Chapter Twelve

160 0 0
                                    

"The best thing to do with a feeling is to express it.."

- - - - - - - - - -

"Darlene!," sigaw ng isang kilala sa 'di kalayuan.

Maggagabi na noon, nakaupo lang ako sa may bench. Sa oras na iyon, kasama ko na si Phoebe. Nagkita kami sa Anchors' Away. Nahiwalay kaming pareho sa mga grupong kasama namin.

"Ano Taylor? May nangyari ba?," tanong ko.

"Hayan. Nandiyan ka rin pala, Phoebe," sabi niya.

Masaya ang mukha niya. Parang may gusto siyang i-share na nangyari sa kanya. Her eyes look like shimmering gold.

"Umamin sa akin si Marc na may gusto siya sa akin. In fact, kagagaling ko lang sa ferris wheel with him," kwento niya.

"Oh really? Natutuwa kami for you. Ferris wheel pala huh..," sabi ni Phoebe.

Napansin ko naman na may hawak siyang paper bag.

"Ano laman ng hawak mo?," tanong ko.

"Ah.. ito bang Blue Magic? Teddy bear 'to.. bigay ni Marc. Warren pangalan.."

"Ayiee.. may bear siya..," kantsaw namin ni Phoebe.

"Hmm.. teka nga, pa'no ba nagsimula ang lahat? Noong camping pa lang kasi halata na na may gusto si Marc sa'yo eh.. Tsaka di ba iniisyu kayo noong first year p lang tayo?"

"Oo nga eh. Close na kami dati nung first year di ba? Akala ko tama na iwasan siya kasi pati siya umiiwas dahil ayaw niya na nili-link. Nalaman ko na lang kanina na almost three years na siya naghihintay. Hindi ko siya napapansin noon dahil hindi kami naging classmates. Isa pa, nai-focus ko sa iba sarili ko lalo kay Roland kaya hindi ko nakikita si Marc.." salaysay niya.

Naisip ko bigla si Aisac.. pero tingin ko hindi naman siya nakakuha ng stuffed toy..

"Eh.. 'di ba pinopormahan ka rin ni Aisac?"

"Wala na. Tumigil na siya at ang alam ko.. may bagong prospect.."

Napaisip ako sandali. Napakibit balikat naman si Phoebe.

Pauwi na ang lahat. Nakakatuwa ang mga pangyayari for Taylor and Marc. Pero ganun na lang ba talaga kabilis 'yon?

Samantala habang pabalik sa bus, nakasalubong namin sa daan si Keith.

"Oh, bakit mag-isa ka?," tanong ko.

"Wala. Iniwanan na 'ko ni Aisac. Umalis siya kasama mga kaibigan niya sa Mulawin..," sagot niya.

"Darlene, sandali lang, punta lang kaming banyo..," sabi ni Taylor.

"Okay. Hintayin ko na lang kayo."

Dumating naman sina Delia, Aia at Kim. Mukhang kagagaling lang nila sa pamimili.

"Oh, kayo pala. Ano na nangyari sa stuffed toy mo Keith?," tanong ni Aia.

"Wala akong nakuha eh..," sabi niya.

"Gano'n ba? Sayang naman..," sabi naman ni Delia.

Bago umalis nagpa-picture muna sila sa amin at siyempre, may picture na kasama ako, pati si Keith.

Naging masaya ang trip. Nakapamili rin ako kahit papa'no ng mga pasalubong. Nagkantahan sa loob ng bus habang nasa biyahe pauwi. Nag-enjoy ang lahat. Sa oras na 'yon, nakatanggap ako ng dalawang text messages..

Una, galing kay Phoebe:

"Ui.. I need to talk with you. Text mo 'ko tomorrow.."

Pangalawa, from an unknown sender:

"Nag-enjoy ako ngayon.. Salamat sa'yo."

Ano kaya ang meron kay Phoebe? At sino naman ang unknown sender na 'to?

[Novel] High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon