba talagang malaman?," tanong ni Taylor sa akin.

"Oo. Kailangan ko malaman. Ang gulo na eh, damay pa 'ko.."

Nasa McDo kami noon, Thursday ng hapon, huling linggo ng klase. Next week ay busy na for Christmas Party.

"Sige, pero talagang magulo 'to huh," sabi niya.

"Di na bale, handa na akong makinig."

Naalala ko ang mga pangyayari noong school festival, 'yung kina Keith, Taylor, Roland at Margaret, isama mo pa si Kuya.. Umamin na nga siya sa akin na mahal niya ako, 'di ba? Isa pa, sinabi rin niyang dumistansya ako kay Keith. Ano nga bang kinalaman ko sa gusot na 'to??

Nadagdag pang may gusto rin daw sabihin sa akin si Keith, hindi lang niya masabi. Sumasakit na ulo ko sa kakaisip. Hindi ko naman gustong ma-involve sa ganito..!

Nagkwento na si Taylor.

"Magkakaklase kami nina Keith, Roland at Margaret noong first year. Best friend ko pa noon si Margaret. Second semester, lumipat ako dito sa UMM. Sumunod sina Keith at Roland noong second year. Naging kami ni Roland tulad ng nasabi ko sa'yo noong camping.. pero... nagbago ang lahat nang iwan niya ako.. at naging sila ng friend kong si Margaret! At simula noon, pinutol ko na ang koneksyong mayroon kami ni Marj..."

"Teka, 'di ba ex-girlfriend ni Keith si Margaret?," tanong ko.

"Oo. Paano mo nalaman?"

"Huh?? Ahh... eh, nakuwento niya minsan. Hu-Huwag mu sabihing naikuwento ko sa'yo huh?,"

"Hayan.. may alam ka rin pala.."

Uminom muna kami ng Coke Float na inorder namin.

"Eh.. teka, paano ako napasok sa kuwento??," tanong ko.

Nag-isip muna si Taylor.

"Alam mo kasi... uhm, pagkatapos ng break-up namin ni Roland at break-up din nina Keith at Margaret, naging close kami ni Keith. Hindi na rin kailan naniwala sa love si Keith after that, until may magustuhan siya ngayon.."

"And so.. 'asan ako dun?"

"Ikaw Darlene... Gusto ka ni Keith.."

"Huh??????"

Sa gulat, I spilled my Float. Hindi ko akalaing may gusto siya sa akin!

Ano raw??? Gusto ako ni Keith?! Talaga lang huh.. At habang kumakain kami ng burger, naisip kong umamin na rin pala sa akin si Aisac na gusto niya ako. WOW.. big BREAK??! Ang haba ng hair ng lola mo!

"Wui, 'wag mo sabihin kay Keith na sinabi ko na sa'yo huh,"

"Ahhhh... eh, sige.."

"Salamat."

Kaya pala sabi ni Aisac na dumistansya ako kay Keith. Ayaw niya na magkalapit kaming dalawa.. Pero, bakit ganoon?

Pagkatapos kumain, napansin kong naiwan ko ang payong ko sa room namin. Makulimlim noon, at nagbabadya ang malakas na ulan.

"Taylor, mauna ka nang umuwi. May babalikan pa ko sa room eh, naiwan ko kasi y'ung payong ko."

"Hindi, hihintayin na lang kita rito."

"Okay, sige. Sandali lang ako."

Bago pa man ako makaakyat sa second floor, nakita kong magka-usap sina Roland at Aisac. Nasa study area sila malapit sa comfort rooms.

"Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. Isa pa, ayokong sumama ang loob sa akin ni Keith," sabi ni Aisac.

"Ano ka ba? Konti na lang eh, Nasabi mo ng mahal mo si Darlene. Hindi mo na mababawi 'yon. Kailangan lang kumagat siya sa'yo, tsaka kita tutulungan kay Phoebe," sabi naman ni Roland.

"Pero, hindi puwede. Malapit kong kaibigan si Darlene, at ang talagang mahal ko eh si Phoebe. Hindi maaari ang gusto mo. Babawiin ko ang sinabi ko kay Darlene, bukas na bukas din!"

Ano yo'n?? Bakit pinag-uusapan nila kami ni Phoebe? So JOKE lang lahat? SET-UP lang?! Ang gulo! Si Roland? Ano ba'ng nagawa namin at sine-set up pa niya si Kuya? Hindi maaari. Ayokong paglaruan niya ako!

"Sira! Dapat mabaling muli ang pagtingin ni Keith kay Margaret. Ikaw lang ang puwedeng mahalin ni Darlene," sabi ni Roland.

"Puwes, gumawa ka ng paraan para sa inyo.. hindi iyang dinadamay mo pa kami!," pagalit na sabi ni Aisac.

Paakma ng susuntukin ni Roland si Aisac, pero inawat ko sila... at sinampal ko si Roland.

"Darlene?!," pagkagulat ni Aisac.

"Huwag kang gumamit ng tao!," pagalit kong sabi. "Kaya pala simula't sapul, ayoko nang maging kayo ni Taylor, at higit sa lahat, ayoko sa ugali mo! Umalis ka na!"

Humarap si Roland ng walang pakundangan sa akin.

"Kung gayon, may nalalaman ka na pala.. Hmm.. Tayo na lang kaya? Maganda ka rin huh??," sabi ni Roland.

Hinawakan niya nang sobrang higpit ang kamay ko. Hnila niya ako palapit sa kanya, pero maagap si Aisac. Hinawakan niya ang kwelyo ng damit ni Roland.

"Bastos ka, huh!?!," sigaw ni Aisac, sabay suntok.

Dumaplis ang kamao niya sa mukha ni Roland.

"Alis na! At wag kang magkakamaling bumalik!"

Umalis na nga si Roland.. pero nagbanta itong babalikan niya si Aisac.

Nagpasalamat ako sa kanya sa pagtatanggol niya sa akin. Sinamahan niya rin akong kuhanin ang payong ko sa room namin.

"Darlene, sorry sa nasabi ko sa'yo noon huh.. Nagpagamit pa ako sa walang kuwentang lalaking iyon. Sinabihan niya akong gawin iyon dahil sabi niya, tutulungan daw niya ako kay Phoebe. Sorry ulit.. Ayoko'ng paglaruan ka.."

"Okay lang. Naiintindihan ko.."

[Novel] High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon