B2 - Chapter Seven

98 0 0
                                    

"Kung mahal mo talaga siya, huwag kang magpaapekto sa iba. Ikaw lang ang dapat nakakaalam dahil ikaw ang may pakiramdam."

- - - - - - - - - - -

Aisac's POV

Malapit na ang graduation. Isa siguro sa mga hindi ko makakalimutan sa high school life ko ay ang ma-in love. Siguro nga kasi teenagers kami. Mae-experience natin 'yan, pati ang sakit nd dala nito. Ako? Sanay na. Lagi nasasaktan...

February 14, exactly 9:24 pm, nakaupo ako sa table kung nasaan din siya, y'ung taong mahal ko, kaso may mahal nang iba. Gustuhin ko mang ako ang maging 'first' sa lahat ng ginagawa niya at iniisip niya, malabo na.

"May I have this dance?" tanong ni George kay Phoebe.

Inabot lang niya ang kamay niya, natural kasi gusto niyang maging first dance si George. Tapos, sunud-sunod na sila, si Keith niyaya si Darlene, si Marc naman niyaya si Taylor at ni Charlie si Delia. Naiwan akong mag-isa. Ayoko naman na makipag-agawan pa. Baka masira lang ang gabi ni Phoebe kay matiyaga na lamang akong naghintay kung kailan wala nang nag-aaya sa kanya.

"Mahal kita, alam mo 'yan.." sabi ko sa kanya habang isinasayaw ko siya.

Wala siyang imik. Hinigpitan ko nang kaunti ang hawak sa kanya.

"Pero.. alam kong mas mahal mo siya kaysa sa 'kin kaya mas pipiliin kong sa kanya ka na dahil mas masaya 'pag kasama mo siya."

Humigpit ang yakap niya sa 'kin. Isang yakap ng isang mabuting kaibigan...

"Sa.. salamat, Aisac." mahinahon niyang sambit.

HInatid ko na siya sa kanyang upuan. Nakita ko ang saya sa kanyang mga mata.

"Mas mabuti na 'to," sabi ko sa sarili.

Siguro sasabihin niyo, mali ako na ipinagparaya ko siya sa iba pero, masisisi niyo ba 'ko? Ayoko ipagsiksikan ang sarili ko sa babaeng mula't sapul eh kaibigan lang talaga ang turing sa 'kin. I tried my luck kung magugustuhan niya rin ako... Lalo na nang malaman kong may problema siya.

"Aisac," text niya sa 'kin isang linggo matapos ang Prom.

"Bakit?" tanong ko.

"Tama ba na pakinggan ko ang sinasabi nila tungkol sa 'min? Pasensya na, alam kong ikaw lang ang pwede kong hingan ng tulong.. Nakakainis. Ayoko nang ganito."

Napaisip ako.

"Hindi. Dapat sundin mo ang nararamdaman mo. Kung mahal mo siya, ipaglaban mo. Mahal mo nga eh. Hayaan mo lang sila, huwag kang paapekto."

"Gan'un ba? Sige, susubukan ko. Salamat."

Hindi na siya nag-text muli pagkatapos noon.

"Kahit alam kong dapat ay ipinaglalaban ko rin ang nararamdaman ko, papalayain na lang kita sa pagkalito dahil alam ko kung sino talaga ang mahal mo."

Mahilig akong magnilay-nilay tungkol sa nararamdaman ko. Naroong humihiga ako sa bubong ng bahay namin at tumitig sa mga nagkikislapang bituin sa langit, nangangarap. Gusto ko silang abutin at kuhanin, pero hindi maaari dahil pag-aari na sila ng langit. Dito ko naisip na mas maganda ang bituin kung malayo ito sa'yo, kaysa malapit sa'yo at 'pag hinawakan mo, masasaktan ka lang sa init na dala n'un... tila nagbibigay ng isang sign na nagsasabing, 'wag mo kong salingin, may nagmamay-ari na sa 'kin...'

Tama. Kaya ako'y bumalik na sa aking kuwarto para matulog at maghanda sa kinabukasan.

"Masaya ako sa desisyong ginawa ko," sabi ko kay Rachel, isang kaklase.

"Tama 'yan. Marami naman kasi d'yan sa tabi-tabi, ayaw mo lang maghanap," sabi niya.

Oo nga naman. Why do I haven't thought of it? Siguro dahil mahal ko nga siya, ngunit, maaari ko namang ibaling na lang sa iba. Hindi ko sinasabing natuturuan ang puso na umibig ng iba, pero sa tulong ng oras, maaari, 'di ba?

[Novel] High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon