"Love is foolishness. It makes a person drink alcoholic beverages out of control.."
- - - - - - - - - - -
"All-packed?"
"Yes Ma'am!"
Halata ang kasiyahan sa mukha ng bawat mag-aaral. Papunta ang aming grupo sa isang bundok sa Bataan para doon mag-camping.
"Nag-breakfast ka na?," tanong ni Taylor.
"Hindi pa. Abala kasi ako maghanda ng gamit ko kaninang umaga."
"Ah. Heto tinapay oh. Kumain ka muna. Masarap 'yan."
"Salamat pero 'wag na. Hindi naman ako nagugutom."
Ang katabi ko sa bus ay siya, si Taylor. Nahiwalay si Phoebe dahil katabi niya ang dati niyang classamate. Nasa bandang harapan kami. Maya-maya, nag-request si Ivan kay Roland, ang rakista sa section namin na tumugtog ng gitara. Kumakanta naman ang iba.
"♪..Ngumiti kahit na napipilitan... kahit na sinasadya... mo akong masaktan paminsan-minsan.. bawat sandali na lang...♪"
Nang marinig ang kanta, itinalukbong ni Taylor ang kanyang jacket sa ulo niya.
"Inaantok ka?," tanong ko.
"Oo..," ang mahina niyang sagot.
Pero kahit sinabi niyang "oo," alam ko na ayaw lang niya marinig ang kanta. Ipinatong niya pa ang ulo niya sa balikat ko.
Nagpalakpakan ang lahat nang matapos ang kanta. Humiyaw naman sa kilig ang iba nang sabihin ni Roland na dedicated ang kantang "Nobela" para kay Taylor.
Bahagyang gumalaw at umingit si Taylor, sign ng pagkainis.Ilang sandali'y bumulong siya sa akin...
Pagdating namin sa lugar, dali-dali kaming bumaba at nagpunta sa isang sulok, malapit sa may puno. May 30 mins. break para mag-ikot sa camp site at gubat, at sa oras na iyon, kinausap ko na si Taylor. Umiiyak siya.
"A-Alam mo... ang g-gulo niya..," ang sabi niya sabay hikbi.
"Eh, 'di ba sabi mo tapos na kayo? bakit parang binabalikan ka?," tanong ko, hababng kino-comfort siya.
"Y'un na nga eh. Ala na, bumabalik pa. Pinapaalala lang niya ang break-up namin. Kung hindi siya nambabae, 'di sana... o-okay pa kami.." pagalit niyang pagpapaliwanag.
Halos mag-iisang taon yata na naging sila. At dahil good-looking si Roland, madaling nain-love sa kanya ang isang babae.. balinkinitan ang katawan. At nang mapaibig niya ito, pinatulan niya. Nag-break din sila two months ago sa 'di malamang dahilan.. at ngayon, nanunuyo na naman siya kay Taylor.
"Ahh... eh--"
"Huwag na lang natin pag-usapan. Nasasaktan lang ako, mahal ko pa rin siya."
"Eh bakit ka umiiyak? Nagpapaka-martir ka?"
"Hindi--- ewan ko.."
Hanggang sa hindi na niya mapigilan at napahagulgol na lang siya. Lumapit naman ang classmate naming si Marc, isang matalinong mag-aaral at varsity player sa basketbol.
"Ano ang nangyari?," tanong niyang may pag-aalala.
"W-Wa-Wala. Kailangan lang niya maglabas ng sama ng loob."
"Ah. Sana mamaya, hindi na siya malungkot."
May ilang minuto ang nagdaan. Tahimik lang kami ni Marc. Bakas na bakas sa mukha ni Marc ang pag-aalala. Naging close friends sila ni Taylor since first year. Tingin ko nga..--"
"Sige, mauna na ako, malapit na magsimula ang activities natin. Mamaya ulit..," ang paalam niya.
"Oo nga, tara na, Tay (Taylor). Tumahan ka na diyan. Nandito tayo para mag-enjoy at hindi magmukmok."
"Si-sige. Tara na."
Activities are all over. After sa gubat, nagpunta ang grupo namin sa may ilog. Hindi ito kalayuan mula sa camping site.
"Marc! Huwag!," sigaw ko.
"Huh?!"
Martes, alas-otso ng gabi. Pagkatapos ng nangyari sa ilog... wala akong maalala.
BINABASA MO ANG
[Novel] High School Diaries
Teen Fiction"What is love for a high school student?" Witness as Darlene and her friends find out.